Tiyak na isang malaking bagay ang gamitin ang isang pekeng kasal para nakawin ang bodhi tree ng Labhrann Clan sa Mortal Dimension. Ang bodhi tree ay pinangalanang Spiritual Root ng Mortal Dimension. Kahit sa Divine Dimension, napakapambihira nito. Walang dudang isa itong napakahalagang kayamanan. Kahit na palakaibigan si James kay Txomin at pareho silang tao, hahabulin siya ng Labhrann kapag ninakaw niya ang bodhi tree. Higit pa roon, sobrang magsalita ang isang pekeng kasal para sa isang babae. Nang napansin ni Henrik ang pagdadalawang-isip ni James, pinakiusapan niya siya, "Mr. Caden, pag-isipan mo to. Ang pigilang masaktan ang isang babae o ang makapagligtas ng milyong-milyong buhay—alin ang mas mahalaga?" Pagkatapos sabihin iyon ni Henrik, nakapag-isip na si James. Tumingin siya sa kanya at nagtanong, "Ano ang plano mo?" Sabi ni Qusai, "Ang unang plano ay gaganapin ang kasal sa Mortal Dimension. Pagdating ng oras, maraming malalakas na cultivators ang tiyak na dadalo. H
Sabi ni James, "Tinanong ko si Ms. Sophie. Malala ang mga sugat niya. Hindi magandang ideya kung idadamay natin siya. Gusto niyang mag-imbestiga muna ako kung meron bang Quasi-Emperor na nagbabantay sa bodhi tree. Kung meron, kakalimutan natin to. Kung wala, pwede tayong kumilos." Nang marinig iyon, namroblema si Henrik. Tumayo siya, nagpabalik-balik sa malapit, at nagsabing, "Mag-imbestiga? Paano tayo mag-iimbestiga? Limitado ang kakayahan natin. Napakahirap na imbestigahan ang Labhrann Clan." Napaisip din si Qusai. Pagkatapos nito, bigla siyang may naisip. Sabi niya, "Mr. Caden, pwede mong tanungin si Brielle. Malapit mo na siyang pakasalan kaya pwede mong gamitin ang pagkakataong iyon para tanungin siya tungkol sa Labhrann Clan." Nabuhayan din si Henrik at nagsabing, "Oo nga. Bakit di ko naisip yun?" Marahang tumango si James at nagsabing, "Yun lang ang magagawa natin sa ngayon. Gayunpaman, hindi pwedeng ako ang lalapit kay Brielle. Kailangan kong maghintay sa kanya na lumap
Ngayon, gustong malaman ni James kung mayroong napakalakas na cultivators na nagbabantay malapit sa bodhi tree ng Labhrann Clan. Kung wala, pwede silang kumilos. Kung meron, makakansela ang plano nila. Makakansela rin ang kasal niya kay Brielle. "Mhm." Tumango si Brielle at nagsabing, "Sa harapan ng bodhi tree sa Mortal Dimension, mayroon ngang malakas na cultivator mula sa clan namin mula sa Divine Dimension na nakabantay roon." Palihim na nagulat si James. Hindi niya napigilang magtanong, "Sino sila? Gaano sila kalakas?" Sabi ni Brielle, "Narinig kong sinabi ng ama ko na isang Sect Elder ng clan namin mula sa Divine Dimension ang nagbabantay sa bodhi tree. Isa siyang makapangyarihang nilalang na nabuhay nang matagal na panahon at napakalakas niya." Nagtanong si James, "Gaano siya kalakas? Isa ba siyang Grand Emperor?" Umirap si Brielle at nagsabing, "Paanong magkakaroon ng ganun karaming Grand Emperor? Sinasabing isa siyang nilalang na nasa peak ng Third Stage ng Divine T
Nagsipulasan sa takot ang lahat ng mga tao sa tavern. Tanging ang babaeng naka-itim na bestida at may sumbrerong gawa sa kawayan na natatakpan ng belo ang mukha ang naiwang nakaupo sa inuupuan niya. Sumugod ang grupo ng mga gwardiya at pinalibutan ang babaeng nakaitim na bestida. Hindi natakot ang babae. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang naglakad papalapit. Mukha siyang nasa dalawampu't lima o dalawampu't anim na taong gulang. Nakasuot siya ng gintong balabal at may gwapong mukha. Lumapit siya, tinaas ang paa niya, at nilapag ito sa bangko. Habang tinuturo ang babaeng nakaitim, malamig siyang nagsabi, "P*ta ka, talagang kinuha mo ang gamit ko. Kung alam mo ang makakabuti para sa'yo, ibigay mo na to. Kung hindi, imposible ka nang makaalis sa Bloomshire." “Heh!”Hindi natutuwang tumawa ang babaeng nakaitim. Iyon ay si Thea, na naglakbay mula sa Earth papunta sa Demon Realm. Pagkarating niya sa Demon Realm, naglakbay si Thea habang naghahanap ng impormasyon tungkol kay Jame
