Kabanata 876
Mapait na ngumiti si James. "Pagpipirapirasuhin ako ng mga Caden."

Nagsabi si Maxine, "Wala kang magagawa kundi matikman ang galit ng mga Caden. Kung hindi, hahabulin ka nang tatlo pang pamilya. Lalo na't isa ka pa ring Caden. Sa tingin ko hindi ka papatayin ni lolo hanggang sa mabawi niya ang painting. Para naman sa susunod mong gagawin, ikaw na ang bahalang magdesisyon."

Umiling si James.

Hindi ito gagana. Masyado siyang mahina.

Hindi lang iyon, siya ang nagsanhi ng problemang ito.

Kung hindi niya pinatay ang Emperor, nanatili sana siyang malayo sa gulo.

Nanatiling tahimik si James at bumalik sa pagkain.

Hindi nagtagal ay nakatapos siyang kumain.

Habang hawak ang mga plato sa kamay niya, tumayo si Maxine at nagsabing, "Dalawang araw na lang ang natitira. Pag-isipan mo tong mabuti, ha?"

Pagkasabi niya nito, umalis siya.

Umupo si James sa lapag nang naka-lotus position.

Naniniwala siya na hindi gagana ang pangalawa sa pagpipilian niya. Posible ang unang
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP