Hinawakan ni James ang baba niya at bumulong, "Ang War God Palace? Ito ba ang palasyo ng War God ng Ancient Heavenly Court Age? Hindi ba siya ang ama ni Sophie? Kung ganun, dito ba nakatira si Sophie noong bata pa siya?"Sabi ni Qusai, "Tara na at tignan natin."Lumapit ang grupo at sinubukan ni James na itulak pabukas ang gate. Gayunpaman, hindi bumukas ang gate. Kahit gaano katinding pwersa ang gamitin ni James, hindi niya ito mabuksan. "Subukan ko."Lumapit si Qusai at sinubukang itulak ang gate gamit ng buong lakas niya, pero wala siyang napala. Nanlulumo niyang sabi, "Hindi ko rin to mabuksan. Mukhang may formation na pumipigil sa'ting buksan ang gate at pumasok."Tanong ni James, "Kung ganun, anong dapat natin gawin?"Umiling si Qusai at nagsabing, "Paano ko malalaman yun?"Sa sandaling iyon, tinuro ni Maxine ang istatuwa sa gate at nagsabing, "Hindi kaya ang istatuwang ito ang susi sa pagbukas sa gate? Narinig ko sa guro ko noon na naglalagay ng istatuwa sa gates nil
Ang Door Gods ay mga espesyal na nilalang na ginawa ng may-ari ng lugar. Kagaya ni Nova, hindi sila mga tunay na buhay na nilalang pero may sarili silang malay. "Ano ang War Order?"Pagkatapos maglaho ng Door God, nagtaka si James. Sabi ni Qusai, "Kung hindi ako nagkakamali, pinasa ng Heavenly Path ang impormasyon sa Door God nang nagising siya para ipasa sa'tin."Pinahayag ni Maxine ang opinyon niya, "Kung ganun, ang War Order sa loob ng War God Palace ay ang susi para makaakyat sa Thirty-Three Celestial Palace, kung saan malamang na nakatago ang third providence."Nagtanong si James, "Kung ganun, ano ang nabanggit niyang Thirty-Three Celestial Palace?"Nagpaliwanag si Qusai, "Noon sa Ancient Heavenly Court Age, ang Thirty-Three Celestial Palace ay kumakatawan sa kapangyarihan. Ito ang tinutuluyan ng mga makakapangyarihan sa panahong iyon. Habang mas malakas ang isang nilalang, sa mas mataas sila pwedeng tumira. Ispekulasyon noon na ang Jade Emperor ay nakatira sa pinakamataas
"Mag-iingat ka!" Sumigaw si James. Noong sandaling pumasok si Brielle sa loob ng golem formation, agad siyang inatake ng mga golem. Nakatayo sa iba't ibang posisyon, nagpatuloy sa pagwasiwas ng kanilang mga espadang bato ang mga golem, at bumugso mula dito ang isang napakalakas na Sword Energy. Bagaman pambihira ang bilis ng mga golem, maikukumpara ang bilis ni Brielle sa kanila. Tanging mga anino lamang na nagpapaikot-ikot ang nakikita ni James. Pagkaraan ng sampung segundo, isang tao ang tumalsik palabas ng formation. Bumagsak ng malakas si Brielle sa lupa at sumuka siya ng dugo. Nagmadaling lumapit si Maxine at inalalayan niyang tumayo si Brielle, at nagtanong, “Ayos ka lang ba?”Pinunasan ni Brielle ang bakas ng dugo sa kanyang mga labi at umiling siya, at sinabing, “Ayos lang ako. Hindi ko lang inaasahan na ganito kalakas ang golem formation. Pambihira ang mga sword technique ng mga golem, at walang kahit anong butas sa pag-atake nila. Ilang segundo lang ang itinagal k
Mahina ang pagnanais ni James na makuha ang third providence. Ang third providence ay tungkol sa pagtalon palabas ng Three Realms, pag-iwan sa Five Elements, at pagkakaroon ng isang Emperor Physical Body. Sa oras na magkaroon siya ng isang Emperor Physical Body, ligtas na siya sa Three Apocalypses and Nine Tribulations.Gayunpaman, ang pagkakaroon ng isang Emperor Physical Body ay hindi nangangahulugan na magkakaroon siya ng lakas na katumbas ng sa Emperor Rank. Isa lamang itong titulo. Ang pinakamagandang maidudulot nito ay ligtas na siya sa Three Apocalypses and Nine Tribulations, na pinakamalaking balakid sa landas ng cultivation. Ito ang mga susi na humahadlang sa lahat ng mga nilalang mula sa pagkakamit ng mga breakthrough, at hindi mabilang ang mga makapangyarihang nilalang na pumanaw dahil sa tribulations. Subalit, laging mayroong dalawang panig ang isang bagay. Nagagawang linangin ng mga tribulation ang isang indibidwal, dahilan upang lumakas sila sa kabila ng mga balakid.“M
Mabilis niyang iniwasan ang mga atake nila at umatake siya pabalik. Gayunpaman, matibay ang mga golem. Kahit na gamit niya Imperial Weapon ng isang Ancestral God, hindi niya kayang sirain ang mga ito. Hindi ito dahil sa mahina ang Imperial Weapon ng Ancestral God. Sa halip, ito ay dahil sa mababa pa ang rank ni James, at dahil dito, hindi pa niya kayang gamitin ng buo ang kapangyarihan ng sandata. Naganap ang isang matinding labanan. Ang Crepe Myrtle Divine Sword na hawak ni James ay sumangga sa espada ng isang golem. Boom!Isang nakakabinging pagsabog ang narinig sa buong lugar, at lumipad sa ere ang malakas na Sword Energy. Sa sandaling iyon, walong espada ang pumalibot sa kanya at umatake sa kanyang mga vital point. Sa isang kisapmata, naiwasan niya ang mga atake at winasiwas niya ang Divine Sword. Isang wave ng Sword Energy ang lumabas, na bumuo ng isang pabilog na hugis na sumalag sa mga pag-atake sa kanya. Alam na ni James na ang posisyon ng mga golem ay nakabase sa Fi
Tama si Qusai. May nakuhang providence si James. Napakahusay ng mga sword technique na ipinamalas ng mga golem, na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao. Malamang isang dakilang nilalang ang indibidwal na gumawa sa mga sword technique na ito.Habang hawak ang Divine Sword, naglaho si James, at muli siyang sumugod papasok sa golem formation. Agad siyang inatake ng mga golem.Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang hinamon ang mga golem. Sa kasalukuyan, kabisado na niya ang mga atake ng mga golem. Sa harap ng mga Sword Move ng mga golem, mahinahon siya at balak niyang sirain ang mga ito. Umabot na sa napakataas na antas ang pag-unawa niya sa mga sword technique ng mga golem. Dahil dito, nagawa niyang sirain ang mga Sword Move nga mga golem ng walang kahirap-hirap.Ilang oras siyang nakipaglaban. Sa huli, sinamantala niya ang pagkakataon at ginamit niya ang isang napakalakas na Sword Move ng may pambihirang bilis at sinira niya ang golem formation.Unti-unting huminto ang
Pagkatapos nilang halughugin ang lugar, wala silang nahanap na magagamit nila.Noong paalis na sana sila…“Ano ‘to?”Nagtanong si Maxine.Nang marinig nila ito, ang lahat ay lumingon at tumingin sa direksyon kung nasaan ang tinutukoy ni Maxine. Mayroong trono sa harap ng main hall. Sa sandaling iyon, isang puting liwanag ang lumulutang sa ibabaw ng trono.Tumingin sila sa puting liwanag. Pagkatapos, napagtanto ng lahat na ang puting liwanag ay isang token.Maliit lang ang token, at kasing laki lamang ito ng isang palad. Bilog ang hugis nito, at mayroong mga misteryosong karakter na nakaukit sa token.“Ito kaya ang War Order? Ito ba ang susi upang maabot ang Thirty-third Stage?” Ang nagtatakang bulong ni James. Pagkatapos, naglakad siya palapit sa token at kinumpas niya ang kanyang kamay.Isang malakas na kapangyarihan ang nabuo sa kanyang palad at pwersahan niyang hinila pababa ang puting liwanag mula sa ere.Lumitaw ang War Order sa mga kamay ni James. Habang hawak ang token
Balot ng buhok ang lalaki, malaki at mukhang malakas ang kanyang katawan, at mayabang siyang tumawa.Nararamdaman ni James ang napakalakas na kapangyarihan na nagmumula sa lalaki. Ito ay purong pisikal na lakas.Sa sandaling iyon, nakahabol na din sila Maxine, Brielle, at Qusai at pinalibutan nila ang lalaking mukhang gorilla.Habang nagmamasid sa kanyang paligid, nakangiting sinabi ng lalaki na, "Pagtutulungan niyo ako?" Ang utos ni James, "Lumayo kayo."Sumunod sa kanya ang iba. "Malakas ang loob mo." Tumawa ang lalaki at sinabing, "Ibabalik ko ang token kapag natalo mo ako." Pagkatapos niyang sabihin 'yun, naglaho siya, at sumugod siya papunta kay James ng may pambihirang bilis. Nang makita niya na walang sandata ang lalaki, itinabi ni James ang Divine Sword at ginamit niya ang kanyang kamay upang harangin ang atake niya. Nagsalpukan ang kanilang mga kamao. Nararamdaman ni James ang pambihirang lakas na kumakalat sa kanyang braso at papunta sa buong katawan niya. Nap