Hindi umamin o tumanggi ang custodian. Sinabi niya lang na, "Hindi mo kailangang malamang ang tungkol dito sa ngayon.""Paano pala natin matawawakasan ang Third Calamity ng sangkatauhan?" tanong ni James. Nalaman niya ang solusyon mula sa Ancestral Talisman Master. Gayunpaman, masyado pa siyang mahina. Hindi gagana ang paraang ito. Kakaunting tao lang ang maililigtas nito. Tinanong niya ngayon ang custodian dahil gusto niyang malaman kung anong sasabihin niya. Napaisip ang custodian. Pagkatapos ng isang sandali, sa wakas ay nagsalita rin siya, "Wala tayong paraan. Hindi matatanggal ang sumpa. Sa ngayon, ilang Grand Emperors ng sangkatauhan na nakatago ang gumagawa ng solusyon simula nang tinamaan sila ng sumpa.""Gumagawa ng solusyon? Anong klase ng solusyon?" Tanong ni James. Nagsabi ang custodian, "Sinasaliksik ng mga Grand Emperor na'to ang attributes ng kapangyarihan ng sumpa. Gusto nilang gumawa ng elixir na pipigil sa kapangyarihan ng sumpa."Pagkatapos marinig iyon,
Sa wakas ay gumaan na ang nag-aalalang puso ni James. "Siya nga pala, nasaan ang nanay ko?" tanong ni James.Maraming taon ang nakaraan, dinala niya rito ang nanay niya para hayaang linisin ng custodian ang Demonic Energy sa katawan niya. Sabi ng custodian, "Matagal nang naalis ang Demonic Energy sa katawan ni Xandra. Sa kasalukuyan, kulang ang sangkatauhan sa magagaling sa pakikipaglaban at si Xandra ay isang pambihirang henyo. Pagkatapos ng pag-uusap ng ilang seniors, pinadala siya sa isang misteryosong lokasyon. Nagcucultivate siya roon at hindi pa siya babalik." Nagtanong ulit si James, "Ligtas ba ang nanay ko?"Tumango ang custodian. "Mhm. Ligtas na ligtas siya."Nakahinga nang maluwag si James sa mga salita niya. "Iyon lang. Aalis na ako." Kumaway si James sa custodian. "Oh, siya nga pala." Nagtanong ang custodian, "Nang nagpunta ka sa Demon Realm at nakita mo si Xandros, anong sinabi niya sa'yo? Nagbigay ba siya ng panuto?"Ang pangunahing dahilan kung bakit pinada
"Sinong nandiyan?"Sa sandaling lumitaw si James, hinarang siya ng mga bantay. Ilang matatalim na longsword ang nakatutok sa kanya. Hindi naman malalakas ang mga bantay na ito. Ang mahihina ay nasa Herculean Rank habang ang malalakas ay nasa Mage Rank. Ang ganitong lebel ng lakas ay nakakatakot noon, pero masyado na silang mahina para sa mga mata ni James ngayon. "Gusto kong makita ang Young Master niyo."Nang tinutok ng demon guards ang mga espada nila kay James, hindi siya nanlaban. Sa halip, kalmado siyang nagsalita. "Anong pangalan mo? Iuulat ko ang pagbisita mo," sabi ng bantay. "James Caden," simpleng sabi ni James. Nang sinabi ni James ang dalawang salitang iyon, napaatras ang ilang mga bantay. Ang pangalang 'James Caden' ay kilala na sa buong kalawakan. Kahit na may hindi nakakakilala kay James, marinig niya rin ang dalawang salitang iyon. Ang dahilan dito ay ah James ang pinakamagaling na henyo sa Earth. Sa Four Calamities ng Earth, natanggap niya ang provide
Sa foyer, umupo si Marcello sa tabi ni James. Habang nakatingin sa kanya, hindi niya napigilang magtanong, "Nasaan ka ba talaga nitong mga nagdaang taon?"Nagpunta si James sa Demon Realm. Kumalat ang balita tungkol sa kanya sa buong Demon Realm. Gayunpaman, hindi bumalik si Marcello sa Demon Realm sa lahat ng mga taong iyon. Hindi rin nagsabi sa kanya ang pamilya niya tungkol kay James. Kaya hindi niya alam na lumitaw si James sa Demon Realm. Ngumiti si James at nagsabing, "Naglakbay ako sandali.""Naglakbay ka? Saan ka nagpunta?""Nagpunta ako sa Demon Realm."Walang tinago si James. "Sa Demon Realm?" Napatayo si Marcello sa gulat. "Oo." Isang boses ang nagmula sa labas ng pinto. Pagkatapos nito, isang lalaking naka-itim na balabal ang naglakad papasok. Siya si Jace Sterling. Lumapit si James at umupo sa tapat ng dalawa. Tinignan niya si James. Alam niyang lumitaw si James sa Demon Realm. Alam niya ring sa Demon Realm, natalo ulit ni James ang Young Master ng Hadean
Pagkatapos magulat, pinaalalahanan ni Marcello si James nang may seryosong ekspresyon, "James, wag mong sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. Kapag kumalat ang impormasyong ito, baka mapatay ka."Tumango si Jace at nagsabing, "Tama si Marcello. Sa'ting tatlo lang to. Kapag nalaman to ng makapangyarihang nilalang mula sa labas, katapusan mo na."Alam ito ni James. Kahit na ganun, hindi siya masyadong nag-aalala. Tumawa siya at nagsabing, "Marami akong hawak na kayamanan, kabilang na rito ang Infinity Stele at ang Five Elements of Genesis. Ang bawat isa sa mga iyon ay may potensyal na makatawag ng malalakas na nilalang para pag-awayan ito. Mayroon lang talagang seal sa Earth at hindi nakakapasok ang malalakas na nilalang na iyon mula sa labas. "Para makapasok sa Earth ang makapangyarihang nilalang na iyon mula sa labas, kailangang munang bumukas ang seal sa Earth. "At pagkatapos lang ng Four Calamities, doon lang tuluyang bubukas ang seal ng Earth. Sa ngayon, kakasimula pa lang
Pagkatapos marinig ang tungkol sa providence ng Third Calamity ng Earth, naging interesado si James. Tunay siyang naging interesado rito. Kinailangan niyang magtanong, "Totoo ba talaga ang sinabi mo?"Tumango si Jace at sumagot, "Pinakalat ito ng isang napakaprominenteng nilalang sa Demon Realm. Ang nilalang na ito ay ang dating Lord ng Demon Realm. Sa Primordial Age, isa na silang Grand Emperor."Pagkatapos marinig ni James ang mga sinabi niya, nahulaan niya ang pagkatao ng makapangyarihang iyon. Siya ang dating Lord of the Demon Realm, ang guro ni Henrik. Inisip ito sandali ni James, pagkatapos ay nagtanong, "Kailan lilitaw ang providence ng Third Calamity?"Mahinang umiling si Jace at nagsabing, "Iyon ang hindi ko alam. Gayunpaman, dahil lumitaw na ang Third Calamity ng sangkatauhan, malamang ay susunod na rin ang providence ng Third Calamity. Magtiyaga ka lang sa paghihintay.""Sige." Tumango si James. Determinado siyang nakuha ang providence ng Third Calamity. Leap out
"Tama ka. Ang providence na ito ay para sa buong kalawakan. Hindi lang ito para sa sangkatauhan.""Buksan mo ang lagusan, Emperor Tigranes."…Pinapakiusapan ng mga cultivator mula sa Demon Realm at iba pang mundo si Tigranes na buksan ang lagusan. Sa harap ng pakiusap nang napakaraming cultivators, napaisip si Tigranes. Pagkatapos itong pag-isipan, nagsabi siya, "Dahil gusto nitong pumunta sa Earth, hindi ko pwedeng hindi pansinin yan. Sige. Bubuksan ko ang lagusan papuntang Earth mula ngayon. Ang bawat isang nilalang na pwedeng makipaglaban para sa providence ay maaaring maglakbay sa Earth. "Pero, pwede lang silang pumunta roon para makipaglaban para sa providence. Kapag may cultivators na bumisita sa Earth nang may ibang intensyon, wag niyo kong sisihin sa pagiging malupit ko."Naging seryoso ang ekspresyon ni Tigranes. Binabalaan niya ang ilang nilalang na naroon na para bang tiyak na may ilang nag-iisip na gamitin ang pagkakataong ito na pumuslit sa Earth. Sa Earth, ma
Binuksan ng Hadean Clan ang lagusan papuntang Earth at sunod-sunod na naglakbay ang mga henyo mula sa iba't-ibang clan sa Demon Realm papuntang Earth. Kahit ang ilang mga henyo mula sa Mortal Dimension at Sage Dimension ng Demon Realm ay nag-iisip ng paraan para makapasok sa Divine Dimension nang may balak na maglakbay sa Earth mula sa lagusan. Samantala, lumitaw sa Divine Dimension ng Demon Realm ang malalakas na nilalang mula sa buong kalawakan at dumating sila sa Hadean Clan kasama ng mga henyo sa ilalim ng pagtuturo nila. Hindi nagtagal, napakaraming henyo ang papunta sa Earth. Sa Sage Dimension ng Demon Realm, isang kabundukan ang biglang nabiyak. Boom!Makapal ang hangin na may mga ulap ng alikabok. Isang babae ang nakatayo sa langit. Ang babae ay nakasuot ng itim na bestida at may hawak na itim na espada. Medyo kurbado ang dulo ng talim nito. Sumasayaw sa ere ang mahaba niyang buhok. May malamig na ekspresyon sa mukha niya. Iyon ay si Thea. Mabangis na nakikipag