Nakaramdam ng kuryente si James.Gayunpaman, sa halip na nasaktan siya, tila komportable ang pakiramdam niya.“Susunod, ang sentido.”Huminga ng malalim si Maxine.Ang True Energy sa loob ng katawan niya ay naubos na dahil sa unang karayom.Hinawakan niya ang pangalawang karayom at tinusok niya ito sa sentido ni James, at naubos lalo ang kanyang True Energy. Ang karayom ay tila may kakayahan para automatic na mahigop ang True Energy ng isang tao.“Ang pangatlong karayom sa kanang sentido.”Ginawa ni Maxine tulad ng instruction.Pagkatapos ng labing isang karayom, ang True Energy niya ay naubos na. Habang maputla ang mukha, sinabi niya, “Hindi ko na kayang magpatuloy… masyadong maraming True Energy ang nabawas sa akin. Hindi na ako makakuha pa.”“Mhm.”Tumango si James.Alam niya na kapag ginamit ang Crucifier, mauubos ang True Energy ng isang tao. Bukod pa dito, kapag mas maraming karayom ang tinusok, mas maraming mababawasan ng True Energy ang isang tao.“Pwede mo nang tan
Habang kumakain, tinanong ni Maxine si James kung may bago itong natuklasan. Gayunpaman, umiling si James. Hindi na nagtanong pa si Maxine. Pagkatapos kumain ni James, niligpit niya ang pinagkainan at umalis na siya.Sa courtyard ng mga Caden…Habang naglalakad si Maxine palabas ng basement, nakita niya si Tobias na nakaupo sa gazebo sa hindi nalalayo. Lumapit siya dito at binati niya, “Lolo.”Tumango ng mahina si Tobias at nagtanong siya, “Kamusta si James?”Nagdalawang isip ng ilang sandali si Maxine bago siya umiling at sinbai, “Wala masyadong nangyari sa kanya. Pero, nakakaintriga talaga ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge, at ang meridian diagram ay kakaiba. Natuklasan namin na ang pagpwerse ng True Energy para gumalaw ng retrograde motion ay makakasama sa katawan natin. Kaya, wala pa rin kaming progreso.”Inutos ni Tobias, “Panoorin mo ng mabuti si James. Mag report ka sa akin sa oras na may natuklasan siya.”“Masusunod po.”Sa mga sandaling ito, napagtanto na ni M
“Ano ang natuklasan mo?” Tumingin si Maxine kay James ng may gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.Tumuro si James sa una at pang sampung pose at sinabi niya, “Tingnan mo.”Tumitig si Maxine sa ancient scroll. Pagkatapos, napangiti siya. “Kailangan ba natin mag cultivate ng magkasama?”Tumango si James. “Mukha nga. Gusto mong subukan?”“Sige.” Tumango si Maxine at tila naghihintay siya.Ang unang pose ay ang nakaupong lotus position habang ang mga kamay niya ay nasa likod ng ulo niya.Ginaya ni James ang mga kilos na ito.Samantala, ang pang sampung pose ay nakayuko habang ang dalawang palad ay nakahawak sa sahig.Tumalon si Maxine at nilagay niya ang mga palad niya sa mga palad ni James.Tugma talaga ang posisyon nila.Habang tinitingnan ang mga pose, iisipin ng isang tao na ang meridian diagram ay mali dahil ang True Energy ng isang tao ay hindi aagos sa tamang direksyon. Gayunpaman, kung ginawa ito ng dalawang tao, magiging buo sila.Nilabas ni Maxine ang True Energy niya
Ang hula nila ay ang pagkabigo nila ay maaaring dahil sa kakulangan ni James ng True Energy, at ito ang rason kung bakit hindi siya makapag cultivate. Kaya naman, nagmungkahi si Maxine na magpatuloy sila pagkatapos gumaling ng buo ni James.Sumang ayon si James.Umalis ng umaga si Maxine.Samantala, nanatili naman sa basement si James.Gumaling ng kaunti ang katawan niya, at kaya niya nang pumasok ngayon sa deep meditation, at magpapabilis ito sa kanyang pagpapagaling.Umalis ng basement si Maxine dala ang mga plato.Nang umalis siya, napansin niya na nakaupo si Tobias sa hindi nalalayo.“Lolo,” Lumapit siya para batiin si Tobias.“Mhm.” Tumango si Tobias at nagtanong siya, “Kamusta na?”Umiling si Maxine. “Wala po masyadong progreso. Masyadong komplikado po ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge. Hindi pa rin po malutas ni James ang misteryo sa likod ng painting.”“Hays…” Nagbuntong hininga si Tobias.Nagtanong si Maxine, “Ano po ang problema, lolo?”Sinabi ni Tobias, “Ku
Naiintindihan ni Maxine ang mensahe sa mga salita ni Tobias—susuko na si Tobias kay James.Nagkaroon ng ideya si Maxine.Minungkahi niya kay Tobias na ibunyag ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge at ang meridian diagram sa tatlong pamilya. Kasunod nito, ang tatlong pamilya ay dadalhin din ang kanilang mga painting para mapunta sa isang lugar ang apat na painting. Ito ang magiging solusyon sa pag aaway sa pagitan ng mga pamilya at magkakaroon sila ng pagkakataon para makita ang apat na painting ng magkakasama.Gayunpaman, tumanggi si Tobias.Maliban sa pagnakaw ng painting ng mga Johnston, ang chansa na ang dalawa pang pamilya ay ibubunyag ang kanilang mga painting, ay halos wala. Tutal, libo-libong taon na nila itong prinotektahan.Makasarili ang mga tao. Ganito rin si Tobias. Ayaw niyang makita ng iba ang meridian diagram.“Sabihin mo kay James na kailangan niyang umalis sa loob ng dalawang araw.” Pagkatapos itong sabihin, tumalikod siya at umalis.Kumunot ang noo ni Maxine
Mapait na ngumiti si James. "Pagpipirapirasuhin ako ng mga Caden." Nagsabi si Maxine, "Wala kang magagawa kundi matikman ang galit ng mga Caden. Kung hindi, hahabulin ka nang tatlo pang pamilya. Lalo na't isa ka pa ring Caden. Sa tingin ko hindi ka papatayin ni lolo hanggang sa mabawi niya ang painting. Para naman sa susunod mong gagawin, ikaw na ang bahalang magdesisyon." Umiling si James. Hindi ito gagana. Masyado siyang mahina. Hindi lang iyon, siya ang nagsanhi ng problemang ito. Kung hindi niya pinatay ang Emperor, nanatili sana siyang malayo sa gulo. Nanatiling tahimik si James at bumalik sa pagkain. Hindi nagtagal ay nakatapos siyang kumain. Habang hawak ang mga plato sa kamay niya, tumayo si Maxine at nagsabing, "Dalawang araw na lang ang natitira. Pag-isipan mo tong mabuti, ha?" Pagkasabi niya nito, umalis siya. Umupo si James sa lapag nang naka-lotus position. Naniniwala siya na hindi gagana ang pangalawa sa pagpipilian niya. Posible ang unang
Sa sandaling iyon, isang pambihirang kaisipan ang lumitaw sa isipan ni James. Nagdulot ng permanenteng pinsala sa katawan niya ang piliting paikutin nang pabaliktad ang True Energy niya. Bumagsak siya sa lapag at walang tigil na sumuka nang dugo. Tumulo ang dugo mula sa katawan niya at nabasa niyo ang sinaunang scroll at ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Sa sandaling iyon, may nagbago sa painting. Nang malapit na siyang mawalan nang malay, nakita ni James na naglaho ang full moon at nalanta ang puting bulaklak. Napalitan ito ng nagbabagang araw. Nang masinagan ng araw, nagbago ang tanawin rito, at lumitaw ang ilang mga salita sa kakahuyan. "Ano…" nabigla si James. Binuksan niyang maigi ang mga mata niya at tinitigan ang mga salita sa painting. Kahit na ang mga salita ay nakasulat sa sinumang script na ginagamit libo-libong taon ang nakalipas, nakilala ito ni James. Inukit ito ni James sa isipan niya. Pagkatapos ay hinimatay siya. Naglaho ang mantsa ng
Sandaling iyon, nagkamalay si James. Nang narinig niya ang mga salita ni Tobias, nagsalita siya nang may mahinang boses, "M-Mamamatay ba ako?" Tumingin sa kanya si Tobias at nagsabing, "Oo." Pagkatapos ay umalis siya. Sina Maxine at James lang ang nanatili sa kwarto. Hirap na nagsalita si James, "Nasaan ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge?" Sumagot si Maxine, "Nasa basement pa rin to." "M-May kakaiba ba rito?" "Huh?" Napahinto si Maxine. Pagkatapos ay nagsabi siya, "Wala, wala naman." "Imposible yun." Umiling si James. "Sigurado akong may nangyari. Ibalik mo ko sa basement. Baka lumabas na ang sikreto ng painting." "Pero ang kondisyon mo…" "Ayos lang yan." Walang nagawa si Maxine kundi buhatin si James na nasa bingit ng kamatayan pabalik ng basement. Bago nila marating ang courtyard, isang gwapong lalaking nakaputing damit ang lumapit sa kanila. "Anong ginagawa mo rito, Maxine?" Nang nakita nitong may buhat si Maxine na isang duguang lalaki,