Nakita ni Darryl na hawak nang husto ni Darryl ang kaniyang double mace. Itim na itim ang kulay ng double mace na ito kaya mapagkakamalan ng kahit na isang maliit na bakal lang ito ng kahit na sino. Nagtatanglay ang mace na ito ng napakalakas na battle energy.Hindi pa rin alam ni Darryl sa mga sandaling iyon na Ever Sky Mace ang pares ng mace ng ginagamit ni Bradley.Kahit na hindi ito isang grand weapon, maikukumpara pa rin ang lakas nito sa Tri-point Double-Edged saber ni Yang Jian.Natigilan si Yang Jian nang makita niya ang unti untong paglapit ni Bradley. Kaya agad niyang dinepensahan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang Tri-point Double-edged saber na hinawakan niya rin nang husto sa kaniyang kamay!Bang!Nagtama ang Ever Sky Mace at Tri Point Double edged saber sa isa’t isa bago narinig ng lahat ang isang napakalakas na tunog ng pagsabog. Dito na napaatras sina Bradley at Yang Jian ng ilang hakbang.“Buwisit!” Napanganga nang husto si Darryl nang makita niya iyon. Naimp
Sampung minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin mapatumba ni Yang Jian si Bradley. Kahit ilang libong taong nang nakakulong si Bradley sa pagoda, mas naging malakas pa rin ito kaysa kay Yang Jian. At ngayong nagalit ito nang husto, sumabog nang husto ang kaniyang lakas. Ito ang naging dahilan kung bakit nahirapan sa kaniya ngayon si Yang Jian.Nagalala na si Yang Jian nang makita niya ang paglakas ni Bradley sa gitna ng kanilang laban.“Sisiguruhin kong mamamatay ka na sa sandaling makita tayo ulit sa araw na ito sa susunod na taon!” Sigaw niya.Dito na niya inutusan ang mga nagpapatrolyang bantay na, “Mga bantay, hulihin ninyo si Darryl, dead or alive!”Alam ni Yang Jian na hindi niya magagawang kontrolin si Bradley sa loob ng maiksing panahon. At matapos makaramdam ng pressure, nagisip siya ng plano para hulihin si Darryl. At pagkatapos ay magagawa na niyang makuha ang Seven Treasures Exquisite Pagoda mula rito. Ang pagoda na iyon ang may hawak sa buhay ni Bradley!Woosh.
Inisip ni Chang Er na ang silid na may kayaman sa ilalim ng lupa ay matatagpuan sa pinaka pinagbabawal na lugar sa palasyo ng hari. Hindi lamang ito liblib, ngunit napapaligiran ito ng dose- dosenang mga maharlikang guwardiya. Kahit na sinabi niya kay Darryl ang lokasyon nito, hindi ito mahahanap ng isang taran*tadong na tulad niya.Sa pagpapahiya ni Chang Er, ngumiti si Darryl pero hindi nagsalita.Tapos, ngumiti si Darryl at tumingin kay Lily. "Lilybud, ibinalik ko ang tableta."Habang nagsasalita siya, inilabas ni Darryl ang Imaginative Image Pill.Nanginig ang katawan ni Lily nang makita ang Imaginative Image Pill. Natuwa siya habang yakap- yakap ng mahigpit si Darryl. Puno ng saya ang puso niya.‘Ito ang aking mahal. Walang siyang hindi kayang gawin,' naisip niya.Si Zhurong, Divine Farmer, at Chang Er ay natigilan habang tinitignan nilang mabuti ang Imaginative Image Pill!Napakagat sa labi si Chang Er dahil hindi niya inaasahan na makukuha nga ni Darryl ang Imaginative Im
Bumuntong- hininga si Darryl at tumingin kay Chang Er. Hindi niya magawang ngumiti o umiyak nang sabihin niyang, “Lady Chang Er, hindi mo ako naintindihan. Lagi kong tutuparin ang aking salita. Bago ako umalis sa lungsod ng maharlika kanina, nakita ko si Yang Jian. Kinamumuhian ako ni Yang Jian hanggang sa kanyang mga buto, at sinabi niyang papatayin niya ako kapag nakita niya akong muli."Sa mga sumunod na minuto, ibinahagi ni Darryl ang mga nangyari kanina nang detalyado kay Chang Er.Matapos marinig ang paliwanag ni Darryl, nanginig ang katawan ni Chang Er. Laking gulat niya.'Ginahasa ni Yang Jian ang asawa ng sarili niyang nakakataas na kapatid?'Si Zhurong at Divine Farmer ay nakatingin din sa isa't isa, walang imik.Iginagalang ng lahat si Yang Jian dahil si Grandmaster Erlang ay isang kagalang- galang na tao sa mundo. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon kalupit siyang tao.Sa sandaling iyon, nanumbalik ang pag- iisip ni Chang Er at mariing tinitigan si Darryl habang p
Bang!Habang nagmumuni- muni si Chang Er, nakaramdam si Darryl ng panginginig na nagmumula sa Seven Treasures Exquisite Pagoda sa kanyang bulsa. Mukhang bumalik na si Bradley sa pagoda.Bilang may- ari ng pagoda, damang- dama ni Darryl na nasugatan si Bradley, ngunit hindi ito malala. Walang alinlangan, malamang na inutusan ni Yang Jian ang kanyang mga tao na salakayin si Bradley nang alam niyang hindi niya matatalo si Bradley sa labanan."Bradley, kamusta ka?" tanong agad ni Darryl.Sa sandaling iyon, mahina ang boses ni Bradley habang sinasabi niya, "Pinuno, ayos lang ako. Pero hindi maganda ang sitwasyon mo. Nagpadala si Yang Jian ng maraming tao upang subaybayan ang iyong lokasyon. Ang bundok Buzhou ay isa sa mga lokasyon na kanilang hahanapin. Kailangan mong umalis kaagad…”“Mabuti naman. Kailangan mong magpahinga para gumaling,” nakangiting bati ni Darryl sa kanya. Ang tirahan ng Divine Farmer ay talagang liblib, kaya hindi kailanman makakarating si Yang Jian doon.Pareho s
Tumingin si Yang Jian kay Chang Er at ngumiti, "Lady Chang Er, hindi ka makakatakas sa iyong kaugnayan sa pagkamatay ni Hou Yi. Mas mabuting bumalik ka na kasama ako para tumulong sa imbestigasyon–”Pinutol siya ni Chang Er bago niya natapos ang pagsasalita.“Yang Jian, tigilan mo na ang pagsisinungaling sa akin. Huwag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip mo. Ako ay nakasama ng Kanyang Kamahalang Hou Yi sa loob ng mahigit isang libong taon; naging matatag ang relasyon namin. At ikaw, nasasakupan ka lang niya. Sinamantala mo ang pagkakataong maupo sa trono nang ang kanyang kamahalan ay kapapanaw lamang. Iyon ay masama. Ngayon minamatyagan mo ako? Sa tingin mo deserve mo ako?" Mukhang galit si Chang Er habang malamig na sinabi. Sa pagkakataong iyon, tumahimik ang buong lugar. Ang mga mata ng lahat ay kay Chang Er. 'Siya...naglakas- loob siyang tawagin si Yang Jian ng masama? Kahit na siya si Lady Chang Er, si Yang Jian ang kasalukuyang Emperador. Paano niya ito mapagalitan sa h
‘P*tang *na!’ nang makita iyon, naikuyom ni Darryl ang kanyang kamao sa galit.Si Yang Jian ay isang baliw!‘Paano maipagtatanggol ni Zhurong, Divine Farmer, at ang aking sarili laban sa isang daang libong sundalo?’ naisip niya.Sa sandaling iyon, hinarang ng Divine Farmer si Darryl at naglabas ng ilang mga medikal na tabletas mula sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay ibinigay niya ito kina Darryl, Zhurong, at ang iba pa. "Kainin na to, dali."Ang ilang mga medikal na tabletas ay kasing puti ng niyebe, makintab ang kulay, at may magandang bango. Hindi na nagdalawang- isip sina Darryl, Zhurong, at ang iba pa at inubos agad ito.Bang!Sa sandaling iyon, itinaas ng Divine Farmer ang kanyang mga kamay at nagsimulang umawit. Isang malakas na aura ang sumabog mula sa kanyang katawan, na naging sanhi ng pagkalanta ng lahat ng halaman sa loob ng ilang libong milya.Sa mga lantang halaman, ang puting usok ay tumaas at dumaloy sa hangin habang dinadala ito ng hangin patungo sa hukbo ng North M
Pagkatapos ay sumugod si Zhurong sa langit at inilagay ang sarili sa harap ni Darryl upang protektahan siya."Yang Jian, kailangan mo munang dumaan sa akin kung gusto mong hawakan ang kapatid ko," galit na sigaw ni Zhurong bilang isang marahas, at nag- aapoy na puwersa ng aura ang lumabas sa kanyang katawan.Buzz!Sa mga sumunod na segundo, nagsimulang mag- alab ang dagat ng apoy at nagliyab sa buong kalangitan na parang nagliliyab. Ang mga nakapaligid na halaman sa isang libong kilometro ay nalanta at agad na naging abo sa ilalim ng nagniningas na apoy.“Ah…”“Iyong kamahalan, tulong…”Sa isang kisap- mata, isa pang dalawampung libong sundalo o higit pa sa sundalo ng Hilagang Moana ang sumabog sa trahedya na panaghoy at namatay sa gitna ng nagniningas na dagat.Mabilis na ginamit ni Darryl ang kanyang panloob na enerhiya at naglagay ng proteksiyon na kalasag sa kanyang sarili nang maramdaman ang sobrang init ng apoy— nagsasanggalang kina Lily at Chang Er.Hindi natatakot si Da