Hindi maiwasang mapapigil hininga ni Eira sa nasaksihan niyang pangyayari sa kaniyang likuran.Mayroong isang grupo ng mga armadong tao ang naglabas ng pumapatay na mga aura sa kanilang mga likuran. Marami sa mga ito ang naging pamilyar sa kaniyang paningin—ang Mountain Peak Sect, Beggar’s Sect, Flame Sect at marami pang iba.Nagtipon tipon doon ang halos halat ng mga elite ng mga sekta sa World Universe.Nabuhayan nang loob ang mga ito nang makita nila si Eira sa mga sandaling iyon kaya agad silang sumigaw ng, “Sumuko ka na lang, Eira! Huwag ka nang tumakbo pa!”“Wala ka na ring mapupuntahan.”“Hayaan mong dalhin ka naming pabalik sa Emei.”Walang tigil na narinig ni Eira ang nanlalamig na sigaw ng mga ito na para bang walang kahit na sino sa kanila ang naaawa sa tumakas na si Eira.“Ano?”Nagbago ang itsura ni Eira nang marinig niya ito. Dito na biglang bumagsak ang kaniyang mood.Noong una ay naisip niya na matutulungan siya ng mga cultivator na ito na kumuha ng hustisya sa
Buwisit! Paano nagawang tumalon ng Eira na iyon papunta sa sinaunang libingan ni Lu Bu!“Hindi ba’t nasa ilalim ng bangin na ito ang libingan ni Lu Bu? Hindi ba nasa ilalim pa nito ang pasukan ng libingan ni Lu Bu na punasukan noon ng mga nagtipon tipong mga cultivator ng Nine Mainlands?”Siguradong tumalon si Eira papasok sa sinaunang libingan ni Lu Bu!Tumingin sa isa’t isa ang mga cultivator na humahabol kay Eira sa mga sandaling iyon.Dito na biglang may nagsabi na, “Hindi na natin siya kailangan pang puntahan doon para icheck kung totoo ngang pumasok si Eira sa sinaunang libingan ni Lu Bu. Marami ang mga patibong at nakalalasong mga insekto sa loob nito kaya malaki ang tiyansang mamatay na siya sa sandaling tumalon siya papasok dito!”Naalala ng mga cultivator na ito ang mapanganib nilang karanasan sa loob ng libingan noong marinig nila ang sinabing ito ng kapwa nila cultivator, dito na tuluyang nanginig ang kanilang mga katawan. Agad ding sumangayon ang mga ito at bumalik sa
Dito na niya nakita ang isang lalaking nakakadena sa isang bahagi ng dingding, mahigpit na nakakapit ang mga kadenang bakal sa parehong kamay at paae ng lalaking ito. Mayroon ding kulay ng itim ang bawat isang kadena na halos kasing laki na ng kaniyang braso!Nagpakita ng masamang mukha ang taong ito na nakasuot ng kulay mustard na Taoist robe. Mayroon ding isang espadang nakabaon sa kaniyang puso habang nababalot naman ng dugo ang kaniyang robe. Siguradong matagal na itong nangyari dahil nagkulay itim na ang kaniyang dugo.“Woo!”Dahan dahang napahinga nang malalim si Eira at tahimik na kinomfort ang kaniyang sarili nang makita niya iyon.Mukhang isa lang pala itong bangkay kaya wala na siyang dapat pang ikatakot pa. Hindi pa rin alam ni Eira na ang taong nasa kaniyang harapan ay ang kilalang General of Heaven na pinuno ng Yellow Turban Rebellion ng Three Kingdoms Era na si Zhang Jue.Aksidente ring nahulog si Megan sa butas na ito ilang buwan na ang nakalilipas. Humingi ng tulon
Halos mapatalon ang puso ni Eira sa kaniyang lalamunan nang makita niyang kausapin ni Zhang Jue ang kaniyang sarili. Hindi niya nagawang huminga ng kahit na isang beses noong makita niya ito.Dito na tiningnan ni Zhang Jue si Eira mula ulo hanggang paa habang nagtatanong ng, “Nasaan na ang batang sumaksak sa akin kanina? At sino ka naman?”Dito na naguguluhang sumagot si Eira ng. “Bata? Sinong bata? Ako lang naman ang kasama mo rito.”“Wala na kaya ito sa kaniyang sarili?”Hindi pa rin alam ni Eira sa mga sandaling ito na si Megan ang batang tinutukoy ni Zhang Jue.Hmm!Napasimangot si Zhang Jue dahil mukhang hindi naman nagsisinungaling ang may seryosong itsura na si Eira. Dito na tumama ang kaniyang paningin sa hawak nitong espada. “Sige, sinabi mong hindi mo kaano ano ang batang iyon, pero bakit mo hawak ang espadang iyan? Sinusubukan mo ba akong patayin?”Hindi naman naging malakas ang kaniyang boses pero masyado itong naging overwhelming. “Ako…”Nanginig si Eira at agad na
