Tama si Qusai. May nakuhang providence si James. Napakahusay ng mga sword technique na ipinamalas ng mga golem, na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao. Malamang isang dakilang nilalang ang indibidwal na gumawa sa mga sword technique na ito.Habang hawak ang Divine Sword, naglaho si James, at muli siyang sumugod papasok sa golem formation. Agad siyang inatake ng mga golem.Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang hinamon ang mga golem. Sa kasalukuyan, kabisado na niya ang mga atake ng mga golem. Sa harap ng mga Sword Move ng mga golem, mahinahon siya at balak niyang sirain ang mga ito. Umabot na sa napakataas na antas ang pag-unawa niya sa mga sword technique ng mga golem. Dahil dito, nagawa niyang sirain ang mga Sword Move nga mga golem ng walang kahirap-hirap.Ilang oras siyang nakipaglaban. Sa huli, sinamantala niya ang pagkakataon at ginamit niya ang isang napakalakas na Sword Move ng may pambihirang bilis at sinira niya ang golem formation.Unti-unting huminto ang
Pagkatapos nilang halughugin ang lugar, wala silang nahanap na magagamit nila.Noong paalis na sana sila…“Ano ‘to?”Nagtanong si Maxine.Nang marinig nila ito, ang lahat ay lumingon at tumingin sa direksyon kung nasaan ang tinutukoy ni Maxine. Mayroong trono sa harap ng main hall. Sa sandaling iyon, isang puting liwanag ang lumulutang sa ibabaw ng trono.Tumingin sila sa puting liwanag. Pagkatapos, napagtanto ng lahat na ang puting liwanag ay isang token.Maliit lang ang token, at kasing laki lamang ito ng isang palad. Bilog ang hugis nito, at mayroong mga misteryosong karakter na nakaukit sa token.“Ito kaya ang War Order? Ito ba ang susi upang maabot ang Thirty-third Stage?” Ang nagtatakang bulong ni James. Pagkatapos, naglakad siya palapit sa token at kinumpas niya ang kanyang kamay.Isang malakas na kapangyarihan ang nabuo sa kanyang palad at pwersahan niyang hinila pababa ang puting liwanag mula sa ere.Lumitaw ang War Order sa mga kamay ni James. Habang hawak ang token
Balot ng buhok ang lalaki, malaki at mukhang malakas ang kanyang katawan, at mayabang siyang tumawa.Nararamdaman ni James ang napakalakas na kapangyarihan na nagmumula sa lalaki. Ito ay purong pisikal na lakas.Sa sandaling iyon, nakahabol na din sila Maxine, Brielle, at Qusai at pinalibutan nila ang lalaking mukhang gorilla.Habang nagmamasid sa kanyang paligid, nakangiting sinabi ng lalaki na, "Pagtutulungan niyo ako?" Ang utos ni James, "Lumayo kayo."Sumunod sa kanya ang iba. "Malakas ang loob mo." Tumawa ang lalaki at sinabing, "Ibabalik ko ang token kapag natalo mo ako." Pagkatapos niyang sabihin 'yun, naglaho siya, at sumugod siya papunta kay James ng may pambihirang bilis. Nang makita niya na walang sandata ang lalaki, itinabi ni James ang Divine Sword at ginamit niya ang kanyang kamay upang harangin ang atake niya. Nagsalpukan ang kanilang mga kamao. Nararamdaman ni James ang pambihirang lakas na kumakalat sa kanyang braso at papunta sa buong katawan niya. Nap
Nakarating sila sa may gate ng isang palasyo, kung saan nakasulat ang mga sinaunang karakter. Tiningnan ni Maxine ang mga gate at sinabing, "James, malamang ito ang lugar kung saan itinatago ng war god ng Ancient Heavenly Court ang mga elixir niya."“Mhm.”Tumango si Qusai at sinabing, "May pakinabang ang mga elixir sa lahat ng mga cultivator. Sana may mga elixir pang natitira sa palasyo. Kung may makukuha akong kahit kaunti lang sa mga ito, isa itong napakalaking providence.""Mag-ikot-ikot tayo."Naglakad si James papunta sa pinto at binuksan niya ito. Creak…Bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, isang mabangong amoy ang nagmula sa loob. Sa sobrang lakas ng amoy na ito ay pinasigla nito ang katawan ni James. Huminahon ang kanyang mga pores at bumuka ang mga ito, hinigop nito ang kapangyarihang taglay ng amoy. "Ang bango ng amoy na 'to…""Ang lakas ng kapangyarihan na 'to…"Nagulat ang iba. Tumingin si James sa Alchemy Chamber. Nasa ilang daang metrong kwadrado ang laki
"Tinatawag din na Elixir of Nine Great Tribulations ang Elixir of Nine Deaths. Sa oras na inumin mo ito, magkakaroon ka ng pagkakataon na palakasin ang iyong sarili. Sa tuwing malalagay ka sa bingit ng kamatayan, gagana ang kapangyarihan ng elixir, at makakatanggap ka ng isang providence. Magkakaroon ka ng siyam na providence. Ibig sabihin nito ay magkakaroon ka ng siyam na buhay pagkatapos mong inumin ang elixir na ito."Nagpaliwanag ang Spirit Tool. Alam na ngayon ni James kung gaano kanakakatakot ang elixir na ito. Tumingin ang iba kay James. Nagtanong si Brielle, "Anong nalaman mo?" Isinalaysay ni James ang buong katotohanan. Nang marinig niya ito, nagulat si Brielle. Nagtanong siya, "S-Seryoso ka?" Nagkibit-balikat si James at sinabing, "Iyon ang sinabi ng Spirit Tool sa loob ng Celestial Abode ko. Ang Spirit Tool ay ginawa ng isang Grand Emperor. Noong Primordial Age, naglakbay siya sa malalayong lugar kasama ng Grand Emperor. Dahil dito, marami siyang alam. Para nam
"Salamat, Spirit Tool."Nagpasalamat si James. Pagkatapos, walang alinlangan niyang nilunok ng buo ang Elixir of Nine Deaths. Habang pababa sa lalamunan niya ang elixir, isang mainit na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang katawan. Ang mainit na pakiramdam na ito na nagtataglay ng pambihira at napakalakas na kapangyarihan ay dumaloy sa kanyang mga braso at katawan. Bumuka ang mga pores ni James, at lumabas mula dito ang gintong liwanag. Unti-unting lumutang sa ere ang kanyang katawan na para bang paakyat na siya sa langit. "Grabe ang kapangyarihan nito… Gaya ng inaasahan sa isang elixir na ginawa ng isang cultivator na nasa Grand Emperor Rank o higit pa."Huminga ng malalim si James. Walang alinlangan niyang ginamit ang isang cultivation method at mabilis na hinigop ang enerhiya sa loob ng kanyang katawan, at ginawa niya itong Sage Energy. Nakasulat sa kanyang katawan ang Elemental Inversion Formation. Kaya naman, patuloy pa ring madadagdagan ang kanyang Elemental Sage Energy. S
Hinigop ni James ang kapangyarihan ng Elixir of Nine Deaths upang sirain ang Realm Barrier. Subalit, sa sandaling iyon, nagpakita ang seal. Paglabas ng seal, lumabas din ang kapangyarihan ng sumpa. Sa karaniwang sitwasyon, siguradong magagawa niyang labanan ang sumpa. Gayunpaman, ngayong nagpakita ang seal, hindi sapat ang kaunting lakas na kaya niyang gamitin upang pakilusin ang kanyang Demonic Energy, na pumipigil sa kanya sa pagpapagaling sa kanyang mga sugat. Palubha ng palubha ang mga pinsalang natatanggap niya. Sa loob lamang ng ilang segundo, nagkaroon ng mga bitak sa kanyang katawan at patuloy itong lumalaki. Base sa kasalukuyang bilis nito, hindi magtatagal ay tuluyan nang masisira ng kapangyarihan ng sumpa ang kanyang katawan. Samantala, kailangan niya ng hindi bababa sa tatlong araw upang malampasan ang unang seal. Magagamit lamang niya ang kanyang Demonic Energy upang pagalingin ang mga pinsalang tinamo niya kapag nagawa niyang sirain ang unang seal.Nadismaya si James h
Sa opinyon ni James, kailangan niyang makatawid sa Divine Rank para makunsiderang makapangyarihan na pigura. Ang lahat ng nilalang na nasa ilalim ng Divine Rank ay makukunsiderang walang halagang mga nilalang.Ngayon, limitado ang lakas niya, at hindi pa siya nakikisalamuha sa cultivator na nasa Divine Rank. Kaya, hindi niya alam kung gaano sila kalakas.Matapos mag-isip ng ilang sandali, tumayo si James at naglakad palabas ng Time Formation.Naabsorb na niya ang kapangyarihan ng Elixir of Nine Deaths, at ang natitira ay nakatago sa katawan niya. Sa susunod na malalagay muli sa panganib ang buhay niya, gagana ang kapangyarihan ng elixir.Matapos inumin ang Elixir of Nine Deaths, may proteksyon na si James. Nakakuha siya ng maraming biyaya sa closed-door meditation, at ang rank at kapangyarihan niya ay lumakas na ng husto. Kung lalabanan niya si Milo ng Primordial Divine Ape Race, siguradong mananalo na siya sa pagkakataon na ito.Sa oras na lisanin niya ang Time Formation, tumungo siya