Nang makita nito ang pag-atras ng North Moana ay napabuntong hininga si Darryl. Sa wakas ay nagawa nitong paalisin ang mga iyon. Nang sumunod na sandali ay hindi ito nakapagsalita nang makita niya si Fanny at ang iba pa na gulat na nakatayo roon.‘Mga mangmang; mayroon na silang pagkakataon para makatakas pero hindi nila ginamit. Anong ginagawa nila at nakatayo parin?’ Naisip nito nang kinlaro niya ang lalamunan.Pagtapos ay sinigawan ng lalaki ang mga ito. “Mga tao mula sa World Universe, makinig kayong maigi. Kahit ano pa ang inyong intensyon sa pagpunta rito ay hindi ako mababahala. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon ngayon para umalis.”Nagkunwaring seryoso si Darryl. “Hindi ko kayo madaling paaalisin kapag nangyari itong muli. Umalis na kayo ngayon din.”Pagtapos ay ikinaway nito ang kaniyang kamay.Natuwa sina Fanny at ang mga mandirigma mula sa World Universe. Yumuko ang mga ito para pasalamatan si Darryl.“Salamat, Kamahalan.”“Salamat, Kamahalan, sa pagbigay sa amin ng t
Hindi ko lamang halos nakuha ang trono ni Hou Yi, pero nakulong ko rin si Chang Er. Pero hindi niya ako apparusahan? May punto ang hindi nito pagkagalit tungkol sa pagkuha ng lalaki sa kaniyang trono, pero ibang usapan na ang tungkol sa sitwasyon ni Chang Er.’Hindi ito maintindihan ni Yang Jian.Nang sandaling iyon ay naramdaman nitong hindi pamilyar ang ‘Hou Yi na nasa kaniyang harapan. Tila iba ang taong ito.‘Hindi kaya’y impostor ang Hou Yi na nasa aking harapan?’ naisip nito.Nang sandaling iyon ay nagkaroon ng matinding ideya si yang Jian. Napakatindi nito at pati siya ay matakot nang maisip iyon, pero matapos niya itong pag-isipang mabuti ay napagtanto ng lalaki na iyon lamang ang tangin paraan para maipaliwanag ang mga nangyari.Kakiba ang kinikilos ng Kamahalan. Una ay hinayaan nitong umalis ang mga taong mula sa World Universe. Pagtapos ay pinatawad nito ang mga pagkakamali ni Yang Jian. Kung ito nga ang tunay na Hou Yi, dapat ay patay na ngayon ang mga taong mula sa W
”Kamahalan, mayroon akong kahilingan. Limang taon na ang nakalipas, noong nag-cucultivate ako ay mayroon akong hinarap na kaguluhan. Ang kabaitan ng Kamahalan ang nakapagpakalma sa magulong kong internal na enerhiya at natulungan akong lampasan ang paghihirap na iyon. Nito lamang ay mayroon nanaman akong naranasang pagkakulong habang ako’y nag-cucultivate, gusto ko sanang humiling na matulungan akong muli para inyong mapakalma ang aking internal na enerhiya.” Nakatingin sa mata ni Darryl si Yang Jian nang sabihin niya iyon.Alam ng lahat na sa tuwing nakakaranas ng pagkakulong ang isang cultivator, walang ibang paraan para masolusyonan ito kundi ang uminom ng Godly Pill. Pero gagana lamang ang Godly Pill sa mga cultivator na mas mababa sa Martial Emperor. Hindi ito gagana sa kahit na sinong cultivator na mas mataas sa lebel ng Martial Emperor.Mayroong sikretong paraan para makawala sa pagkakakulong ang mga cultivator na mas mataas ang lebel kaysa sa isang Martial Emperor. Napaka bih
Nang sabihin niya iyon ay nakangiti si Darryl, pero labis ang naramdaman nitong kaba sa kaniyang puso. Malamig itong namawis.Katunaayan, hindi magmamakaawa si Darryl kung ibang tao lamang ito. Pero ibsa si Yang Jian. Kahit na sina Chang Er at Zhu ay kinatatakotan ito. “Tigilan mo na ang pagsasalita ng walang saysay. Maghanda ka nang mamatay!” Hindi na nagpatuloy pa si Yang Jian sa pagsasalita at hindi nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.Bang!Nang sandaling iyon ay dahan-dahang itinaas ni Yang Jian ang Kaniyang kamay at naglabas ng trong na enerhiya ang Tri-point Double-edged saber na bumalot sa buong kalangitan sa itaas ng palasyo.“Zeus Slash!” itinaas ni Yang Jian ang kaniyang kamay nang sumunod na sandali at sumabog ang nakakatakot na saber shadow mula sa Tri-point Double-edged saber, sumugod ito kay Darryl!100 talampakan ang haba ng saber shadow at nabuo ito mula sa battle technique ni Yang Jian.Kaagad na bumaba ng higit sa ten degrees ang tempertura nang lumabas ang s
Suton Herman ang pangalan ng asawa ni Bradley. Ito ang pinakamagandang babae sa buong mundo sa panahong iyon, para itong si Chang Er, labis na nahumaling si Yang Jian sa babae.Isang araw, noong wala si Bradley at nakahanap ng oportunidad si Yang Jian para lasingin at gahasain nito si Sutton. Hindi kinaya ng babae ang naranasan at pagkapahiya kaya naman nagpakamatay ito.Nang bumalik si Bradley ay nakita nito ang hindi magandang sitwayon ng asawa. Nagalit ito at mabilis na naghiganti kay Yang Jian. Nang sandaling iyon ay hindi kasing lakas ni Bradley si Yang Jian, kaya naman nilinlang niya ito para ikulong sa pagoda.Isang libong taon na noong mangyari iyon at halos nakalimutan n ani Yang Jian ang tungkol doon. Kaya naman bumilis ang tibok ng puso nito nang makita niya si Bradley. Walang salitang makakapag larawan sa naramdaman nito.Napatingin ang lahat ng sundalo ng North Moana kay Bradley. Nagkagulo ang lahat!“T-totoo bang nakatatandang kapatid ni Grandmaster Erlang ang lalaki
Nakita ni Darryl na hawak nang husto ni Darryl ang kaniyang double mace. Itim na itim ang kulay ng double mace na ito kaya mapagkakamalan ng kahit na isang maliit na bakal lang ito ng kahit na sino. Nagtatanglay ang mace na ito ng napakalakas na battle energy.Hindi pa rin alam ni Darryl sa mga sandaling iyon na Ever Sky Mace ang pares ng mace ng ginagamit ni Bradley.Kahit na hindi ito isang grand weapon, maikukumpara pa rin ang lakas nito sa Tri-point Double-Edged saber ni Yang Jian.Natigilan si Yang Jian nang makita niya ang unti untong paglapit ni Bradley. Kaya agad niyang dinepensahan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang Tri-point Double-edged saber na hinawakan niya rin nang husto sa kaniyang kamay!Bang!Nagtama ang Ever Sky Mace at Tri Point Double edged saber sa isa’t isa bago narinig ng lahat ang isang napakalakas na tunog ng pagsabog. Dito na napaatras sina Bradley at Yang Jian ng ilang hakbang.“Buwisit!” Napanganga nang husto si Darryl nang makita niya iyon. Naimp
Sampung minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin mapatumba ni Yang Jian si Bradley. Kahit ilang libong taong nang nakakulong si Bradley sa pagoda, mas naging malakas pa rin ito kaysa kay Yang Jian. At ngayong nagalit ito nang husto, sumabog nang husto ang kaniyang lakas. Ito ang naging dahilan kung bakit nahirapan sa kaniya ngayon si Yang Jian.Nagalala na si Yang Jian nang makita niya ang paglakas ni Bradley sa gitna ng kanilang laban.“Sisiguruhin kong mamamatay ka na sa sandaling makita tayo ulit sa araw na ito sa susunod na taon!” Sigaw niya.Dito na niya inutusan ang mga nagpapatrolyang bantay na, “Mga bantay, hulihin ninyo si Darryl, dead or alive!”Alam ni Yang Jian na hindi niya magagawang kontrolin si Bradley sa loob ng maiksing panahon. At matapos makaramdam ng pressure, nagisip siya ng plano para hulihin si Darryl. At pagkatapos ay magagawa na niyang makuha ang Seven Treasures Exquisite Pagoda mula rito. Ang pagoda na iyon ang may hawak sa buhay ni Bradley!Woosh.
Inisip ni Chang Er na ang silid na may kayaman sa ilalim ng lupa ay matatagpuan sa pinaka pinagbabawal na lugar sa palasyo ng hari. Hindi lamang ito liblib, ngunit napapaligiran ito ng dose- dosenang mga maharlikang guwardiya. Kahit na sinabi niya kay Darryl ang lokasyon nito, hindi ito mahahanap ng isang taran*tadong na tulad niya.Sa pagpapahiya ni Chang Er, ngumiti si Darryl pero hindi nagsalita.Tapos, ngumiti si Darryl at tumingin kay Lily. "Lilybud, ibinalik ko ang tableta."Habang nagsasalita siya, inilabas ni Darryl ang Imaginative Image Pill.Nanginig ang katawan ni Lily nang makita ang Imaginative Image Pill. Natuwa siya habang yakap- yakap ng mahigpit si Darryl. Puno ng saya ang puso niya.‘Ito ang aking mahal. Walang siyang hindi kayang gawin,' naisip niya.Si Zhurong, Divine Farmer, at Chang Er ay natigilan habang tinitignan nilang mabuti ang Imaginative Image Pill!Napakagat sa labi si Chang Er dahil hindi niya inaasahan na makukuha nga ni Darryl ang Imaginative Im