Nanatili si James sa kinatatayuan niya at hinayaan ang lightning tribulation na atakihin siya ng malaya. Noong tinamaan siya ng lightning tribulation, nagkaroon pa ng dagdag na pinsala na katawan niyang may matindi ng pinsala. Ngunit, dumaan na sa pagbabago ang pisikal na katawan niya at umabot na sa Sage Rank, at hindi siya kayang patayin ng lightning tribulation.Habang mas maraming mga kidlat ang bumabagsak mula sa kalangitan, nagkakaroon siya ng pinsala pero hindi siya namamatay.Hindi nagtagal, bumagsak na ang siyam na lightning tribulation kay James.Alam ni James na hindi ito matatapos ng ganoon lamang. Sapagkat wala siyang kaalam-alam kung mapupunta siya sa Tribulation World, naghanda siya.Matapos bumagsak ang siyam na lightning tribulation, isang Heavenly Path Embodiment ang nagpakita. Matapos makita ang anino na gawa ng piraso ng Law of Heaven sa mga ulap, nakahinga ng maluwag si James. Mas mabuti ang kahit na ano kaysa mapunta siya sa Tribulation World. Ang isang hamak na H
Naramdaman ni James ang lakas ng sumpa sa katawan ni Delainey.Habang nahihirapan ng husto, lumapit siya kay James at mahinang sinabi, “N-Nandito ka na, James.”Mukhang nasa bingit na siya ng kamatayan, at maaaring mamatay ano mang oras.Hindi nagtagal, lumabas si Winnie. Magkapareho sila ng sitwasyon ni Delainey. Kahit na may sumpa sa loob ng katawan niya, mas maganda ang kundisyon niya kumpara kay Delainey. Maliban sa maputla niyang mukha, walang ibang kakaiba sa kanya.Pagkatapos nito, agad na lumabas ang iba.Lahat ng ipinasok ni James sa Celestial Abode ay nasumpa. Ang mga katawan nila ay nagpapakita ng kakaibang senyales, at ang iba pa ay bedridden.Noong makita ito ni James, kumunot ang noo niyaLahat ng nasa Celestial Abode ay makapangyarihan na pigura, at ang pinakamalalakas sa Earth. Kahit na may ganito silang mga sintomas, ibig sabihin nito, mas malala ang sitwasyon sa Earth.Habang magkasalubong ang kilay ni Winnie, malagim siyang nagsalita, “Ama, ito ang kapangyarihan ng s
Sa ngayon, kailangan niya muna alisin ang mga sumpa sa mga tao sa Celestial Abode.Habang ginagamit ang Imperial Jade Seal, lumutan ito sa kalangitan at naglabas ng matinding puwersa na binalot ang buong village. Sa oras na ito, isang itim na usok ang lumabas sa mga katawan ng mga tao sa village at pumasok sa Imperial Jade Seal bago pumasok sa katawan ni James. Agad, nabalot ng itim na usok si James, at mabilis na naagnas ang balat niya.“Ama!”“James!”Matapos makita na naagnas ang katawan ni James, marami ang sumigaw. Ngunit, sapagkat nakakatakot ang aura na lumalabas sa katawan ni James, walang naglakas loob na lapitan siya.Naupo ng lotus position si James sa sahig. Matapos higupin ang sumpa ng maraming tao, nahihilo na siya at pakiramdam niya natutunaw ang balat niya. Hindi lang iyon, pero nararamdaman din niyang unti-unting humihina ang lakas niya. Kung magpapatuloy ito, magiging lumpo siya na walang cultivation base. Maaaring bago maubos ang lakas niya, matunaw muna ang katawan
Naniniwala si James na para matanggal ang sumpa, kailangan niyang magcultivate ng Curse Magic. Gayunpaman, wala siyang kaalam-alam tungkol sa Curse Magic. Kahit na nasa kanya ang kabuuan ng Curse Magic, halos imposible ito. Habang nakatingin sa lahat, nagsabi siya, "Nakabalik na tayo sa Earth. Sa kasalukuyan, nasa buwan tayo. Babalik na tayo sa Earth ngayon din."Nasabik ang lahat nang narinig nila ito. Para kay James, hindi naman mahaba ang panahong wala siya sa tahanan niya. Gayunpaman, para sa iba, tatlompung libong taon ang lumipas. Ang Earth and tirahan nila. Pagkatapos manatili nang tatlompung libong taon sa Celestial Abode, hindi sila makapaghintay na makauwi. Hindi nagtagal si James sa Celestial Abode. Habang umikot ang isipan niya, naglaho siya at lumitaw sa buwan. Sa sandaling lumitaw siya, sumama ang pakiramdam niya. Nahilo siya sa kapangyarihan ng sumpa at sumuka siya ng dugo. Namutla ang mukha niya. Nang ginamit niya ang Demonic Energy para pigilan ang mga sugat
Naglakad si James sa kalsadang walang katao-tao. Dumating siya sa isang kalye kung saan dating nakatayo ang Common Clinic. Dati itong isang masiglang daan, pero naging mapanglaw na ito ngayon. May ilang tao sa daan, pero lahat sila ay may sakit at para bang malapit nang mamatay. Huminga nang malalim si James. "Mukhang umikot na sa mundo ang Curse Magic at lahat na ng tao sa Earth ay naapektuhan na. Kailangan kong mag-isip ng paraan para matanggal ang sumpa. Kung hindi, hindi magtatagal ay katapusan na ng sangkatauhan."Pagkatapos bumuntong-hininga, binuksan ni James ang Celestial Abode at pinalabas ang lahat sa loob. Dahil nailipat kay James ang sumpa sa mga katawan nila, kasalukuyan silang malulusog. Nang nakita nila ang eksena sa daan, nanahimik sila. Sabi ni James, "Nakabalik na tayo sa Earth at tinanggal ko ang mga sumpa sa loob ng katawan niyo para ilipat sa'kin. Gawin niyo ang kahit na anong gusto niyo mula ngayon."Naglakad si Thomas papunta sa kanya at nagtanong, "Anong
Pagkatapos palabasin ang lahat mula sa Celestial Abode, umalis si James sa Cansington kasama nina Winnie at nagpunta sa Wyrmstead. Hindi masyadong malayo ang Wyrmstead mula sa Sol. Sa bilis ni James, makarating sila sa loob nang maikling oras. Gayunpaman, maraming hindi alam na rehiyon ang lumitaw sa Earth nang nawala sila. Mas napalayo nito ang distansya sa pagitan ng Sol at Wyrmstead. Kahit sa bilis niya, kailangan niya ng kalahating araw para maglakbay mula Cansington papuntang Wyrmstead. Maraming dekada ang lumipas at mas naging matao ang Dragonville na may mga skyscraper na tumotore sa langit. Nakarating sina James at Winnie sa Dragonville. Nang tinignan ni James ang nakapalibot na skyscraper at ang walang katao-taong kalsada, hindi niya napigilang mapabuntong-hininga, "Dahil kumalat na sa buong mundo ang Third Calamity, nananatili na ang lahat sa loob ng mga bahay nila. Takot silang maglakad sa labas.""Dad, pumunta muna tayo sa palasyo.""Mhm." Tumango si James. Nagtun
Nanigas si Quincy habang tinitigan niya si Winnie. Pagkatapos, bumuntong-hininga siya, "Naalala ko bata ka pa nang umalis ka. Sa isang kurap, matanda ka na. Kamukhang-kamukha mo ang nanay mo, napagkamalan ko pang ikaw siya."“Blergh!”Pagkatapos higupin ang sumpa ni Quincy, biglang sumuka ng dugo si James at bumagsak sa lapag bago hinimatay. “Dad!”“James!”Nataranta ang dalawa. Nagmadaling tumayo si Quincy at binuhat ang walang malay na si James papunta sa kama bago tinignan ang mga sugat niya. "W-Winnie, anong nangyari kay James?" Nag-aakalang nagtanong si Quincy. Nang may nag-aalalang ekspresyon, nagsabi si Winnie, "Kumalat na ang Third Calamity sa buong mundo at naapektuhan nito ang lahat ng tao sa Earth. Hinigop ni Dad ang sumpa para sa'tin at itinabi niya ito sa katawan niya. Ngayon lang, tinulungan ka rin niyang higupin ang sumpa mula sa'yo. Siguro ay di na'to nakayanan ng katawan niya kaya siya nawalan nang malay.""Ano?" sigaw ni Quincy. Pagkatapos, sinubukan ni
Alam ni James kung paano ayusin ang Third Calamity. Gayunpaman, nilarawan ang paraan sa kanya ng Ancestral Talisman Master, na nagbibigay siguro ng paliwanag mula sa sarili niyang pananaw. Para lutasin ang Third Calamity, kailangang narating ni James ang Ancestral God Rank, isang ranggong masyadong malayo para sa kanya. Sa ngayon, matatanggal niya lang ang sumpa ng ilang tao. Ngayong wala na siyang ibang maisip, nagpasya siyang hanapin ang custodian ng Chamber of Scriptures para makipag-usap sa kanya. "Winnie, manatili ka sa Wyrmstead. Aalis ako sandali.""Sige."Pagkatapos ibigay ni James ang utos niya, umalis siya ng Wyrmstead at pumunta ng Sol. Pagkatapos, nagtungo siya sa Mount Tai at pumasok sa kweba. Dahil maraming beses na siyang nagpunta sa Chamber of Scriptures, alam na niya ang daan rito. Nang dumating siya sa unang palapag ng Chamber of Scriptures, sumigaw siya habang kaharap ang isang bakanteng espasyo, "Ms. Custodian!"Umalingawngaw ang boses niya. Swoosh!Sa san