Kabanata 2529
Kailan ba ito matatapos?

Hindi nagtagal, naging pula ang buhok ni Lucifer at isang pulang aura ang bumalot sa balat niya.

Habang hawak ang Imperial Weapon, umatake siyang muli.

Bumugso ang malakas na Sword Energy.

Nang nakita ito ni James, mabilis niyang pinagana ang Infinity Steles. Pero ngayon, tumalsik ito at bumagsak sa lapag.

Boom!

Nang bumagsak sa lapag ang Infinity Steles, yumanig ang arena kahit na hindi ito nasira.

Kinuha ni Lucifer ang pagkakataon para umatake. Tinulak niya papalayo ang paparating na Infinity Steles bago sinira ang formation na binuo nito.

Habang hawak ang Imperial Weapon, inatake niya si James.

Pumikit ang marami sa mga nanonood. Para sa kanila, natalo na si James.

Pinigilan nina Henrik at Qusai ang paghinga nila habang pinanood nilang maigi ang laban. Maski si Brielle ay halos napatayo sa upuan niya.

Sa pinakaimportanteng sandali, isang malakas na Sword Intent ang lumitaw mula sa loob ng katawan ni James. Bumukas ang pores ng
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP