Dahil hindi na sumasagot si Darryl, suminghal si Megan habang lumilingon at sinasabi kay Master Ralph na. “Mukhang final na ang resulta ng tournament na ito. Maaari mo na itong ianunsyo!”Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero naging mapilit at hindi makukwestiyon ng kahit na sino ang tono nito.Woo!Tumango si Master Ralph bago dahan dahang maglakad papunta sa stage. Tiningnan niya ang kaniyang paligid at sinabing. “Ang Alliance Master ng World Universe ang nanalo sa tournament na ito gamit ang kamangha mangha niyang lakas! Ang karapatan para sa babaeng ito ay mapupunta na sa kaniya!”Tumingin ang lahat sa isa’t isa. Mukhang nasabik ang mga ito pero walang kahit na sino sa kanila ang tumutol sa naging desisyon ng host.Masyadong naging malakas si Megan, dahil nagawa nitong matalo maging ang kilalang si Darryl. Sino pa nga ba ang maglalakas loob na harapin siya?“Hubby—”Hindi na nakapagpigil pa ang nasa ibabang stage na si Lily sa mga sandaling ito. Agad siyang sumugod pa
Agad na tumigil sa paghabol si Watson at ang kaniyang mga kasama nang marinig nila ang mga utos ni Megan, hindi na nila hinabol pa si Zhurong.Thud! Thud! Thud! Dito na naglakad paabante si Watson para suntukin sina Celine, Queenie at Darryl para selyuhan ang mga acupoint nito. Kahit na nanghihina ang tatlong ito, mga cultivator pa rin sila. Para ito sa kanilang kaligtasan. Mas makakasiguro sila kung seselyuhan nila ang mga acupoint ng mga ito.“Buwisit, paano naging ganito kapangit ang babaeng ito?”Nang maglakad siya papunta kay Lily, agad na napatigil sa kaniyang paghina si Watson, naiinis niya itong tiningnan.“Napakababaero talaga ni Darryl! Hindi niya pinatawad kahit ang pangit na ito.”Habang iniisip ang tungkol sa bagay na ito, ikinaway ni Watson ang kaniyang mga kamay at inutusan ang kaniyang mga tauhan na, “Itali na ninyo ang babaeng ito.”Masyadong pangit ang isang ito kaya naramdaman niya na parang minalas siya noong makita niya si Lily. Ayaw siyang lapitan ni Watso
Ang mas nakakagalit pa rito ay ang ilang beses na pamamahiyang ginawa sa kaniya ni Darryl.Pero ngayong nahuli na si Darryl matapos itong masugatan nang husto ni Megan. Magagawa na rin niyang maningil ng utang.Mas tumindi nang tumindi ang saya na nararamdaman ni Kent habang mas iniisip ang tungkol sa bagay na ito. Suminghal siya habang mabilis na naglalakad papunta kay Darryl. Dito na niya malisyosong sinabi na, “Hindi ba’t napakalakas mo kanina, Darryl? Isa kang Sect Master ng Elysium Gate at isa ring bayani ng World Universe. Ano? Nasaan na ang lahat ng ito ngayon?”“Mangmang!”Wala nang panahon si Darryl para makipaglokohan kay Kent ngayong nakita niya ang masaya nitong mukha nang dahil sa paghihirap ng ibang tao. Nagawa niya pang murahin ang isang ito sa kaniyang sarili.“Gusto mo pa ring magkunwari?” Galit na sigaw ni Kent. Dito na niya itinaas ang kaniyang hita para sipain nang malakas si Darryl.Isinara ni Darryl ang kaniyang mga kamao. Nawala na ang kaniyang lakas at adv
Bahagyang tumawa si Megan nang makita niyang lumuhod si Darryl sa kaniyang harapan. “Napakahayop mo talaga, Darryl—lumuhod ka lang matapos kitang utusan at ngayon ay nagawa mo nang magmakaawa sa akin. Naisip mo ba kung ano ang naging trato mo sa akin noong magmakaawa ako sa iyo dati? Alam mo ba kung gaano sumama ang loob ko sa aking sarili noong humingi ako sa iyo ng tawad?“Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ko noong tinalikuran mo ako? Naging ganito ako nang dahil sa iyo. Hinding hindi ko pakakawalan sina Lily, Queenie at Celine para sa iyo. Hindi lang iyon dahil kukunin ko rin ang elixir sa katawan ng pinsan mo sa harapan mo.“Isinusumpa ko na ibabalik ko sa iyo ng isang daang beses ang naging pagtrato mo sa akin noon.”Nanlamig ang mukha ni Megan nang sabihin niya ang huling pangungusap sa kaniyang mga sinabi.Ayaw nang idamap pa ni Megan ang ibang tao sa paghihiganti niya kay Darryl. Pero noong makita niya kung paano lumuhod at magmakaawa si Darryl para sa pangit na babaeng i
