Kabanata 1777
Buwisit! Paano nagawang tumalon ng Eira na iyon papunta sa sinaunang libingan ni Lu Bu!

“Hindi ba’t nasa ilalim ng bangin na ito ang libingan ni Lu Bu? Hindi ba nasa ilalim pa nito ang pasukan ng libingan ni Lu Bu na punasukan noon ng mga nagtipon tipong mga cultivator ng Nine Mainlands?”

Siguradong tumalon si Eira papasok sa sinaunang libingan ni Lu Bu!

Tumingin sa isa’t isa ang mga cultivator na humahabol kay Eira sa mga sandaling iyon.

Dito na biglang may nagsabi na, “Hindi na natin siya kailangan pang puntahan doon para icheck kung totoo ngang pumasok si Eira sa sinaunang libingan ni Lu Bu. Marami ang mga patibong at nakalalasong mga insekto sa loob nito kaya malaki ang tiyansang mamatay na siya sa sandaling tumalon siya papasok dito!”

Naalala ng mga cultivator na ito ang mapanganib nilang karanasan sa loob ng libingan noong marinig nila ang sinabing ito ng kapwa nila cultivator, dito na tuluyang nanginig ang kanilang mga katawan. Agad ding sumangayon ang mga ito at bumalik sa
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP