Naglakad si James sa kalsadang walang katao-tao. Dumating siya sa isang kalye kung saan dating nakatayo ang Common Clinic. Dati itong isang masiglang daan, pero naging mapanglaw na ito ngayon. May ilang tao sa daan, pero lahat sila ay may sakit at para bang malapit nang mamatay. Huminga nang malalim si James. "Mukhang umikot na sa mundo ang Curse Magic at lahat na ng tao sa Earth ay naapektuhan na. Kailangan kong mag-isip ng paraan para matanggal ang sumpa. Kung hindi, hindi magtatagal ay katapusan na ng sangkatauhan."Pagkatapos bumuntong-hininga, binuksan ni James ang Celestial Abode at pinalabas ang lahat sa loob. Dahil nailipat kay James ang sumpa sa mga katawan nila, kasalukuyan silang malulusog. Nang nakita nila ang eksena sa daan, nanahimik sila. Sabi ni James, "Nakabalik na tayo sa Earth at tinanggal ko ang mga sumpa sa loob ng katawan niyo para ilipat sa'kin. Gawin niyo ang kahit na anong gusto niyo mula ngayon."Naglakad si Thomas papunta sa kanya at nagtanong, "Anong
Pagkatapos palabasin ang lahat mula sa Celestial Abode, umalis si James sa Cansington kasama nina Winnie at nagpunta sa Wyrmstead. Hindi masyadong malayo ang Wyrmstead mula sa Sol. Sa bilis ni James, makarating sila sa loob nang maikling oras. Gayunpaman, maraming hindi alam na rehiyon ang lumitaw sa Earth nang nawala sila. Mas napalayo nito ang distansya sa pagitan ng Sol at Wyrmstead. Kahit sa bilis niya, kailangan niya ng kalahating araw para maglakbay mula Cansington papuntang Wyrmstead. Maraming dekada ang lumipas at mas naging matao ang Dragonville na may mga skyscraper na tumotore sa langit. Nakarating sina James at Winnie sa Dragonville. Nang tinignan ni James ang nakapalibot na skyscraper at ang walang katao-taong kalsada, hindi niya napigilang mapabuntong-hininga, "Dahil kumalat na sa buong mundo ang Third Calamity, nananatili na ang lahat sa loob ng mga bahay nila. Takot silang maglakad sa labas.""Dad, pumunta muna tayo sa palasyo.""Mhm." Tumango si James. Nagtun
Nanigas si Quincy habang tinitigan niya si Winnie. Pagkatapos, bumuntong-hininga siya, "Naalala ko bata ka pa nang umalis ka. Sa isang kurap, matanda ka na. Kamukhang-kamukha mo ang nanay mo, napagkamalan ko pang ikaw siya."“Blergh!”Pagkatapos higupin ang sumpa ni Quincy, biglang sumuka ng dugo si James at bumagsak sa lapag bago hinimatay. “Dad!”“James!”Nataranta ang dalawa. Nagmadaling tumayo si Quincy at binuhat ang walang malay na si James papunta sa kama bago tinignan ang mga sugat niya. "W-Winnie, anong nangyari kay James?" Nag-aakalang nagtanong si Quincy. Nang may nag-aalalang ekspresyon, nagsabi si Winnie, "Kumalat na ang Third Calamity sa buong mundo at naapektuhan nito ang lahat ng tao sa Earth. Hinigop ni Dad ang sumpa para sa'tin at itinabi niya ito sa katawan niya. Ngayon lang, tinulungan ka rin niyang higupin ang sumpa mula sa'yo. Siguro ay di na'to nakayanan ng katawan niya kaya siya nawalan nang malay.""Ano?" sigaw ni Quincy. Pagkatapos, sinubukan ni
Alam ni James kung paano ayusin ang Third Calamity. Gayunpaman, nilarawan ang paraan sa kanya ng Ancestral Talisman Master, na nagbibigay siguro ng paliwanag mula sa sarili niyang pananaw. Para lutasin ang Third Calamity, kailangang narating ni James ang Ancestral God Rank, isang ranggong masyadong malayo para sa kanya. Sa ngayon, matatanggal niya lang ang sumpa ng ilang tao. Ngayong wala na siyang ibang maisip, nagpasya siyang hanapin ang custodian ng Chamber of Scriptures para makipag-usap sa kanya. "Winnie, manatili ka sa Wyrmstead. Aalis ako sandali.""Sige."Pagkatapos ibigay ni James ang utos niya, umalis siya ng Wyrmstead at pumunta ng Sol. Pagkatapos, nagtungo siya sa Mount Tai at pumasok sa kweba. Dahil maraming beses na siyang nagpunta sa Chamber of Scriptures, alam na niya ang daan rito. Nang dumating siya sa unang palapag ng Chamber of Scriptures, sumigaw siya habang kaharap ang isang bakanteng espasyo, "Ms. Custodian!"Umalingawngaw ang boses niya. Swoosh!Sa san
Hindi umamin o tumanggi ang custodian. Sinabi niya lang na, "Hindi mo kailangang malamang ang tungkol dito sa ngayon.""Paano pala natin matawawakasan ang Third Calamity ng sangkatauhan?" tanong ni James. Nalaman niya ang solusyon mula sa Ancestral Talisman Master. Gayunpaman, masyado pa siyang mahina. Hindi gagana ang paraang ito. Kakaunting tao lang ang maililigtas nito. Tinanong niya ngayon ang custodian dahil gusto niyang malaman kung anong sasabihin niya. Napaisip ang custodian. Pagkatapos ng isang sandali, sa wakas ay nagsalita rin siya, "Wala tayong paraan. Hindi matatanggal ang sumpa. Sa ngayon, ilang Grand Emperors ng sangkatauhan na nakatago ang gumagawa ng solusyon simula nang tinamaan sila ng sumpa.""Gumagawa ng solusyon? Anong klase ng solusyon?" Tanong ni James. Nagsabi ang custodian, "Sinasaliksik ng mga Grand Emperor na'to ang attributes ng kapangyarihan ng sumpa. Gusto nilang gumawa ng elixir na pipigil sa kapangyarihan ng sumpa."Pagkatapos marinig iyon,
Sa wakas ay gumaan na ang nag-aalalang puso ni James. "Siya nga pala, nasaan ang nanay ko?" tanong ni James.Maraming taon ang nakaraan, dinala niya rito ang nanay niya para hayaang linisin ng custodian ang Demonic Energy sa katawan niya. Sabi ng custodian, "Matagal nang naalis ang Demonic Energy sa katawan ni Xandra. Sa kasalukuyan, kulang ang sangkatauhan sa magagaling sa pakikipaglaban at si Xandra ay isang pambihirang henyo. Pagkatapos ng pag-uusap ng ilang seniors, pinadala siya sa isang misteryosong lokasyon. Nagcucultivate siya roon at hindi pa siya babalik." Nagtanong ulit si James, "Ligtas ba ang nanay ko?"Tumango ang custodian. "Mhm. Ligtas na ligtas siya."Nakahinga nang maluwag si James sa mga salita niya. "Iyon lang. Aalis na ako." Kumaway si James sa custodian. "Oh, siya nga pala." Nagtanong ang custodian, "Nang nagpunta ka sa Demon Realm at nakita mo si Xandros, anong sinabi niya sa'yo? Nagbigay ba siya ng panuto?"Ang pangunahing dahilan kung bakit pinada
"Sinong nandiyan?"Sa sandaling lumitaw si James, hinarang siya ng mga bantay. Ilang matatalim na longsword ang nakatutok sa kanya. Hindi naman malalakas ang mga bantay na ito. Ang mahihina ay nasa Herculean Rank habang ang malalakas ay nasa Mage Rank. Ang ganitong lebel ng lakas ay nakakatakot noon, pero masyado na silang mahina para sa mga mata ni James ngayon. "Gusto kong makita ang Young Master niyo."Nang tinutok ng demon guards ang mga espada nila kay James, hindi siya nanlaban. Sa halip, kalmado siyang nagsalita. "Anong pangalan mo? Iuulat ko ang pagbisita mo," sabi ng bantay. "James Caden," simpleng sabi ni James. Nang sinabi ni James ang dalawang salitang iyon, napaatras ang ilang mga bantay. Ang pangalang 'James Caden' ay kilala na sa buong kalawakan. Kahit na may hindi nakakakilala kay James, marinig niya rin ang dalawang salitang iyon. Ang dahilan dito ay ah James ang pinakamagaling na henyo sa Earth. Sa Four Calamities ng Earth, natanggap niya ang provide
Sa foyer, umupo si Marcello sa tabi ni James. Habang nakatingin sa kanya, hindi niya napigilang magtanong, "Nasaan ka ba talaga nitong mga nagdaang taon?"Nagpunta si James sa Demon Realm. Kumalat ang balita tungkol sa kanya sa buong Demon Realm. Gayunpaman, hindi bumalik si Marcello sa Demon Realm sa lahat ng mga taong iyon. Hindi rin nagsabi sa kanya ang pamilya niya tungkol kay James. Kaya hindi niya alam na lumitaw si James sa Demon Realm. Ngumiti si James at nagsabing, "Naglakbay ako sandali.""Naglakbay ka? Saan ka nagpunta?""Nagpunta ako sa Demon Realm."Walang tinago si James. "Sa Demon Realm?" Napatayo si Marcello sa gulat. "Oo." Isang boses ang nagmula sa labas ng pinto. Pagkatapos nito, isang lalaking naka-itim na balabal ang naglakad papasok. Siya si Jace Sterling. Lumapit si James at umupo sa tapat ng dalawa. Tinignan niya si James. Alam niyang lumitaw si James sa Demon Realm. Alam niya ring sa Demon Realm, natalo ulit ni James ang Young Master ng Hadean