Kailanman hindi nagkaroon ng kapatasan o hustisya sa mundo kung saan ang mga malakas ang namumuno. Para makaligtas sa mundong ito, kailangan na patuloy palakasin ng bawat isa ang lakas nila.Naniniwala si James dito. Mula sa mga tao ng Three- Thousand Sealed Realms hanggang sa mga tagalabas na pumasok sa Earth ng hindi iniimbitahan, inaapi nila ang mga tagalupa simula pa noong una. Kung hindi niya niresolba ang mga krisis gamit ang lakas niya, maaaring inalipin na ang mga tao sa Earth. Kaya, hindi siya kontra sa pagkuha sa War Order ng iba.Matapos pumasok sa lungsod, agad silang nilapitan ng mga tao.“James…” narinig niya ang isang boses.Tumalikod si James at nakakita ng mga pamilyar na mukha---sina Marcello at Jace ng Demon Realm’s Azurean Clan. Katabi nila ay mga hindi pamilyar na mukha. Ngunit, nagtataglay sila ng nakakatakot na aura. Malinaw na mga prodigy sila ng Azurean Clan.Mabilis na lumapit si Marcello at nagtanong, “Kumusta? May nakita kayong mga War Order?”Sa oras na nag
Nagsalita si Jace, “Tara na at umalis na tayo. Maraming mga makapangyarihang pigura ang tumungo na sa Mount Flames. Kung matatagalan tayo, makukuha na ng iba ang War Order.”Tumango si James at sinabi, “Kung ganoon, umalis na tayo.”Hindi pumasok sa lungsod si James. Matapos makasalubong sina Marcello, Jace at iba pa mula sa Demon Realm, tumungo siya sa Mount Flames kasama nila.Matapos lumipad ng kalahating araw, dumating na sila sa rehiyon ng Mount Flames.Ang Mount Flames ay bundok na nasusunog. Habang palapit sila sa bundok, nakaramdam sila ng matinding init.Itinuro ni Jacea ng bundok sa harapan nila bago sabihin, “Iyon ang Mount Flames. Base sa impormasyon ko, may kasaysayan ang bundok na ito.”“Oh?” tinignan siya ni James at sinabi, “Ikuwento mo.”Ipinaliwanag ni Jace, “Base sa impormasyon ng Heavenly Path, ang Mount Flames ay kakaiba. Ito ang Flames of Samadhi mula sa alchemy furnace ng Grand Holy Master sa Ancient Heavenly Court Age. Isang aksidente ang nangyari kaya natapon a
Ang apoy sa Mount Flames ay ang Flames of Samadhi. Kahit na hindi mabilang ang dami ng taon na lumipas na at kahit na hindi na kasing tindi ng apoy ang dati nitong lakas, nakakatakot pa din ito.Sa oras na pumasok si James sa apoy, agad siyang nabalot nito. Hindi siya mapakali sa tindi ng init na sumusunog sa katawan niya.Ngunit, maliit na bagay lang ito. Base sa kasalukuyang pisikal na lakas niya, kaya niyang indahin ang init ng apoy.“Hindi ko siya maaaring hayaan na makuha ang War Order kahit na anong mangyari!”Alam ni James na ang dami ng War Order sa mga labi ng Ancient Heavenly Court Age ay limitado. Mayroon lamang tatlumput tatlo nito. Sa pagkakataon na ito, masyadong maraming nilalang ang nagkukumpitensiya para sa tatlumput tatlong lamang na War Order. Kaya, ang mga makapangyarihan lang ang kaya makakuha nito.Ginamit ni James ang Sage Energy para protektahan ang katawan niya. Dahil sa layer ng Sage Energy na pumoprotekta sa pisikal na katawan niya, hindi na siya apektado ng
“T*ng ina!”Nagmura si Milo matapos makita na bumibilis si James.Sa oras na iyon, hindi na siya nagpigil at ginamit ang Sacrilegious Ascension, ang signature cultivation method ng Primordial Ape Race. Lumakas siya at isang protective barrier ang bumalot sa balat niya. Bumilis siya at nakahabol kay James.Sa oras na iyon, malapit na umabot sa rurok si James. Mas matindi ang init na sumusunog sa tuktok kung saan matatagpuan ang War Order na balot ng apoy.Sa oras na iyon, isang kulay lila na Divine Sword ang nagpakita sa kamay ni James.“Break!”Humiwa siya gamit ang espada. Makapangyarihan na Sword Light ang rumagasa sa ere at hinawa ang apoy. Pagkatapos, nagsidestep siya bago sinugod ang War Order at kunin ito.“Akin!”Isang sigaw mula sa likod ang narinig niya. Habang dumadagungdong ang sigaw sa paligid, isang pigura ang sumugod sa kanya at na nakataas ang palad para atakihin si James.Sapagkat pinanood ni Milo ang laban ni James at Yorick, alam niya kung gaano kalakas si James, lalo
Mayroong tatlumput tatlong War Order sa mga labi ng Ancient Heavenly Court. Base sa kalkulasyon ni Milo, balak niyang damihan ang mga War Order na makukuha niya at ibebenta ito sa may kailangan nito. Mayaman ang mga makapangyarihang mga pigura at mga prodigy na tumungo sa Earth na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng universe.Ngunit, si James ang nakakuha sa War Order sa pagkakataong ito. Sa loob lamang ng ilang araw, lumakas ng husto si James. Mas malaki ang mawawala sa kanya kung makikipaglaban siya kaysa isuko ang isang War Order.Samantala, naupo si James ng lotus position para magpahinga.Maraming nilalang ang nagtipon sa Mount Flames—sampung libo sila. Lahat sila nakatitig kay James.Ngayon at nasa mga kamay na ni James ang War Order, makukuha nila ito kapag natalo nila si James. Ngunit, hindi madaling talunin si James, halos imposible ito.Marami ang isinanatabi ang pag-iisip na ito. Kung may lakas sila para talunin si James, hindi sila magkakaroon ng problema na maghanap ng War Or
Ang naririnig lang na tunog ay ang dagalak.Tinignan ni James ang Mount Flames. Ito ang perpektong lugar para magcultivate. Ang Flames of Samadhi ay nakakatakot at napakaepektibo sa pagpapalakas ng pisikal na katawan niya. Bukod pa doon, nagtataglay ang apoy ng misteryosong enerhiya na kayang pataasin ang Sage Energy ng mabilis.Sa pagkakaintindi ni James, hindi ganoon kataas ang rank ni Milo. Nasa Sage Rank’s Tenth Stage lamang siya, samantala ang iba ay umabot na sa Fifteenth Stage. Bilang mga prodigy, stable at tunay ang rank nila.Kahit na ang pisikal na lakas ni James ay nasa Sage Rank’s Seventh Stage, ang lakas niya ay naiiba. Matapos makuha ang providence, nasa Sage Rank’s Fourth Rank Stage lamang siya. Kung hindi gagamit ng ibang mga bagay, wala siyang laban sa mga makapangyarihan na pigura.Matapos ang kaunting pag-iisip, pumasok siya sa apoy. Kahit na mukhang nakakatakot ang apoy, nagawa niyang indahin ang apoy sa paligid ng hindi gumagamit ng kahit na ano. Sa oras na nasa ka
Mas madali ang palakasin ang pisikal na lakas kung iisipin. Hanggat kaya indahin ang sakit ng katawan at tiisin ang pinsala, patuloy na lalakas ang pisikal na katawan.Sakit? Pinsala?Marami ng pinagdaanan si James. Ang pisikal na katawan niya ay patuloy na nasunog sa apoy. Ang pangkaraniwang mga cultivator ay hindi kakayanin ang tindi ng init. Ngunit, nasanay na si James dito. Kahit na ang balat niya ay mapula, hindi niya ito naging problema.Pagkatapos, ginamit niya ang Novenary Golden Body Siddhi para higupin ang apoy para mapalakas ang pisikal na lakas niya.Gayunpaman, mabagal ang paglakas ng pisikal niyang lakas.Sumailalim muli si James sa closed-door meditation ng limampung taon. Dito lamang umabot sa Sage Rank’s Eighth Stage ang pisikal niyang lakas.Isang araw at kalahati ang lumipas sa mundo sa labas. Kahit na hindi niya alam kung bumukas na ang Thirty-Three Stages Celestial Palace, alam niyang kailangan niyang lisanin ang closed-door meditation.Masasayang lamang ang lahat
Isang lalake ang mabagal na naglakad sa kalsada. Habang nakasuot ng itim na robe, may mahaba siyang buhok at guwapong mukha. Kalmado siya at nakangiti.Ito si James.Maraming nilalang ang nagtipon sa gate na labas pasok sa lungsod.Nagkaroon ng komosyon sa pagpapakita ni James.“Dumating na si James!” sigaw ng isa.Sa isang gusali sa lungsod, isang mabangis na lalake ang nakaupo sa upuan. Amg taong ito ay nababalisa.Sa oras na ito, isang lalake ang mabilis na lumuhod ng isang tuhod at binati siya ng magalang, “Master, dumating na po si James.”Noong narinig niya ito, tumayo ang mabangis na lalake at natutuwang nagtanong, “Totoo?”“Opo, dumating siya sa gate ng lungsod.”“Mabuti! Ipaalam sa lahat ng malalakas natin na mandirigma. Aatakihin natin si James para kunin ang War Order niya!”“Masusunod po.”…Sa nakalipas na isa’t kalahating taon na nasa closed-door meditation si James, hindi niya alam na maraming War Order na ang nagpakita. Sa bawat pagpapakita ay nagkaroon ng matindi at ma