Pero hindi pa rin pinigilan ni Megan ang kaniyang sarili, pero nagawa pa ring salagin ni Darryl ang lahat ng kaniyang mga pagatake!Nabahala nang husto si Megan nang marealize niya na hindi niya magawang talunin si Darryl.“Darryl!”Ngumiti si Megan at tumingin kay Darryl. Sinabi nito na, “Hindi talaga kita maintindihan. Nakakulong pa rin ang mga kinakapatid at ang pamilya Carter sa kulungan ng New World, kasalukuyan silang tinotorture ngayon hanggang sa kanilang kamatayan. Pero hindi ka pa rin nagpunta roon para iligtas sila. Mayroon ka pang oras para pumunta ron at kunin ang kayamanan ng Sky Fountain.”Sinabi ni Megan ang lahat ng ito para idestruct si Darryl.Dito na niya itinaas ang kaniyang mga kamay para muling atakihin si Darryl habang sinasabi na, “Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang isa pang bagay. Nitong mga nakaraang araw ay nagawa ko nang tapusin ang lahat ng malapit s aiyo sa World Universe. Ang mga disipulo ng iyong Elysium Gate, kasama nina Felix Blakely, Samson Face
“Tanggapin mo na ang pagkatalo mo, Darryl!”Bahagyang ngumiti rito si Megan. Naramdaman niya na naapektuhan si Darryl ng tunog na nagmula sa kaniyang flute. Dumating na rin ang pagkakataong pinakahihintay niya!Buzz! Hindi na nagdalawang isip pa si Megan. Lumingon siya sa gitna ng ere at parang diwatang itinaas ang kaniyang kamay para atakihin si Darryl.Gumamit ang pagatake niyang ito ng siyam na level ng kaniyang internal energy, walang kahirap hirap nitong nasira ang daloy ng hangin sa lugar na madaanan nito.Gasp!Nagalala ang mga tao sa paligid kay Darryl. Kasabay nito ang pagsigaw nina Zhurong Lily at ng iba pang mga kaibigan ni Darryl.“Magiingat ka, Hubby!”“Magingat ka kuya Darryl!”Gustong gusto nang sumugod ni Zhurong para tulungan si Darryl. Pero naubos na ang kaniyang internal energy kaya hindi na niya ito maaabutan pa!Woo!Kinuha ng pagatakeng ito ang spiritual aura ng langit at lupa bago maging isang bagyong gawa sa enerhiya. Agad itong nagpakita sa harapan
Dahil hindi na sumasagot si Darryl, suminghal si Megan habang lumilingon at sinasabi kay Master Ralph na. “Mukhang final na ang resulta ng tournament na ito. Maaari mo na itong ianunsyo!”Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero naging mapilit at hindi makukwestiyon ng kahit na sino ang tono nito.Woo!Tumango si Master Ralph bago dahan dahang maglakad papunta sa stage. Tiningnan niya ang kaniyang paligid at sinabing. “Ang Alliance Master ng World Universe ang nanalo sa tournament na ito gamit ang kamangha mangha niyang lakas! Ang karapatan para sa babaeng ito ay mapupunta na sa kaniya!”Tumingin ang lahat sa isa’t isa. Mukhang nasabik ang mga ito pero walang kahit na sino sa kanila ang tumutol sa naging desisyon ng host.Masyadong naging malakas si Megan, dahil nagawa nitong matalo maging ang kilalang si Darryl. Sino pa nga ba ang maglalakas loob na harapin siya?“Hubby—”Hindi na nakapagpigil pa ang nasa ibabang stage na si Lily sa mga sandaling ito. Agad siyang sumugod pa
Agad na tumigil sa paghabol si Watson at ang kaniyang mga kasama nang marinig nila ang mga utos ni Megan, hindi na nila hinabol pa si Zhurong.Thud! Thud! Thud! Dito na naglakad paabante si Watson para suntukin sina Celine, Queenie at Darryl para selyuhan ang mga acupoint nito. Kahit na nanghihina ang tatlong ito, mga cultivator pa rin sila. Para ito sa kanilang kaligtasan. Mas makakasiguro sila kung seselyuhan nila ang mga acupoint ng mga ito.“Buwisit, paano naging ganito kapangit ang babaeng ito?”Nang maglakad siya papunta kay Lily, agad na napatigil sa kaniyang paghina si Watson, naiinis niya itong tiningnan.“Napakababaero talaga ni Darryl! Hindi niya pinatawad kahit ang pangit na ito.”Habang iniisip ang tungkol sa bagay na ito, ikinaway ni Watson ang kaniyang mga kamay at inutusan ang kaniyang mga tauhan na, “Itali na ninyo ang babaeng ito.”Masyadong pangit ang isang ito kaya naramdaman niya na parang minalas siya noong makita niya si Lily. Ayaw siyang lapitan ni Watso
Ang mas nakakagalit pa rito ay ang ilang beses na pamamahiyang ginawa sa kaniya ni Darryl.Pero ngayong nahuli na si Darryl matapos itong masugatan nang husto ni Megan. Magagawa na rin niyang maningil ng utang.Mas tumindi nang tumindi ang saya na nararamdaman ni Kent habang mas iniisip ang tungkol sa bagay na ito. Suminghal siya habang mabilis na naglalakad papunta kay Darryl. Dito na niya malisyosong sinabi na, “Hindi ba’t napakalakas mo kanina, Darryl? Isa kang Sect Master ng Elysium Gate at isa ring bayani ng World Universe. Ano? Nasaan na ang lahat ng ito ngayon?”“Mangmang!”Wala nang panahon si Darryl para makipaglokohan kay Kent ngayong nakita niya ang masaya nitong mukha nang dahil sa paghihirap ng ibang tao. Nagawa niya pang murahin ang isang ito sa kaniyang sarili.“Gusto mo pa ring magkunwari?” Galit na sigaw ni Kent. Dito na niya itinaas ang kaniyang hita para sipain nang malakas si Darryl.Isinara ni Darryl ang kaniyang mga kamao. Nawala na ang kaniyang lakas at adv
Bahagyang tumawa si Megan nang makita niyang lumuhod si Darryl sa kaniyang harapan. “Napakahayop mo talaga, Darryl—lumuhod ka lang matapos kitang utusan at ngayon ay nagawa mo nang magmakaawa sa akin. Naisip mo ba kung ano ang naging trato mo sa akin noong magmakaawa ako sa iyo dati? Alam mo ba kung gaano sumama ang loob ko sa aking sarili noong humingi ako sa iyo ng tawad?“Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ko noong tinalikuran mo ako? Naging ganito ako nang dahil sa iyo. Hinding hindi ko pakakawalan sina Lily, Queenie at Celine para sa iyo. Hindi lang iyon dahil kukunin ko rin ang elixir sa katawan ng pinsan mo sa harapan mo.“Isinusumpa ko na ibabalik ko sa iyo ng isang daang beses ang naging pagtrato mo sa akin noon.”Nanlamig ang mukha ni Megan nang sabihin niya ang huling pangungusap sa kaniyang mga sinabi.Ayaw nang idamap pa ni Megan ang ibang tao sa paghihiganti niya kay Darryl. Pero noong makita niya kung paano lumuhod at magmakaawa si Darryl para sa pangit na babaeng i
Dahan dahang naglakad si Watson papunta sa kanila nang may itsura na para bang gusto nitong gawin ang lahat para kay Darryl. “Huwag mo akong tingnan nang ganiyan. Napilitan lang akong tulungan si Megan na itali kayo kaninang umaga.”Dito na maingat na tumingin si Watson sa labas. Nang makasiguro siya na wala nang kahit na sino ang maaaring makarinig sa kanilang usapan, ngumiti ito at sinabing, “Ika ang tunay na Alliance Master ng World Universe, Master Darby. Kaya nakakapanghinayang lang dahil hindi pumabor sa iyo ang kapalaran sa pagkakataong ito, kinakailangan mong maghirap nang ganito. Hinding hindi ko makakalimutan ang aking mga nakita!”Nagmukhang sincere si Watson nang sabihin niya iyon pero mayroon talaga itong pinaplano sa kaniyang sarili.Noong gabing iyon ay nanaroroon si Watson para kunin ang Heavenly Halberd kay Darryl. Nagulat siya nang husto noong gamitin ito ni Darryl. Kaya siguradong magiging pabor sa kaniya ang lahat sa sandaling mapasakamay niya ang Grand Weapon na
“Umalis ka na lang!” Kalmadong sinabi ni Darryl habang nakatingin kay Watson. Dito na niya ipinikit ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sa kaniyang pagpapahinga.Hindi na nagsalita pa ng kahit ano si Darryl nang makausap niya ang isang tao na kagay ani Watson.Kahit na masyadong maganda ang inalok na kapalit ni Watson, kinamumuhian pa rin ni Darryl ang isang balimbing na taong kagaya niya. Mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa talikuran ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay.At higit sa lahat, hindi mapagkakatiwalaan ang isang katulad ni Watson. Hindi siya nakaksiguro kung pakakawalan ba talaga sila nito sa sandaling ibigay niya rito ang Heavenly Halberd.“Hayop ka! Wala kang utang na loob!”Nabagabag nang husto si Watson habang nakakaramdam ng mas matinding galit sa kaniyang dibdib. Dito na niya binunot ang kaniyang espada at itinutok ito sa leeg ni Darryl bago suminghal ng, “Ilabas mo na ang Heavenly Halberd mo!”Kumislap ang mga mata ni Watson nang may intensyong pumatay.Ang la