Nababalot siya sa pagsisikap na maunawaan ang painting na ngayon niya lang napagtanto na siya ay talagang nagugutom. Bago pa siya makatayo at kumuha ng mangkok para sa kanyang sarili, nagmamadaling inalis iyon ni Maxine sa kanya. "Naghihilom pa rin ang mga sugat mo. Hayaan mo na lang akong pakainin ka." "Ayos lang. Ibigay mo sa akin. Kakain ako gamit ang sarili kong mga kamay." Sinubukan ni James na tanggihan ang kanyang alok. Hindi siya kumportable na pinapakain ng isang babae na ilang beses pa lang niya nakikita. Hindi na nagpumilit si Maxine at iniabot ang bowl kay James. Sa kabila ng kanyang matinding injuries, nagawa pa rin ni James ang mga simpleng galaw ng kamay. Habang kinakain ni James ang kanyang pagkain, nilingon ni Maxine ang Moonlit Flowers by Cliffside’s Edge. Siya ay pinalaki bilang isang Caden hangga't naaalala niya at natanggap ang personal na pagtuturo ni Tobias sa martial arts. Ngunit, sa kabila ng paglinang ng True Energy at pagiging grandmaster ng pan
"B-Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"Nang makitang matindi ang titig ni James sa kanya, napangiwi si Maxine sa disgusto. "Gusto kong humingi ng pabor sa iyo." “Huh?” Pinaningkitan ni Maxine si James, hindi sigurado sa iniisip nito. Patuloy ni James, “Bagaman napilayan ng mga Johnston ang aking mga kasanayan sa martial arts, sa palagay ko ay may paraan ako para mabawi ang aking True Energy. Kailangan ko lang ng tulong mo.” “Ako?” Nagulat si Maxine sa biglaang hiling. Umiling siya at tumanggi, “Natatakot ako na mali ang paghusga mo sa akin. Second rank martial artist lang ako. Si Hades Johnston, ang isang lumpo sa iyo, ay nasa ikalimang rangko man lang. Kung kahit ang lolo ko ay hindi mo kayang tulungang mabawi ang iyong mga kakayahan sa martial art, walang paraan na magagawa ko." “May plano ako. Kailangan ko lang ng tulong mo sa paggawa nito." Nagawa ni James na linangin ang True Energy sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga teksto sa Medical Book Volume Two. Pangunahing i
Nakaramdam ng kuryente si James.Gayunpaman, sa halip na nasaktan siya, tila komportable ang pakiramdam niya.“Susunod, ang sentido.”Huminga ng malalim si Maxine.Ang True Energy sa loob ng katawan niya ay naubos na dahil sa unang karayom.Hinawakan niya ang pangalawang karayom at tinusok niya ito sa sentido ni James, at naubos lalo ang kanyang True Energy. Ang karayom ay tila may kakayahan para automatic na mahigop ang True Energy ng isang tao.“Ang pangatlong karayom sa kanang sentido.”Ginawa ni Maxine tulad ng instruction.Pagkatapos ng labing isang karayom, ang True Energy niya ay naubos na. Habang maputla ang mukha, sinabi niya, “Hindi ko na kayang magpatuloy… masyadong maraming True Energy ang nabawas sa akin. Hindi na ako makakuha pa.”“Mhm.”Tumango si James.Alam niya na kapag ginamit ang Crucifier, mauubos ang True Energy ng isang tao. Bukod pa dito, kapag mas maraming karayom ang tinusok, mas maraming mababawasan ng True Energy ang isang tao.“Pwede mo nang tan
Habang kumakain, tinanong ni Maxine si James kung may bago itong natuklasan. Gayunpaman, umiling si James. Hindi na nagtanong pa si Maxine. Pagkatapos kumain ni James, niligpit niya ang pinagkainan at umalis na siya.Sa courtyard ng mga Caden…Habang naglalakad si Maxine palabas ng basement, nakita niya si Tobias na nakaupo sa gazebo sa hindi nalalayo. Lumapit siya dito at binati niya, “Lolo.”Tumango ng mahina si Tobias at nagtanong siya, “Kamusta si James?”Nagdalawang isip ng ilang sandali si Maxine bago siya umiling at sinbai, “Wala masyadong nangyari sa kanya. Pero, nakakaintriga talaga ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge, at ang meridian diagram ay kakaiba. Natuklasan namin na ang pagpwerse ng True Energy para gumalaw ng retrograde motion ay makakasama sa katawan natin. Kaya, wala pa rin kaming progreso.”Inutos ni Tobias, “Panoorin mo ng mabuti si James. Mag report ka sa akin sa oras na may natuklasan siya.”“Masusunod po.”Sa mga sandaling ito, napagtanto na ni M
