Napalingon sa mga sandaling ito si Ambrose at napatanong ng, “Nga po pala Tita, nasaan na po ba si Papa? Gusto rin siyang ipapatay ng Emperor kahapon, hindi pa naman po siya patay hindi po ba?”“Siya…” Hindi na alam ni Yvette kung ano ang kaniyang sasabihin. Dito na siya napangiti habang kinocomfort si Ambrose, “Sigurado akong ok lang siya ngayon.”“Hindi ko nagawang irescue si Lord Kenny kaya maaaring nabitay na ito ngayon. Masyado pang bata si Ambrose kaya kinakailangan ko munang itago sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito.”Hindi na niya hinintay pang magsalita si Ambrose, agad siyang niyakap ni Yvette sa kaniyang mga braso. “Oras na para matulog, Ambrose.”Agad na kumalma si Ambrose nang maramdaman niya ang mainit na yakap ni Yvette, pero hindi pa rin siya nakaramdam ng pagkaantok dito.Maging si Yvette ay hindi pa rin inaantok, marami na kasi masyado ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan. “Masyado nang naging kaawa awa ang kalagayan ni Ambrose. Hindi ko hahayaan na ma
“Matutulog na po ako, Tita. Kukuwentuhan niyo pa rin naman po ako bukas hindi ba?” Ngiti ng nagsasalitang si Ambrose. “Magaling, magaling,” Ngiti ni Yvette habang hinahawakan ang ulo ni Ambrose.Masaya namang tumango rito si Ambrose. Sa sobrang antok ay agad itong nakatulog habang humihinga nang malalim.Niyakap siya ni Yvette sa kaniyang mga braso habang pinapanood nito ang mahimbing na pagtulog ni Ambrose. Malakas nang umuulan sa labas kaya naging malamig nang husto ang hangin sa loob ng templo. Nagyakapan ang dalawa nang mahigpit para mapainit ang kanilang mga katawan. At pagkatapos ng ilang sandal, nakatulog na rin sa kaniyang puwesto si Yvette.Samantala, sa kuwarto ng Empress sa palasyo ng South Cloud World.Kalmadong lumuhod si Darryl sa harap ng Empress na nasa loob ng isang tahimik at magandang hardin. Hindi mapakali ang kaniyang puso sa mga sandaling ito.Mula noong gamitin ni Darryl ang isang langgam para ipasok ang kulay pulang sinulid, pinangakuan siya ng Empress ng
Nakapagdesisyon na si Darryl sa mga sandaling iyon.Wala na siyang magagawa kundi humanap ng pagkakataon para nakawin ang Dragon Essence mula kay Quincy ngayong hindi niya ito magagawang makuha sa pamamagitan ng Empress.“Ano?” Natigilan at nagalit ang ilang mga civil official sa kanilang mga sarili habang pinapanood ang bawat galaw ni Darryl.“Hayop na Eunuch ito!”“Pumayag nga ang kamahalan na huwag na siyang lumuhod mula ngayon, pero kinakailangan pa rin niyang lumuhod para ipakita ang kaniyang pagpapasalamat dito. Ang lakas ng loob niyang umupo lang sa harap ng Empress? Nabakabastos ng isang ito!”Napasimangot din ang Empress sa ginawa ni Darryl pero hindi niya pa rin ito sinaway nang dahil sa mabuti niyang pagkatao.Tumingin ang Empress sa ilang mga opisyal bago nakangiting humigop ng tsaa at sabihing. “Ilang sandal na rin ang lumipas mga kapwa ko opisyal. Mayroon bang kahit na sino sa inyo ang makapagrerecite ng isang napakagandang verse para sa akin?”Napuno ng pagmamadal
“Anong tinatawa tawa mo riyan Eunuch?” Hindi maiwasang mapalakad ni Stanley palapit kay Darryl para singhalan ito.Marami na ang ginalit ng Eunuch na ito nang dahil sa kawalan niya ng tamang etiquette noong bigyan siya ng Empress ng kaniyang mauupuan. Sa mga sandaling iyon, nangiinsulto siyang tumatawa sa ginawang tula ni Stanley.Agad na nakaramdam ng kahihiyan sa kaniyang sarili si Stanley nang biglang lumabas ang galit na namuo sa kaniyang puso.Ngumiti si Darryl nang maramdaman niya ang galit ni Stanley at sinabing, “Wala akong pinagtatawanan na kahit ano.” Walang pakialam si Darryl nang sabihin niya ang bagay na iyon.Sa mga sandaling iyon, tumingin ang Empress kay Darryl at mahinhing nagtanong ng, “Sinasabi mo ba na hindi maganda ang tulang ginawa ng opisyal na si Stanley?”Masyadong naging obvious ang reaksyon ni Darryl kaya agad itong makukuha ng kahit na sino hindi isang mangmang.“Hmm…” Napakamot sa kaniyang ulo si Darryl at normal na sumagot ng, “Kung ako ang tatanungi
“Ang lakas ng loob mong hamunin ang opisyal na si Stanley! Masyado ka na nga talagang wala sa lugar!”Tumingin ang Empress kay Darryl sa mga sandaling ito at mahinhing sinabi na, “Bakit hindi mo kami ng kahit isang verse ng ginawa mong tula ngayong sinasabi mo na wala talagang kuwenta ang ginawang tula ni Stanley?”Naging mahinhin ang kaniyang boses pero napuno ito ng autoridad at hindi rin magagawang kwestyunin ng kahit na sino!Nagtaka sa mga sandaling ito ang Empress kay Darryl. Nagawa ng eunuch na itong gumamit ng langgam para ipasok ang pulang sinulid na nagpakita sa kaniyang talento. At ngayon ay nagawa niya namang sabihin na hindi ganoon kaganda ang mga tulang ginawa ni Stanley. Maaari kayang mayroon din siyang kakayahan na gumawa ng mga tula?Gasp!Agad na natahimik ang buong bakuran ng palasyo nang magsimula ang Empress sa kaniyang pagsasalita.“Uh…” Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl at magalang na sumagot sa Empress ng, “Pagiisipan ko po muna ito.”Maraming m
Nasabik din nang husto si Darryl nang irecite niya ang tula!“Haha! Hindi na ako magtataka kung bakit tinaguriang pinakamahusay na strategist si Ping Long ng Three Kingdoms. Masyado siyang talentado para makagawa ng ganitong klase ng tula sa loob ng maiksing oras!”Kahit na nagmukhang walang kabuluahan ang ginawa nitong tula, magagawa pa rin ng tulang ito na maipasa sa mga susunod na henerasyon kung dahan dahan mo itong lalasapin! Maikukumpara rin ito sa sinaunang poetry ng World Universe!Tumingin si Darryl sa kaniyang paligid habang iniisip ang bagay na iyon bago tumingin kay Stanley. Ngumiti ito at sinabing, “Master Stanley, bigla po akong nainspired kaya ginawa ko ang tulang ito.”“Ano? Walang pakialam niyang ginawa ang tulang ito matapos ang isang dosenang paghinga?”Agad na natigilan ang lahat sa mga sinabi ni Darryl. Hindi manlang alam ng hamak na eunuch na itong magpakumbaba. Pero masyado pa rin talagang kahanga hanga ang tula na kaniyang ginawa.Namula ang mukha ni Stanl
Walang nagawa si Darryl kundi mapait na ngumiti at walang magawang tumango ng. “Susubukan ko po ang makakaya ko.”Kasabay nito ang pagpapadala ni Darryl ng senyales kay Pang Tong na nasa loob ng Seven Treasures Exquisite Pagoda. “Pasensya ka na sa abala, Pang Tong.”“Masyado kang mabait, Master!” Magalang na isinagot ni Pang Tong na nasa loob ng pagoda.Nagrecite si Darryl ng ilang pang mga tula para sa Empress sa loob ng 10 minuto. Ang bawat tula ay isang masterpiece na ginawa siyempre ng kilalang strategist na si Pang Tong!Agad na napuno ng tuwa ang mood ng Empress habang dahan dahan niyang nilalasap ang napakagandang mga tula ni Darryl na kaniya nang itinuturing bilang isang pambihirang henyo.Hanggang sa paglubog ng araw kung saan nagawa nang hayaan ng Empress si Darryl na makaalis.“Woo!” Huminga nang malalim si Darryl at agad na yumuko sa mga sandaling ito. “Mauuna na po ako.”Dito na tumalikod at umalis si Darryl.Hindi maiwasang manginig ng Empress nang makita niya ang
“Sandali lang Ambrose, ihahanap kita ng doctor,” Sabi ng nababahalang si Yvette. Nasaktan siya nang husto sa mga sandaling iyon matapos magkasakit ni Ambrose.Kinarga niya si Ambrose at tumakbo sa abot ng kaniyang makakaya!Lumipas na ang hatinggabi at ang buong Royal City ay nabalot na ng katahimikan. Wala na ring kahit na isang tao ang makikita sa malalapad nitong mga kalye.Agad na kumatok nang malakas si Yvette sa pintuan nang makarating sila sa isa sa mga pinakamalalaking clinic sa Royal City.Bang! Bang! Bang!Halos mawala na sa kaniyang sarili ang sumisigaw na si Yvette, “Doktor! May doktor ba rito? Dalian niyo nang buksan ang pinto! Iligtas ninyo ang batang ito!”Nakita ni Yvette ang walang malay na si Ambrose. Pero masyado nang mainit ang mukha nito habang mas malakas na nanginginig ang kaniyang katawan kaysa kanina, nagbabalat na rin ang mga labi nito.“Buksan ninyo ang pinto! Bilisan ninyong buksan ang pinto!” Nagpatuloy sa pagsasalita si Yvette habang sinisipa ang pi