Naiintindihan ni Maxine ang mensahe sa mga salita ni Tobias—susuko na si Tobias kay James.Nagkaroon ng ideya si Maxine.Minungkahi niya kay Tobias na ibunyag ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge at ang meridian diagram sa tatlong pamilya. Kasunod nito, ang tatlong pamilya ay dadalhin din ang kanilang mga painting para mapunta sa isang lugar ang apat na painting. Ito ang magiging solusyon sa pag aaway sa pagitan ng mga pamilya at magkakaroon sila ng pagkakataon para makita ang apat na painting ng magkakasama.Gayunpaman, tumanggi si Tobias.Maliban sa pagnakaw ng painting ng mga Johnston, ang chansa na ang dalawa pang pamilya ay ibubunyag ang kanilang mga painting, ay halos wala. Tutal, libo-libong taon na nila itong prinotektahan.Makasarili ang mga tao. Ganito rin si Tobias. Ayaw niyang makita ng iba ang meridian diagram.“Sabihin mo kay James na kailangan niyang umalis sa loob ng dalawang araw.” Pagkatapos itong sabihin, tumalikod siya at umalis.Kumunot ang noo ni Maxine
Mapait na ngumiti si James. "Pagpipirapirasuhin ako ng mga Caden." Nagsabi si Maxine, "Wala kang magagawa kundi matikman ang galit ng mga Caden. Kung hindi, hahabulin ka nang tatlo pang pamilya. Lalo na't isa ka pa ring Caden. Sa tingin ko hindi ka papatayin ni lolo hanggang sa mabawi niya ang painting. Para naman sa susunod mong gagawin, ikaw na ang bahalang magdesisyon." Umiling si James. Hindi ito gagana. Masyado siyang mahina. Hindi lang iyon, siya ang nagsanhi ng problemang ito. Kung hindi niya pinatay ang Emperor, nanatili sana siyang malayo sa gulo. Nanatiling tahimik si James at bumalik sa pagkain. Hindi nagtagal ay nakatapos siyang kumain. Habang hawak ang mga plato sa kamay niya, tumayo si Maxine at nagsabing, "Dalawang araw na lang ang natitira. Pag-isipan mo tong mabuti, ha?" Pagkasabi niya nito, umalis siya. Umupo si James sa lapag nang naka-lotus position. Naniniwala siya na hindi gagana ang pangalawa sa pagpipilian niya. Posible ang unang
Sa sandaling iyon, isang pambihirang kaisipan ang lumitaw sa isipan ni James. Nagdulot ng permanenteng pinsala sa katawan niya ang piliting paikutin nang pabaliktad ang True Energy niya. Bumagsak siya sa lapag at walang tigil na sumuka nang dugo. Tumulo ang dugo mula sa katawan niya at nabasa niyo ang sinaunang scroll at ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Sa sandaling iyon, may nagbago sa painting. Nang malapit na siyang mawalan nang malay, nakita ni James na naglaho ang full moon at nalanta ang puting bulaklak. Napalitan ito ng nagbabagang araw. Nang masinagan ng araw, nagbago ang tanawin rito, at lumitaw ang ilang mga salita sa kakahuyan. "Ano…" nabigla si James. Binuksan niyang maigi ang mga mata niya at tinitigan ang mga salita sa painting. Kahit na ang mga salita ay nakasulat sa sinumang script na ginagamit libo-libong taon ang nakalipas, nakilala ito ni James. Inukit ito ni James sa isipan niya. Pagkatapos ay hinimatay siya. Naglaho ang mantsa ng
Sandaling iyon, nagkamalay si James. Nang narinig niya ang mga salita ni Tobias, nagsalita siya nang may mahinang boses, "M-Mamamatay ba ako?" Tumingin sa kanya si Tobias at nagsabing, "Oo." Pagkatapos ay umalis siya. Sina Maxine at James lang ang nanatili sa kwarto. Hirap na nagsalita si James, "Nasaan ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge?" Sumagot si Maxine, "Nasa basement pa rin to." "M-May kakaiba ba rito?" "Huh?" Napahinto si Maxine. Pagkatapos ay nagsabi siya, "Wala, wala naman." "Imposible yun." Umiling si James. "Sigurado akong may nangyari. Ibalik mo ko sa basement. Baka lumabas na ang sikreto ng painting." "Pero ang kondisyon mo…" "Ayos lang yan." Walang nagawa si Maxine kundi buhatin si James na nasa bingit ng kamatayan pabalik ng basement. Bago nila marating ang courtyard, isang gwapong lalaking nakaputing damit ang lumapit sa kanila. "Anong ginagawa mo rito, Maxine?" Nang nakita nitong may buhat si Maxine na isang duguang lalaki,
