Kabanata 2535
Nagsipulasan sa takot ang lahat ng mga tao sa tavern. Tanging ang babaeng naka-itim na bestida at may sumbrerong gawa sa kawayan na natatakpan ng belo ang mukha ang naiwang nakaupo sa inuupuan niya.

Sumugod ang grupo ng mga gwardiya at pinalibutan ang babaeng nakaitim na bestida.

Hindi natakot ang babae.

Sa sandaling iyon, isang lalaki ang naglakad papalapit. Mukha siyang nasa dalawampu't lima o dalawampu't anim na taong gulang. Nakasuot siya ng gintong balabal at may gwapong mukha. Lumapit siya, tinaas ang paa niya, at nilapag ito sa bangko.

Habang tinuturo ang babaeng nakaitim, malamig siyang nagsabi, "P*ta ka, talagang kinuha mo ang gamit ko. Kung alam mo ang makakabuti para sa'yo, ibigay mo na to. Kung hindi, imposible ka nang makaalis sa Bloomshire."

“Heh!”

Hindi natutuwang tumawa ang babaeng nakaitim. Iyon ay si Thea, na naglakbay mula sa Earth papunta sa Demon Realm.

Pagkarating niya sa Demon Realm, naglakbay si Thea habang naghahanap ng impormasyon tungkol kay Jame
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP