Si Fanny ay ang malapit na kaibigan ni Megan na kaniyang inatasang mamahala sa Emei matapos niyang makulong sa North Moana Continent.Kasalukuyang nagpapalakas si Fanny sa isang hindi kalayuang cultivating cell kanina. Marami rami na rin ang mga pambihirang elixir na kaniyang nakonsumo bilang malapit na kaibigan ni Megan kaya nagawa niyang maging isang Level Four Martial Emperor na nagbigay sa kaniya ng napakalakas na pandinig!Nakarinig si Fanny ng kakaibang ingay noong tumakas sina Aurora, Eira at Quinnie sa kulungan kaya agad siyang nagpunta roon para tingnan ito.“Aurora, sino ang nagaakala na mayroon pa ring magbubuwis ng kanilang buhay para lang iligtas ang isang walang kuwentang babae na kagaya mo?” Hindi naging malakas ang pagsinghal ni Fanny pero nagawa pa rin nitong sindakin ang mga tao sa kaniyang paligid.Dito na tumama ang tingin ni Fanny kay Quinne pagkatapos nito. “Quinnie, binastos mo ang mga batas ng ating sekta matapos mo kaming traydorin bilang isang Elder ng Eme
“Master Seniro Sister!”Ginawa ni Quinnie ang lahat ng kaniyang makakaya para sumigaw kay Aurora ng, “Umalis ka na! Dali!”“Umalis? Huwag niyo nang isipin pa ang tungkol sa pagalis ngayon dito!” Nanlamig nang husto ang boses ni Fanny. Dito na siya umatake ng isa pang beses!“Umalis ka na, Master Senior Sister. Dalian mo!” Nabahala nang husto si Quinnie nang makita niya ito kaya agad siyang sumigaw hanggang sa dulo ng kaniyang lalamunan bago itulak nang malakas si Aurora!Dito na lumipad si Fanny sa tabi ni Quinnie para dakipin ito!“Gusto mong magpakatraydor para iligtas ang babaeng nagbagsak sa ating Emei Sect, Hindi ba Quinnie?” Nanlalamig na sinabi ni Fanny habang nakatingin ang nagyeyelo sa lamig niyang mga mata. “Bilang isang Elder ng Emei, nagawa mong pakawalan ang mga traydor na ito. Walang kapatawaran ang ginawa mong ito. Kaya huwag na huwag mo akong sisisihin sa sandaling hindi ako magpakita ng awa sa iyo ngayon nagawa mo nang kumampi sa hayop na iyan!”Buzz!Dito na gi
Agad na nagbago ang itsura ni Fanny habang nagpapanic nang kaunti sa kaniyang puso. Pero nagawa pa rin niyang suminghal habang itinataas ang kaniyang kamay matapos maalalang hindi pa bumabalik sa dati ang internal energy ni Aurora para gumawa ng isang protective shield sa gitna ng ere!“Huwag kang magbintang ng kung ano ano, Aurora Hansen.” Napakagat si Fanny sa kaniyang labi habang nagbibigay ng isang naghahamong tingin. “Hindi mo ba alam kung anong klase ng kahihiyan ang ginawa ninyo ni Darryl Darby? Nagawa mo pang magkaroon ng anak sa kaniya. Isa kang kahihiyan sa Sekta ng Emei. Ikaw ang nararapat na mamatay. Sinuway ni Quinnie ang ating batas kaya dapat lang din siyang mamatay. Kayo na ng anak mo ang susunod sa kaniya!”Bang!Tumama ang Icy Dragon Punch sa protective shield at gumawa ng isang napakalakas na tunog habang nababasag ang ginawang protective shield ni Fanny. Kasabay nitong nawala ang ice dragon ni Aurora!Kahit na nagawa niyang salagin ito, napaatras pa rin si Fanny
“Gusto mong tumakas?”Suminghal si Fanny sa mga sandaling iyon habang inuutusan ang mga nakapaligid na disipulo ng Emei na, “Pigilan ninyo si Eira!”Dito na biglang humabol ang higit sa isang daang mga disipulo ng Emeil sa anak ni Aurora!Napakagat na lang si Aurora sa kaniyang labi habang tinitingnan ang eksenang iyon at ginagamit ang buo niyang lakas para atakihin ang mga sumusugod na disipulo ng Emei!Bang!Isang nakayayanig na tunog ang bigla nilang narinig pagkatapos ng pagatakeng iyon. Nanginig si Aurora at sumuka ng sariwang dugo! Inubos na ng Icy Dragon ang naipon niyang internal energy kaya hindi na niya kakayanin pa ang pagharap sa ganito karaming mga tao.Pero nagawa pa ring paatrasin ng pagatakeng iyon ang higit sa isang daang mga disipulo ng Emei. Maging si Fanny ay napaatras dito ng isang dosenang mga hakbang!Ginawa ni Aurora ang huli niyang pagatake para masuportahan ang pagtakas ng kaniyang anak. Kaya sa loob ng isang iglap ay agad na nawala si Eira sa paningin
Hindi maiwasang mapapigil hininga ni Eira sa nasaksihan niyang pangyayari sa kaniyang likuran.Mayroong isang grupo ng mga armadong tao ang naglabas ng pumapatay na mga aura sa kanilang mga likuran. Marami sa mga ito ang naging pamilyar sa kaniyang paningin—ang Mountain Peak Sect, Beggar’s Sect, Flame Sect at marami pang iba.Nagtipon tipon doon ang halos halat ng mga elite ng mga sekta sa World Universe.Nabuhayan nang loob ang mga ito nang makita nila si Eira sa mga sandaling iyon kaya agad silang sumigaw ng, “Sumuko ka na lang, Eira! Huwag ka nang tumakbo pa!”“Wala ka na ring mapupuntahan.”“Hayaan mong dalhin ka naming pabalik sa Emei.”Walang tigil na narinig ni Eira ang nanlalamig na sigaw ng mga ito na para bang walang kahit na sino sa kanila ang naaawa sa tumakas na si Eira.“Ano?”Nagbago ang itsura ni Eira nang marinig niya ito. Dito na biglang bumagsak ang kaniyang mood.Noong una ay naisip niya na matutulungan siya ng mga cultivator na ito na kumuha ng hustisya sa
Buwisit! Paano nagawang tumalon ng Eira na iyon papunta sa sinaunang libingan ni Lu Bu!“Hindi ba’t nasa ilalim ng bangin na ito ang libingan ni Lu Bu? Hindi ba nasa ilalim pa nito ang pasukan ng libingan ni Lu Bu na punasukan noon ng mga nagtipon tipong mga cultivator ng Nine Mainlands?”Siguradong tumalon si Eira papasok sa sinaunang libingan ni Lu Bu!Tumingin sa isa’t isa ang mga cultivator na humahabol kay Eira sa mga sandaling iyon.Dito na biglang may nagsabi na, “Hindi na natin siya kailangan pang puntahan doon para icheck kung totoo ngang pumasok si Eira sa sinaunang libingan ni Lu Bu. Marami ang mga patibong at nakalalasong mga insekto sa loob nito kaya malaki ang tiyansang mamatay na siya sa sandaling tumalon siya papasok dito!”Naalala ng mga cultivator na ito ang mapanganib nilang karanasan sa loob ng libingan noong marinig nila ang sinabing ito ng kapwa nila cultivator, dito na tuluyang nanginig ang kanilang mga katawan. Agad ding sumangayon ang mga ito at bumalik sa
Dito na niya nakita ang isang lalaking nakakadena sa isang bahagi ng dingding, mahigpit na nakakapit ang mga kadenang bakal sa parehong kamay at paae ng lalaking ito. Mayroon ding kulay ng itim ang bawat isang kadena na halos kasing laki na ng kaniyang braso!Nagpakita ng masamang mukha ang taong ito na nakasuot ng kulay mustard na Taoist robe. Mayroon ding isang espadang nakabaon sa kaniyang puso habang nababalot naman ng dugo ang kaniyang robe. Siguradong matagal na itong nangyari dahil nagkulay itim na ang kaniyang dugo.“Woo!”Dahan dahang napahinga nang malalim si Eira at tahimik na kinomfort ang kaniyang sarili nang makita niya iyon.Mukhang isa lang pala itong bangkay kaya wala na siyang dapat pang ikatakot pa. Hindi pa rin alam ni Eira na ang taong nasa kaniyang harapan ay ang kilalang General of Heaven na pinuno ng Yellow Turban Rebellion ng Three Kingdoms Era na si Zhang Jue.Aksidente ring nahulog si Megan sa butas na ito ilang buwan na ang nakalilipas. Humingi ng tulon
Halos mapatalon ang puso ni Eira sa kaniyang lalamunan nang makita niyang kausapin ni Zhang Jue ang kaniyang sarili. Hindi niya nagawang huminga ng kahit na isang beses noong makita niya ito.Dito na tiningnan ni Zhang Jue si Eira mula ulo hanggang paa habang nagtatanong ng, “Nasaan na ang batang sumaksak sa akin kanina? At sino ka naman?”Dito na naguguluhang sumagot si Eira ng. “Bata? Sinong bata? Ako lang naman ang kasama mo rito.”“Wala na kaya ito sa kaniyang sarili?”Hindi pa rin alam ni Eira sa mga sandaling ito na si Megan ang batang tinutukoy ni Zhang Jue.Hmm!Napasimangot si Zhang Jue dahil mukhang hindi naman nagsisinungaling ang may seryosong itsura na si Eira. Dito na tumama ang kaniyang paningin sa hawak nitong espada. “Sige, sinabi mong hindi mo kaano ano ang batang iyon, pero bakit mo hawak ang espadang iyan? Sinusubukan mo ba akong patayin?”Hindi naman naging malakas ang kaniyang boses pero masyado itong naging overwhelming. “Ako…”Nanginig si Eira at agad na