Naging maingat nan ang husto si Zhang Jue nang maloko siya ni Megan noong nakaraan.Malinaw niyang naramdaman noong makita niya si Eira na iisa lang ang technique na ginagamit nilang dalawa ni Megan. Pareho silang nagcucultivate gamit ang isang Yin Type na cultivation method na ekslusibo lamang sa mga kababaihan.Ang hindi alam ni Zhang Jue ay pareho lang na nanggaling sa Emei Sect sina Eira at Megan kaya natural lang na maging iisa ang ginagamit ng dalawang ito sa pagpapalakas. Pero naging sigurado pa rin siya sa kaniyang sarili na ipinadala siya ni Megan dito.“Senior…”Sinubukang magpumiglas ni Eira habang pinipilit na huminga pero wala siyang sapat na lakas para gawin ito. Wala na siyang nagawa kundi nanghihinang ibuka ang kaniyang bibig at sabihing. “Nagkakamali ka po, magisa lang po talaga ako rito. Hindi ko rin po kilala ang batang sinasabi ninyo…”Agad namang pinutol ni Zhang Jue ang kaniyang pagsasalita bago pa man ito matapos.“Huwag ka nang magkunwari.” Sagot ng nagngi
“Oo, si Megan at ako ay galing sa Emei Sect.” Napakagat labi si Eira habang sinusubukan niya ang best niya para kumalma.Tumingin siya kay Zhang Jue at mabagal na sinabi na, “Siya ang Senior SIster ko, pero siya ay demonyo at masamang tao. Ninakaw niya ang Sect Master position mula sa mama ko at pagkatapos siya ay...”Ginugol ni Eira ang mga sumunod na minuto sa pagkukwento sa lahat ng pinagdaanan niya.Nung natapos na siya magsalita, naramdaman niya ang lungkot bigla. Naalala niya ang kanyang nanay, na hindi alam kung siya’y buhay pa, at ang pagkamatay din ni Master Quinnie. Umiyak siya kay Zhang Jue, “Senior, hindi ako nagsisinungaling sayo. Sinaktan ni Megan ang nanay ko, at gusto ko siya patayin gamit ang sarili kong mga kamay.”Nung narinig niya ito, natouch si Zhang Jue at binitawan din ang kanyang mga kamay. ‘Sinong makakaisip na ang batang babae sa harap ko ay mas masahol pa ang pinagdaanan kesa sakin.’Nung una, may hinala pa si Zhang Jue, pero pagkatapos niya makita na
Tiningnan ni Eira ang butas sa taas niya at sinabi, “Sir, malaya ka na ngayon, kaya hula ko, hindi mo na kailangan ang tulong ko. Magpapaalam na ako sayo!”Habang nagsasalita, paalis na si Eira sa secret na kwarto.Pero, nung mga sandaling yun, desperadong siyang tinawag ni Zhang Jue, “Sandali!” Nakangiting humarap si Eira. “Sir, may maitutulong ba ako sa inyo?”Tiningnan ni Zhang Jue nang malapitan si Eira, curious siya. “Ineng, hindi mo ba gusto ng kahit anong pabuya sa pagtulong sakin?”‘Pabuya?’Nagulat si Eira nung narinig niya ito. Pagkatapos, ngumiti siya. “Hindi naman ganun kalaki ang effort na ginawa ko para makalaya ka. Ayoko ng kahit anong pabuya.”Ang nanay ni Eira, si Aurora, ay laging tinuturuan siya na parusahan ang masasama at tulungan ang mga mabubuti noong nasa society pa siya. Lagi siya sinasabihan nito na tumulong ng walang inaasahan na kapalit, at lagi namang isinasapuso ni Eira ang mga pangaral na tio.Tumango si Zhang Jue, pinapakinggan ang sagot ni Eira.Nung
Bang!Sa mga sumunod na segundo, hindi nagdalawang-isip si Eira na lumuhod sa harap ni Zhang Jue. Tumingin siya rito ng may respeto. “Ako ay yumuyuko sayo, Master!”Pagkatapos niya magsalita, iniyuko niya ang ulo niya hanggang sa lupa at kumatok ng tatlong beses.“Mabuti!” Natuwa si Zhang Jue sa ginawa niya at nakangiting itinaas ang kamay niya. “Very good. Tumayo ka na.”Hindi niya maitago ang excitement niya habang tinatawanan ang langit. “Ha-ha! Kailanman ay hindi ko inakala na balang araw ay makikita ko ulit ang mundo sa labas at magkakaroon ako ng disciple! Ha-ha. Lu Bu, pagkatapos mo ako ikulong ng maraming taon, mamamatay kang may paghihinayang.”Tumawa si Zhang Jue ng ilang minuto bago siya tumigil. Maiintindihan mo naman kung bakit ganito ang ugali niya ngayon. Pagkatapos makulong ng ilang libong taon, paniguradong ilalabas niya ang lahat ng emosyon niya.Pagkatapos, seryoso siyang tumingin kay Eira. “Ang mabait kong disciple, ipapasa ko sayo ang kumpletong Immortal Pure Scr