Kabanata 1699
Nang marinig nilang ginamit ni Megan ang kaniyang Jade Fairy Flute ay mabilis na tinakpan nina Darryl Celine, at iba pa, ang kanilang mga tainga. Pero naramdaman nilang kumulo ang kanilang mga dugo; halos hindi sila makahinga.

Clang!

Ginamit ni Megan ang pagkakataong iyon.Tumingkayad ito bago itinaas ang mga kamay at inatake si Zhurong!

Masyadong mabilis ang babae. Sugatan na si Zhuring, at hindi ito makaiwas dahil sa epekto ng mga nota ng flute.

Bang!

Malakas na tumama ang atake sa balikat ni Zhurong. Dumaing ito at bahagyang napaaatras. Maputla ang kaniyang mukha at dumura ito ng dugo.

“Wala ka nang ibang mapupuntahan, Zhurong! Mamatay ka na!” Malagim na ngumiti si Megan

Hindi ito sinagot ni Zhurong. Umatras ito ng dalawang hakbang at tumayo sa harapan ni Darryl at ng iba pa. Hinarangan nito ang mga access sa kanila at mukha itong determinado.

Kahit anong mangyari ay kailangan niyang iligtas sina Darryl at ang iba pa!

“Kapatid na Zhurong!”

Naantig ang puso ni Darryl aksabay
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP