Bahagyang tumawa si Megan nang makita niyang lumuhod si Darryl sa kaniyang harapan. “Napakahayop mo talaga, Darryl—lumuhod ka lang matapos kitang utusan at ngayon ay nagawa mo nang magmakaawa sa akin. Naisip mo ba kung ano ang naging trato mo sa akin noong magmakaawa ako sa iyo dati? Alam mo ba kung gaano sumama ang loob ko sa aking sarili noong humingi ako sa iyo ng tawad?“Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ko noong tinalikuran mo ako? Naging ganito ako nang dahil sa iyo. Hinding hindi ko pakakawalan sina Lily, Queenie at Celine para sa iyo. Hindi lang iyon dahil kukunin ko rin ang elixir sa katawan ng pinsan mo sa harapan mo.“Isinusumpa ko na ibabalik ko sa iyo ng isang daang beses ang naging pagtrato mo sa akin noon.”Nanlamig ang mukha ni Megan nang sabihin niya ang huling pangungusap sa kaniyang mga sinabi.Ayaw nang idamap pa ni Megan ang ibang tao sa paghihiganti niya kay Darryl. Pero noong makita niya kung paano lumuhod at magmakaawa si Darryl para sa pangit na babaeng i
Dahan dahang naglakad si Watson papunta sa kanila nang may itsura na para bang gusto nitong gawin ang lahat para kay Darryl. “Huwag mo akong tingnan nang ganiyan. Napilitan lang akong tulungan si Megan na itali kayo kaninang umaga.”Dito na maingat na tumingin si Watson sa labas. Nang makasiguro siya na wala nang kahit na sino ang maaaring makarinig sa kanilang usapan, ngumiti ito at sinabing, “Ika ang tunay na Alliance Master ng World Universe, Master Darby. Kaya nakakapanghinayang lang dahil hindi pumabor sa iyo ang kapalaran sa pagkakataong ito, kinakailangan mong maghirap nang ganito. Hinding hindi ko makakalimutan ang aking mga nakita!”Nagmukhang sincere si Watson nang sabihin niya iyon pero mayroon talaga itong pinaplano sa kaniyang sarili.Noong gabing iyon ay nanaroroon si Watson para kunin ang Heavenly Halberd kay Darryl. Nagulat siya nang husto noong gamitin ito ni Darryl. Kaya siguradong magiging pabor sa kaniya ang lahat sa sandaling mapasakamay niya ang Grand Weapon na
“Umalis ka na lang!” Kalmadong sinabi ni Darryl habang nakatingin kay Watson. Dito na niya ipinikit ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sa kaniyang pagpapahinga.Hindi na nagsalita pa ng kahit ano si Darryl nang makausap niya ang isang tao na kagay ani Watson.Kahit na masyadong maganda ang inalok na kapalit ni Watson, kinamumuhian pa rin ni Darryl ang isang balimbing na taong kagaya niya. Mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa talikuran ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay.At higit sa lahat, hindi mapagkakatiwalaan ang isang katulad ni Watson. Hindi siya nakaksiguro kung pakakawalan ba talaga sila nito sa sandaling ibigay niya rito ang Heavenly Halberd.“Hayop ka! Wala kang utang na loob!”Nabagabag nang husto si Watson habang nakakaramdam ng mas matinding galit sa kaniyang dibdib. Dito na niya binunot ang kaniyang espada at itinutok ito sa leeg ni Darryl bago suminghal ng, “Ilabas mo na ang Heavenly Halberd mo!”Kumislap ang mga mata ni Watson nang may intensyong pumatay.Ang la
Gulp!Nang maramdaman niya ang galit sa mga mat ani Darryl ay nanginig at napalunok si Watson.Si Darryl ang Set Master ng Elysium Gate at tutuparin nito ang kaniyang mga pangako. Noong nasa hall ng Hexad school si Darryl ay nangako ito sa harap ng malalakas na cultivators na wawasakin nito ang Kunlun sa pagkalipas ng tatlong araw at totoo ngang ginawa niya ito.Second-class na pamilya ng mga cultivators lamang ang Tucker Cult. Kaya itong wasakin ni Darryl sa loob lamang ng ilang minuto kung gugustuhin.Pero nagbago ang pag-iisip ni Watson. Isa lamang bilanggo si Darryl nang sandaling iyon kaya naman mas matapang ang naging pag-uugali ni Watson.“Hayop ka!”Malakas na sumigaw si Watson nang sampalin nito si Darryl sa mukha nang walang kahit na anong babala.Slap!Kasama ng sampal na iyon ang lahat ng kaniayng galit. Napatid si Darryl at halos mapaluhod ito sa sahig. Agad na nagkaroon ng kulay pulang bakas ng kamay sa pisngi ni Darryl.Napasimangot si Watson; kasuklam-suklam si
Nagalit si Watson dahil hindi binigay sa kaniya ni Darryl ang Heavenly Halberd at mas lalo pa itong nagalit nang mangialam si Lily!“Lily!” Namula ang mga mat ani Darryl nang sumigaw ito ng sobrang lakas. Namaos ang kaniyang boses.Pakiramdam ni Darryl ay tila nahiwa ang kaniyang puso. Gusto nitong tumakbo at yakapin ang babae. Pero nagamit na niya ang lahat ng kaniyang internal na enerhiya. At hindi lamang siya sugatan pero nakasara rin ang kaniyang acupoints. Kaya naman tanging manood lamang habang nakaupo ang kaya nito gawin.“Watson!”Pulang pula ang mga mat ani Darryl at parang baliw nitong sinigawan si Watson. “Kung tatangkain mong saktan si Lily ay tuluyang mawawasak ang Tucker Cult! Uubusin ko kayong lahat!”“Wawasakin ko kayong lahat kapag sinaktan mo pa si Lily!”Nag-echo ang mga salitang iyon sa batong prisinto!Pinagkiskis din ni Celine ang knaiyang mga ngipin. Gusto nitong tumulong pero nakasara rin ang kaniyang acupoints. Hindi manlang ito makagalaw.Malakas na tu
’Hayop! Masyadong maaga ang pagdating ni Megan!’Nang sandaling iyon ay halos mapaiyak na si Darryl. Kahit na sakto ang pagdating ni Zhurong para iligtas si Lily ay paano ito makikipaglaban sa napakaraming tao?Alam ni Darryl na hindi pa tuluyang bumabalik ang lakas ni Zhurong. Kung sabagay ay masyadong matindi ang ginawang pag-atake ni Megan sa lalaki nang kunin ng mga ito ang mga kayamanan.Swoosh!Napakunot din ng noo si Zhurong. Nandilim ang kaniyang ekspresyon at pinag-isipan niya kung paano makakatakas.“Darryl!”Sa wakas ay ngumiti rin si Megan, pero hindi nito natago ang galit at kasamaan sa kaniya. “Kailanman ay hindi ko inakalang may magliligtas sa iyo sa ganitong sitwasyon!”Hindi nagsalita si Darryl at tahimik itong tumingin sa babae.Lumingon si Megan para tingnan si Zhurong. Pilyo itong nagsalita. “Matapang ka. Tumakas ka noong umaga pero nagtangka kang bumalik kinagabihan?”Pagtapos ay tiningnan ni Megan ang nahimatay na si Watson. Napakunot ito dahil sa pagtata
Nang marinig nilang ginamit ni Megan ang kaniyang Jade Fairy Flute ay mabilis na tinakpan nina Darryl Celine, at iba pa, ang kanilang mga tainga. Pero naramdaman nilang kumulo ang kanilang mga dugo; halos hindi sila makahinga.Clang!Ginamit ni Megan ang pagkakataong iyon.Tumingkayad ito bago itinaas ang mga kamay at inatake si Zhurong!Masyadong mabilis ang babae. Sugatan na si Zhuring, at hindi ito makaiwas dahil sa epekto ng mga nota ng flute.Bang!Malakas na tumama ang atake sa balikat ni Zhurong. Dumaing ito at bahagyang napaaatras. Maputla ang kaniyang mukha at dumura ito ng dugo.“Wala ka nang ibang mapupuntahan, Zhurong! Mamatay ka na!” Malagim na ngumiti si MeganHindi ito sinagot ni Zhurong. Umatras ito ng dalawang hakbang at tumayo sa harapan ni Darryl at ng iba pa. Hinarangan nito ang mga access sa kanila at mukha itong determinado.Kahit anong mangyari ay kailangan niyang iligtas sina Darryl at ang iba pa!“Kapatid na Zhurong!”Naantig ang puso ni Darryl aksabay
Isa sa pinaka-importanteng kaganapan sa Nine Mainland ang pag-upo ng Emperor sa kaniyang trono. Ilang libong taong namuhay ang New World Royals at binigyang atensyon ng mga ito ang koronasyong seremonya.Kaya naman nag-utos ito nang siya na ang uupo sa trono—ng tatlong araw na selebrasyon sa buong Royal City at mapapatawad ang lahat.Siyempre ay nakakulong pa ang pamilya Carter at mga kaibigan ni Darryl; hindi sila kasali sa kapatawaran.Nang sandaling iyon ay daang-daang opisyal ng sibil ang nasa Full Energy Hall habang suot ang kanilang bagong court uniforms. Malinis at pantay pantay ang pagkaka-upo ng mga ito. Sa parehong sandali ay hindi nila maitaga ang pagkasabik sa kanilang puso.Sa labas ng hall ay maraming mga envoy mula sa ibang mga mainland; naroon sila para i-alok ang kanilang pagbati.“Dumating na ang Kamahalan!”Malakas na sumigaw ang isang tauhan. Nakasuot ng gintong dragon robe si Lord Kenny; kasama nito ang iba pang miyembro ng maharlika. Dahal-dahan itong naglak