Gulp!Nang maramdaman niya ang galit sa mga mat ani Darryl ay nanginig at napalunok si Watson.Si Darryl ang Set Master ng Elysium Gate at tutuparin nito ang kaniyang mga pangako. Noong nasa hall ng Hexad school si Darryl ay nangako ito sa harap ng malalakas na cultivators na wawasakin nito ang Kunlun sa pagkalipas ng tatlong araw at totoo ngang ginawa niya ito.Second-class na pamilya ng mga cultivators lamang ang Tucker Cult. Kaya itong wasakin ni Darryl sa loob lamang ng ilang minuto kung gugustuhin.Pero nagbago ang pag-iisip ni Watson. Isa lamang bilanggo si Darryl nang sandaling iyon kaya naman mas matapang ang naging pag-uugali ni Watson.“Hayop ka!”Malakas na sumigaw si Watson nang sampalin nito si Darryl sa mukha nang walang kahit na anong babala.Slap!Kasama ng sampal na iyon ang lahat ng kaniayng galit. Napatid si Darryl at halos mapaluhod ito sa sahig. Agad na nagkaroon ng kulay pulang bakas ng kamay sa pisngi ni Darryl.Napasimangot si Watson; kasuklam-suklam si
Nagalit si Watson dahil hindi binigay sa kaniya ni Darryl ang Heavenly Halberd at mas lalo pa itong nagalit nang mangialam si Lily!“Lily!” Namula ang mga mat ani Darryl nang sumigaw ito ng sobrang lakas. Namaos ang kaniyang boses.Pakiramdam ni Darryl ay tila nahiwa ang kaniyang puso. Gusto nitong tumakbo at yakapin ang babae. Pero nagamit na niya ang lahat ng kaniyang internal na enerhiya. At hindi lamang siya sugatan pero nakasara rin ang kaniyang acupoints. Kaya naman tanging manood lamang habang nakaupo ang kaya nito gawin.“Watson!”Pulang pula ang mga mat ani Darryl at parang baliw nitong sinigawan si Watson. “Kung tatangkain mong saktan si Lily ay tuluyang mawawasak ang Tucker Cult! Uubusin ko kayong lahat!”“Wawasakin ko kayong lahat kapag sinaktan mo pa si Lily!”Nag-echo ang mga salitang iyon sa batong prisinto!Pinagkiskis din ni Celine ang knaiyang mga ngipin. Gusto nitong tumulong pero nakasara rin ang kaniyang acupoints. Hindi manlang ito makagalaw.Malakas na tu
’Hayop! Masyadong maaga ang pagdating ni Megan!’Nang sandaling iyon ay halos mapaiyak na si Darryl. Kahit na sakto ang pagdating ni Zhurong para iligtas si Lily ay paano ito makikipaglaban sa napakaraming tao?Alam ni Darryl na hindi pa tuluyang bumabalik ang lakas ni Zhurong. Kung sabagay ay masyadong matindi ang ginawang pag-atake ni Megan sa lalaki nang kunin ng mga ito ang mga kayamanan.Swoosh!Napakunot din ng noo si Zhurong. Nandilim ang kaniyang ekspresyon at pinag-isipan niya kung paano makakatakas.“Darryl!”Sa wakas ay ngumiti rin si Megan, pero hindi nito natago ang galit at kasamaan sa kaniya. “Kailanman ay hindi ko inakalang may magliligtas sa iyo sa ganitong sitwasyon!”Hindi nagsalita si Darryl at tahimik itong tumingin sa babae.Lumingon si Megan para tingnan si Zhurong. Pilyo itong nagsalita. “Matapang ka. Tumakas ka noong umaga pero nagtangka kang bumalik kinagabihan?”Pagtapos ay tiningnan ni Megan ang nahimatay na si Watson. Napakunot ito dahil sa pagtata
Nang marinig nilang ginamit ni Megan ang kaniyang Jade Fairy Flute ay mabilis na tinakpan nina Darryl Celine, at iba pa, ang kanilang mga tainga. Pero naramdaman nilang kumulo ang kanilang mga dugo; halos hindi sila makahinga.Clang!Ginamit ni Megan ang pagkakataong iyon.Tumingkayad ito bago itinaas ang mga kamay at inatake si Zhurong!Masyadong mabilis ang babae. Sugatan na si Zhuring, at hindi ito makaiwas dahil sa epekto ng mga nota ng flute.Bang!Malakas na tumama ang atake sa balikat ni Zhurong. Dumaing ito at bahagyang napaaatras. Maputla ang kaniyang mukha at dumura ito ng dugo.“Wala ka nang ibang mapupuntahan, Zhurong! Mamatay ka na!” Malagim na ngumiti si MeganHindi ito sinagot ni Zhurong. Umatras ito ng dalawang hakbang at tumayo sa harapan ni Darryl at ng iba pa. Hinarangan nito ang mga access sa kanila at mukha itong determinado.Kahit anong mangyari ay kailangan niyang iligtas sina Darryl at ang iba pa!“Kapatid na Zhurong!”Naantig ang puso ni Darryl aksabay
Isa sa pinaka-importanteng kaganapan sa Nine Mainland ang pag-upo ng Emperor sa kaniyang trono. Ilang libong taong namuhay ang New World Royals at binigyang atensyon ng mga ito ang koronasyong seremonya.Kaya naman nag-utos ito nang siya na ang uupo sa trono—ng tatlong araw na selebrasyon sa buong Royal City at mapapatawad ang lahat.Siyempre ay nakakulong pa ang pamilya Carter at mga kaibigan ni Darryl; hindi sila kasali sa kapatawaran.Nang sandaling iyon ay daang-daang opisyal ng sibil ang nasa Full Energy Hall habang suot ang kanilang bagong court uniforms. Malinis at pantay pantay ang pagkaka-upo ng mga ito. Sa parehong sandali ay hindi nila maitaga ang pagkasabik sa kanilang puso.Sa labas ng hall ay maraming mga envoy mula sa ibang mga mainland; naroon sila para i-alok ang kanilang pagbati.“Dumating na ang Kamahalan!”Malakas na sumigaw ang isang tauhan. Nakasuot ng gintong dragon robe si Lord Kenny; kasama nito ang iba pang miyembro ng maharlika. Dahal-dahan itong naglak
Naglakad si Donoghue sa gitna ng main hall; inilagay nito ang mga kamay sa dibdib bilang pagbigay respeto kay Lord Kenny. Ngumiti ito at nagsalita. “Binabati kita Kamahalan, sa pag-akyat sa trono!”Magalang ang tunog ni Donoghue, pero mayabang at walang galang ang pagkilos nito.Tumawa at tumango si Lord Kenny. “Ikinagagalak ko ang iyong pagbyahe ng ilang kilometro para pumunta rito at personal akong batiin. Halika at maupo!” Sa nakalipas na ilang taon ay pinamunuan nito ang Westrington army at lumaban sa maraming lugar sa East at West na mga kontinente. Nakilala ito sa mga mahusay na pag-atake ng militar na nakapag-angat sa kaniyang posisyon sa Westrington. Mayroon itong divine weapon—ang Sky Breaking Axe—kilala ito sa Nine Continents.Nakilala ito sa New World City dahil sa personal itong bumati. “Salamat, Kamahalan!”Hindi nagmadaling umupo si Donoghue. Sa halip ay nakangiti itong tumingin kay Lord Kenny. “Kamahalan, naparito ako dahil sa dalawang bagay. Una ay gusto ko kayo
Kung sabagay, si Darryl ang mortal na kalaban ng New World Royal. Phew! Huminga ng malalim si Donoghue. Naramdaman niyang hindi matitinag si Lord Kenny. Ngumiti ito at nagsalita. “Kamahalan, kung hindi mo sila ibibigay sa akin ay maaari ba akong kumuha ng ilan sa kanila?” Ayaw umalis ni Donoghue nang walang dala matapos nitong bumyahe ng napakalayo! Isa pa, napakaraming kaibigan at pamilya ni Darryl ang nakakulong. Magiging mahirap para kay Donoghue ang bantayan ang mga ito kung papaya si Lord Kenny na kunin niya ang lahat sa kanila. Mas pipiliin nlng ni Donoghue na kumuha ng isa o dalawa sa mga ito lalo na ang mga pinakamalalapit kay Darryl. Magiging malaking pakinabang ang mga ito para magpakita si Darryl.‘Isa o dalawa lamang?’ Napakunot ng noo si Lord Kenny. Tumango ito bago sandaling napaisip. “Magaling!”Nagbigay uto si Lord Kenny kay Florian. “Pag tapos ng seremonya ay dadalhin mo si Donoghue sa prisinto para makapili ito ng ilang katao!” “Opo!” Mabilis na sagot ni
Mariing kinagat ni Celine ang kaniyang labi, dumugo ito habang pinanood ng babae na itutulak na ang kaniyang estudyante sa elixir caudron. “Megan!” Mapula ang mga mata ni Darryl nang sigawan nito si Megan. “Pakawalan mo siya at hayaang magsalita. Hindi ba’t ayaw mo sa akin? Ako nalang ang gawin mong elixir pill. Inosente ang batang babae. Inosente siya!” Namaos ang boses ni Darryl nang sabihin niya ang huling pangungusap; sinigaw nito ang Nawat salita. Nadurong ang puso ni Darryl at na-stress ito dahil ang nakababata niyang pinsan na si Queenie ay marami nang naranasang mga hindi magandang pangyayari sa murang edad. Hindi patas ang buhay kay Queenie kung marami itong pagsurusa na mararanasan. Natawa si Megan sa matapang na tanong ni Darryl. Kalmado ito habang malamig na nagsalita. “Nagsisi ka bas a mga nagiing aksyon mo? Sinabi ko sayo kanina na sampung beses ang tindi ng pagbayad mo sa ginawa mo sa akin.”Hindi mapagkakatiwalaan ang tingin sa mga mat ani Megan. “Manood ka l