Tumingin sa kaniyang paligid ang Emperor ng New World at dahan dahang nagsalita ng, “Mga ministro, nahuli ko ang isang bata. At ang batang ito ay anak ng isang traydor sa Grandmaster Heaven Cult. Ano sa tingin ninyo ang dapat nating gawin sa batang ito?”Itinaas niya ang kaniyang kamay papunta kay Sawyer at sinabing, “Dalhin mo siya rito, Sawyer.”“Opo, Kamahalan!” Sagot ni Sawyer habang mabilis na naglalakad palabas ng main hall.Hindi nagtagal ay agad na bumalik si Sawyer kasama ang ilang royal guard na may bitbit na isang maliit na bata sa kaniyang likuran, agad nilang pinaluhod ang batang iyon sa gitna ng main hall.Siya ay walang iba kundi si Ambrose Darby.Mahigpit na itinali ng mga ito ang katawan ng namumutla at may mahinang paghingang si Ambrose. Matagal nang nawala ang pagiging inosente at saya ng pagiging isang bata sa mukha nito.“Ambrose!” Isang boses ang agad na sumigaw habang naglalakad ang isang imahe ng tao mula sa gitna ng mga ministro.Siya ay walang iba kundi
Umiyak si Ambrose at sumagot ng, “Kasama ni Mama ang wirdo kong Tito. Wala na po sa kaniyang sarili ang tito kong iyon. Natatakot po ako sa kaniya. Papa, namimiss ko na po si Mama…”Ang wala sa sariling tito na binabanggit ni Ambrose ay walang iba kundi ang Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult. Wala ito sa kaniyang sarili kaya tinawag siya ni Ambrose na wirdo niyang Tito.“Wirdong Tito?” Agad na kumunot ang noo ng nagtatakang si Lord Kenny nang marinig niya iyon. “Hindi ba bumalik ang mahal ko sa World Universe para hanapin si Darryl? Bakit siya napunta sa isang wala sa sariling lalaki?”Bang!Hindi na nakapagpigil pa ang Emperor ng New World sa kaniyang sarili sa mga sandaling ito. Dito na niya hinampas nang malakas ang kaniyang mga kamao sa kinauupuan niyang trono na hugis dragon habang nakatitig na sumisigaw kay Lord Kenny ng, “Ano ang nangyayari, Lord Kenny?”Agad na inayos ni Lord Kenny ang kaniyang isipan habang napapaluhod sa sobrang takot. “Mayroon lang pong nangyari na
Nagulat ang lahat ng ministro anng marinig nila ang tungkol sa parusang kamatayan na ipinataw ng Emperador kay Lord Kenny.Kilala ng lahat si Lord Kenny bilang kanang kamay ng Emperador. Malaki na rin ang naging kontribusyon niya sa Royal Family ng New World!Pero ngayon ay nagawa siyang maparusahan ng bitay nang dahil kay Monica at sa anak nito. Agad na nainis ang lahat nang matanggap nila ang balita.Pero kasalukuyan pa ring galit ang Emperador ng New World sa mga sandaling ito kaya walang kahit na sino ang nagtangkang makipagusap dito!Nabalot ng katahimikan ang buong main hall, hanggang sa umabot ito sa punto na kung saan malinaw nilang maririnig ang pagbagsak ng isang karayom sa sahig dahil sa sobrang katahimikan.Nadismaya si Lord Kenny habang itinitingala ang kaniyang ulo para tingnan ang Emperor ng New World. “Kamahalan! Inaamin ko po ang ginawa kong panloloko sa inyo, kaya tinatanggap ko po ang parusang kamatayan na inyong ibinigay sa akin, wala po akong sisisihin na kahi
Napangiti sa mga sandaling iyon si Sawyer habang naglakakad palapit kay Yvette. “Kamahalan, binigyan ako ng aking kaibigan ng isang napakagandang bagay kahapon. Sinasabi nila na maaari ka raw lumipad gamit ang bagay na ito, tinatawag nila itong glider. Gusto mo ba itong subukan sa aking tahanan?”Para kay Sawyer, wala na siyang pakialam kung mabubuhay ba o mamamatay si Lord Kenny. Dahil ang pinakaimportanteng bagay sa kaniya ay ang pagpapalalim sa relasyon nila ng Prinsesa. Walang kaduda duda na papayag ang Emperor na pakasalan niya si Yvette sa sandaling hingin niya ang kamay nito.“Lumayo ka nga sa akin!” Sermon ni Yvette habang tumatalikod at agad na umaalis nang hindi tinitingnan si Sawyer.Natigilan naman si Sawyer habang nabablangkong tinitingnan ang papalayong imahe ni Yvette. Matagal tagal din siyang kinain ng kaniyang isipan habang nakatayo sa loob ng main hall.Kinagabihan, sa loob ng kulungan sa palasyo, dalawang mga Royal Guard ang makikitang nakatayo sa entrance ng isa
Pagkatapos nito, binuhat ni Yvette si Ambrose sa kaniyang mga braso. Agad siyang nakaramdam ng awa nang makita niya ang maliit na katawan ni Ambrose. Nakaramdam siya ng sakit anng hawakan niya ito anng masmahigpit “Napakabait mo talaga, Ambrose. Nandito na si Auntie para sa iligtas ka.”Agad na naghanap si Yvette sa mga selda. Bago pa man siya makarating dito, nakapagdesisyon na si Yvette na ililigtas niya rin ngayong gabi si Lord Kenny.Kaninang umaga sa main hall, ipinagutos ng Emperor ng New World ang hiwalay na pagkakakulong kina Ambrose at Lord Kenny. At si Ambrose pa lang ang kaniyang nakikita. Huminga siya nang malalim habang mabilis na kinakarga si Ambrose palabas ng kulungan.“Mahal na Prinsesa!”Nang makita nila ito, nagalala nang husto ang dalawang mga royal guards, pero wala pa rin silang nagawa kundi hayaan itong makalabas.Nanatiling tahimik ang lumulundag na si Yvette habang karga karga si Ambrose sa kaniyang mga braso. At sa loob ng isang iglap, agad na nawala ang
“Hindi ko talaga inaasahang magtatapos nang ganito ang buhay ni Lord Kenny.”“Narinig mo ba na nagkasala ng panloloko sa Emperor si Lord Kenny nang dahil sa kaladkaring Monica na iyon? Siya ang dahilan kung bakit pupugutan ngayon si Lord Kenny.”“Hindi nga, kaya pala. Sinayang niya ang buhay niya sa ganoong klase ng babae. Mukhang ginuto niya rin naman iyan.”Tumingin naman sa kaniyang ibaba si Lord Kenny habang nagkukunwari na wala siyang naririnig na kahit ano, hinayaan niya mahugasan ng tubig ulan ang buo niyang katawan.Isang maulang araw nanaman ang nagdaan. Umuulan din noong iframeup ang kaniyang asawa at iparada papunta sa pagbibitayan nito. Dito na biglang pumasok ang mga imahe ni Monica sa isipan ni Lord Kenny. Napangiti siya habang masayang inaalala ang mga ito.“Ok ka lang ba, Dear? Hindi ko nagawang protektahan si Ambrose, at wala na rin akong mukha na maihaharap sa iyo sa sandaling makita tayo.”Walang kaalam alam si Lord Kenny ang tungkol sa ginawang pagligtas ni Yv
“Mamaya na tayo magusap, umalis na muna tayo,” Mahinhing sinabi ni Celeste.Habang nagsasalita, ginamit nito ang kaniyang internal energy para sirain ang kadena. At pagkatapos ay agad niyang kinuha si Lord Kenny at lumipad nang mataas sa ere.Nagalit nang husto at nagalala ang berdugo habang malakas na sumisigaw ng, “Pigilan ninyo sila. Pigilan niyo sila ngayundin!”Agad na sumugod paabante ang ibang mga royal guard nang marinig nila ito, pero paano nila magagawang habulin si Celeste gamit ang mahihina nilang mga lakas? Sa loob ng isang iglap ay agad itong nawala kasama ni Lord Kenny sa kalangitan.Natigilan ang lahat sa kanilang nakita.“Isa ba siyang diyosa?”“Ang suwerte talaga ni Lord Kenny para iligtas ng napakagandang babae na iyon!”“Sigurado ako na handang mamatay ang lahat para rito.”Samantala, dinala ni Celeste si Lord Kenny sa tuktok ng isang bundok na nasa hilagang bahagi ng Royal City. Huminto na ang ulan pero masyado pa ring malakas ng hilagang hangin na umiihip
Wala nang kahit na anong pakialam sa kasikatan at kayamanan si Lord Kenny. Mula noong makaligtas siya sa pinagdaanan niyang ito, napagdesisyunan niyang maglakbay sa iba’t ibang mga kontinente.Sa mahirap na bahagi ng Royal City sa New World, makikita sa loob ng isang sirang templo sila Yvette at Ambrose. Mula noong iligtas niya si Ambrose, walang tigil na tumakbo palayo ang dalawa hanggang sa makarating sila sa templong ito.Kasalukuyang nakaupo si Ambrose sa tuktok ng isang bulto ng tuyong dahon, sinusundan ng kaniyang mga mata si Yvette na abalang abala sa kaniyang ginagawa.Kasalukuyang nagiihaw si Yvette ng isang ligaw na rabbit gamit ang apoy!Mabilis silang umalis kaya hindi na nakapagdala pa si Yvette ng kahit ano para sa gagawin nilang pagtakas. Pero dahil sa angking galing ni Yvette sa pagluluto, mabilis na nabalot ang sirang templo ng nakakatakam na amoy.“Mukhang masarap ito! Mukhang ang mga luto mo na ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo!” bati ni Ambrose habang