"Bakit ka bumubuntong-hininga?" "Wala lang." Hindi masyadong nagsalita si Maxine. Habang buhay niya si James, mabilis siyang nagpunta sa basement. Dahil nantili siyang tahimik, hindi na siya tinanong pa ni James. "Siya nga pala, mabait talaga yung si Bobby. Wag mo sanang damdamin ang ginawa niya." Sa takot na baka maghiganti si James, dinagdag niya ang komentong ito. "Hmph…" Suminghal si James. Gumagawa ng problema si Bobby sa kanya mula sa umpisa pa lang. Kung bibigyan siya ng pagkakataon, tiyak na tuturuan niya siya ng leksyon. Hindi nagtagal, dumating sila sa basement. Nasa lapag pa rin ang ancient scroll at ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Kahit na namantsahan ng dugo ang ancient scroll, nasa perpektong kondisyon naman ang painting. Pinaupo ni Maxine si James sa wheelchair at dinampot ang mga gamit mula sa lapag. Nag-utos si James, "Patingin ako." Iniabot iyon ni Maxine sa kanya. Pagkatapos suriin ang painting, napansin niyang walang nangya
Pagkatapos, napagtanto niya ito. Nagtanong siya, "B-Balak mo bang sabihin ang sikreto ng painting kay lolo kapalit ng proteksyon?" "Oo." Tumango si James. Nasa mahirap na sitwasyon siya ngayon. Tanging si Tobias lang ang makakapagligtas sa kanya. Gayunpaman, gagawin lang ito ni Tobias Kung ibibigay ni James sa kanya ang sikreto ng painting. "Sige." Walang masyadong sinabi si Maxine. Pagkatapos, nilagay ni James ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge at ang ancient scroll sa loob ng kahon. Tinulak ni Maxine ang wheelchair ni James umalis silang dalawa sa basement para hanapin si Tobias. Sa library ng courtyard ng mga Caden… Nagbabasa ng libro si Tobias. Tok! Tok! Narinig ang mga katok mula sa likod ng pinto. "Lolo, gusto kang makita ni James." Isinantabi ni Tobias ang libro niya at lumabas ng kwarto. Nakaupo si James sa isang wheelchair habang nakatayo si Maxine sa tabi niya. Nagtanong si Tobias habang nakatingin kay James, "Anong problema?" Bumulong s
Tinitigan ni Maxine ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Hindi niya inakalang magbabago ang painting kapag napatakan ito ng dugo. Higit pa roon, nangyari lang ito sa dugo ni James. "Iyan ang sikreto ng Moonlit Flowers on Cliffside's Edge." Tumingin si James sa nasasabik na si Tobias at nagsabing, "Nasabi ko na sa'yo ang sikreto. Mula ngayon, kailangan mo kong protektahan." "Hindi magiging problema yun. Isa kang Caden. Bilang head ng pamilya natin, paano kita hindi mabibigyan ng proteksyon?" Dinampot niya ang painting at tumawa nang malakas. "Haha! Sa wakas ay natuklasan na rin ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge!" Bigla na lang, bumalik ang larawan sa original nitong anyo. Kinakabahan siyang nagtanong, "Anong nangyari?" Sumagot si James, "Paano ko malalaman? Baka kailangan nito ng mas maraming dugo." "Bakit to gumana sa dugo mo pero di sa'kin?" Umiling si James. Wala rin siyang ideya. 'Bakit kailangan yung akin? 'Pareho kaming Caden kaya bakit nababago n
Narinig ang mga katok mula sa likod ng pinto. "Pasok," mahinang sagot ni James. Bumukas ang pinto at pumasok si Maxine na nakasuot ng puting dress. Wala siyang oras para magpalit ng damit na namantsahan ng dugo ni James. "James," malambing niyang tinawag ang pangalan niya habang naglakad siya papunta sa kanya. "Mhm," marahang sagot ni James. Nagtanong siya, "Bumalik na ba ang True Energy mo? Kailangan kita na paikutin ang True Energy mo at tulungan akong pagalingin ang mga sugat ko." "Medyo bumalik na pero di pa lahat," sagot ni Maxine. Mahinang nagsabi si James, "Sa tingin ko ang cultivation method sa Moonlit Flowers on Cliffside's Edge ay nangangailangan ng dalawang tao." Nagtanong si Maxine, "Bakit mo naman naisip yun?" Nagsabi si James, "Hula ko ay tama ang ginawa natin noon. Hindi lang to gumana dahil wala sa'tin ang cultivation method. Pagkatapos malagyan ng dugo ang painting, naglaho ang maliwanag na buwan at lumitaw ang nagliliyab na araw. Ayon sa pagkakaintin