“Ano ang natuklasan mo?” Tumingin si Maxine kay James ng may gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.Tumuro si James sa una at pang sampung pose at sinabi niya, “Tingnan mo.”Tumitig si Maxine sa ancient scroll. Pagkatapos, napangiti siya. “Kailangan ba natin mag cultivate ng magkasama?”Tumango si James. “Mukha nga. Gusto mong subukan?”“Sige.” Tumango si Maxine at tila naghihintay siya.Ang unang pose ay ang nakaupong lotus position habang ang mga kamay niya ay nasa likod ng ulo niya.Ginaya ni James ang mga kilos na ito.Samantala, ang pang sampung pose ay nakayuko habang ang dalawang palad ay nakahawak sa sahig.Tumalon si Maxine at nilagay niya ang mga palad niya sa mga palad ni James.Tugma talaga ang posisyon nila.Habang tinitingnan ang mga pose, iisipin ng isang tao na ang meridian diagram ay mali dahil ang True Energy ng isang tao ay hindi aagos sa tamang direksyon. Gayunpaman, kung ginawa ito ng dalawang tao, magiging buo sila.Nilabas ni Maxine ang True Energy niya
Ang hula nila ay ang pagkabigo nila ay maaaring dahil sa kakulangan ni James ng True Energy, at ito ang rason kung bakit hindi siya makapag cultivate. Kaya naman, nagmungkahi si Maxine na magpatuloy sila pagkatapos gumaling ng buo ni James.Sumang ayon si James.Umalis ng umaga si Maxine.Samantala, nanatili naman sa basement si James.Gumaling ng kaunti ang katawan niya, at kaya niya nang pumasok ngayon sa deep meditation, at magpapabilis ito sa kanyang pagpapagaling.Umalis ng basement si Maxine dala ang mga plato.Nang umalis siya, napansin niya na nakaupo si Tobias sa hindi nalalayo.“Lolo,” Lumapit siya para batiin si Tobias.“Mhm.” Tumango si Tobias at nagtanong siya, “Kamusta na?”Umiling si Maxine. “Wala po masyadong progreso. Masyadong komplikado po ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge. Hindi pa rin po malutas ni James ang misteryo sa likod ng painting.”“Hays…” Nagbuntong hininga si Tobias.Nagtanong si Maxine, “Ano po ang problema, lolo?”Sinabi ni Tobias, “Ku
Naiintindihan ni Maxine ang mensahe sa mga salita ni Tobias—susuko na si Tobias kay James.Nagkaroon ng ideya si Maxine.Minungkahi niya kay Tobias na ibunyag ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge at ang meridian diagram sa tatlong pamilya. Kasunod nito, ang tatlong pamilya ay dadalhin din ang kanilang mga painting para mapunta sa isang lugar ang apat na painting. Ito ang magiging solusyon sa pag aaway sa pagitan ng mga pamilya at magkakaroon sila ng pagkakataon para makita ang apat na painting ng magkakasama.Gayunpaman, tumanggi si Tobias.Maliban sa pagnakaw ng painting ng mga Johnston, ang chansa na ang dalawa pang pamilya ay ibubunyag ang kanilang mga painting, ay halos wala. Tutal, libo-libong taon na nila itong prinotektahan.Makasarili ang mga tao. Ganito rin si Tobias. Ayaw niyang makita ng iba ang meridian diagram.“Sabihin mo kay James na kailangan niyang umalis sa loob ng dalawang araw.” Pagkatapos itong sabihin, tumalikod siya at umalis.Kumunot ang noo ni Maxine
Mapait na ngumiti si James. "Pagpipirapirasuhin ako ng mga Caden." Nagsabi si Maxine, "Wala kang magagawa kundi matikman ang galit ng mga Caden. Kung hindi, hahabulin ka nang tatlo pang pamilya. Lalo na't isa ka pa ring Caden. Sa tingin ko hindi ka papatayin ni lolo hanggang sa mabawi niya ang painting. Para naman sa susunod mong gagawin, ikaw na ang bahalang magdesisyon." Umiling si James. Hindi ito gagana. Masyado siyang mahina. Hindi lang iyon, siya ang nagsanhi ng problemang ito. Kung hindi niya pinatay ang Emperor, nanatili sana siyang malayo sa gulo. Nanatiling tahimik si James at bumalik sa pagkain. Hindi nagtagal ay nakatapos siyang kumain. Habang hawak ang mga plato sa kamay niya, tumayo si Maxine at nagsabing, "Dalawang araw na lang ang natitira. Pag-isipan mo tong mabuti, ha?" Pagkasabi niya nito, umalis siya. Umupo si James sa lapag nang naka-lotus position. Naniniwala siya na hindi gagana ang pangalawa sa pagpipilian niya. Posible ang unang