Dahan dahang naglakad si Watson papunta sa kanila nang may itsura na para bang gusto nitong gawin ang lahat para kay Darryl. “Huwag mo akong tingnan nang ganiyan. Napilitan lang akong tulungan si Megan na itali kayo kaninang umaga.”Dito na maingat na tumingin si Watson sa labas. Nang makasiguro siya na wala nang kahit na sino ang maaaring makarinig sa kanilang usapan, ngumiti ito at sinabing, “Ika ang tunay na Alliance Master ng World Universe, Master Darby. Kaya nakakapanghinayang lang dahil hindi pumabor sa iyo ang kapalaran sa pagkakataong ito, kinakailangan mong maghirap nang ganito. Hinding hindi ko makakalimutan ang aking mga nakita!”Nagmukhang sincere si Watson nang sabihin niya iyon pero mayroon talaga itong pinaplano sa kaniyang sarili.Noong gabing iyon ay nanaroroon si Watson para kunin ang Heavenly Halberd kay Darryl. Nagulat siya nang husto noong gamitin ito ni Darryl. Kaya siguradong magiging pabor sa kaniya ang lahat sa sandaling mapasakamay niya ang Grand Weapon na
“Umalis ka na lang!” Kalmadong sinabi ni Darryl habang nakatingin kay Watson. Dito na niya ipinikit ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sa kaniyang pagpapahinga.Hindi na nagsalita pa ng kahit ano si Darryl nang makausap niya ang isang tao na kagay ani Watson.Kahit na masyadong maganda ang inalok na kapalit ni Watson, kinamumuhian pa rin ni Darryl ang isang balimbing na taong kagaya niya. Mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa talikuran ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay.At higit sa lahat, hindi mapagkakatiwalaan ang isang katulad ni Watson. Hindi siya nakaksiguro kung pakakawalan ba talaga sila nito sa sandaling ibigay niya rito ang Heavenly Halberd.“Hayop ka! Wala kang utang na loob!”Nabagabag nang husto si Watson habang nakakaramdam ng mas matinding galit sa kaniyang dibdib. Dito na niya binunot ang kaniyang espada at itinutok ito sa leeg ni Darryl bago suminghal ng, “Ilabas mo na ang Heavenly Halberd mo!”Kumislap ang mga mata ni Watson nang may intensyong pumatay.Ang la
Gulp!Nang maramdaman niya ang galit sa mga mat ani Darryl ay nanginig at napalunok si Watson.Si Darryl ang Set Master ng Elysium Gate at tutuparin nito ang kaniyang mga pangako. Noong nasa hall ng Hexad school si Darryl ay nangako ito sa harap ng malalakas na cultivators na wawasakin nito ang Kunlun sa pagkalipas ng tatlong araw at totoo ngang ginawa niya ito.Second-class na pamilya ng mga cultivators lamang ang Tucker Cult. Kaya itong wasakin ni Darryl sa loob lamang ng ilang minuto kung gugustuhin.Pero nagbago ang pag-iisip ni Watson. Isa lamang bilanggo si Darryl nang sandaling iyon kaya naman mas matapang ang naging pag-uugali ni Watson.“Hayop ka!”Malakas na sumigaw si Watson nang sampalin nito si Darryl sa mukha nang walang kahit na anong babala.Slap!Kasama ng sampal na iyon ang lahat ng kaniayng galit. Napatid si Darryl at halos mapaluhod ito sa sahig. Agad na nagkaroon ng kulay pulang bakas ng kamay sa pisngi ni Darryl.Napasimangot si Watson; kasuklam-suklam si
Nagalit si Watson dahil hindi binigay sa kaniya ni Darryl ang Heavenly Halberd at mas lalo pa itong nagalit nang mangialam si Lily!“Lily!” Namula ang mga mat ani Darryl nang sumigaw ito ng sobrang lakas. Namaos ang kaniyang boses.Pakiramdam ni Darryl ay tila nahiwa ang kaniyang puso. Gusto nitong tumakbo at yakapin ang babae. Pero nagamit na niya ang lahat ng kaniyang internal na enerhiya. At hindi lamang siya sugatan pero nakasara rin ang kaniyang acupoints. Kaya naman tanging manood lamang habang nakaupo ang kaya nito gawin.“Watson!”Pulang pula ang mga mat ani Darryl at parang baliw nitong sinigawan si Watson. “Kung tatangkain mong saktan si Lily ay tuluyang mawawasak ang Tucker Cult! Uubusin ko kayong lahat!”“Wawasakin ko kayong lahat kapag sinaktan mo pa si Lily!”Nag-echo ang mga salitang iyon sa batong prisinto!Pinagkiskis din ni Celine ang knaiyang mga ngipin. Gusto nitong tumulong pero nakasara rin ang kaniyang acupoints. Hindi manlang ito makagalaw.Malakas na tu