Hindi nag-ingat si Thea at nahulog siya sa patibong ng lalaki. Kilala ang lalaking ito sa Mortal Dimension ng Demon Realm. Isa siyang mahalagang miyembro ng Golden Snakes Clan. Ang ama niya ay ang Clan Leader. Higit pa roon, napakalakas niya. Nasa peak ng Third Stage ng Tribulation Rank siya at isang hakbang na lang mula sa Sage Rank. Kilala siya bilang Lord Goldenbane..Malawak ang impluwensya ng Golden Snakes Clan. Ang Bloomshire ay ang teritoryo ng Golden Snakes Clan. Tinamaan si Thea at tumalsik ang katawan niya. Pagkatapos nito, mabilis na sumugod si Lord Goldenbane sa kanya at pinatamaan ang meridians niya para isara ang cultivation base niya. Tumayo siya sa tabi at tumingin pababa kay Thea na nakahiga sa lapag. Habang tinignan niya ang maganda at nakakaakit niyang mukha, bumilis ang tibok ng puso niya. Nakakita na siya ng magagandang babae, pero hindi pa siya nakakita ng kasing ganda niya. "Kunin niyo siya," utos ni Lord Goldenbane. "Masusunod."Lumapit ang ilang
Malaki ang ngiti ni Lord Goldenbane. Mula sa pananaw niya, hindi makakawala si Thea sa mga kamay niya. Nang narinig ni Thea ang mga salita niya, bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi siya natatakot na mamatay, pero marami pa siyang kailangang gawin. "Mag-isip kang mabuti. Pagkatapos mo tong pag-isipan, ibibigay ko sa'yo ang antidote." Tumawa si Lord Goldenbane, pagkatapos ay tumalikod at umalis. Sa kabilang banda, napaisip nang malalim si Thea. Noong nasa Earth siya, mayroon siyang Demonic Body. Sa katawan niya, may apat na klase ng Demonic Bloody. Hindi siya natatakot sa mga simpleng lason, kahit na nalinis na ang Demonic Energy sa katawan niya, sobrang nakakatakot ang dugo ng Four Holy Beasts sa loob ng katawan niya. Hindi siya natatakot sa normal na lason. Gayunpaman, sugatan ang katawan niya. Hindi siya makawala sa seal sa katawan niya. Sa ngayon, ang magagawa niya lang ay ang magkompromiso. Sa sandaling ito, nakarating si Lord Goldenbane sa tuktok ng Mount Golden
Pagkatapos pumayag si Thea na pakasalan siya, sabik na sabik si Lord Goldenbane. Ang orihinal niyang anyo ay sa isang ahas at likas sa kanya ang pagiging babaero. Gayunpaman, hindi niya gustong ikasal sa kahit na sino. Nang nakita niya si Thea, bigla siyang nagkagustong maikasal. Para magsagawa ng isang engrandeng kasal, nagsimula siyang magpadala ng mga imbitasyon. Inimbitahan niya ang lahat ng prominenteng tao sa Mortal Dimension. Nakatakda na rin ang petsa ng kasal. Gaganapin ito pagkalipas ng sampung araw. Pagkatapos napagpasyahan ang petsa ng kasal, pumunta siya kay Thea at sinabi sa kanya ang tungkol dito. "Babe, ano sa tingin mo?" tanong niya. Kasalukuyang nakasara ang lakas ni Thea. Wala siyang magagawa kundi tanggapin ito. Mahina siyang tumango at nagsabing, "Ikaw ang bahala." "Babe, gusto kong…" Tumingin siya kay Thea, na isang napakagandang babae, nang may mapaghangad na ekspresyon. Hindi niya napigilang dilaan ang mga tuyo niyang labi habang nakatitig siya s
"Babe, nandito na ako." Pumasok si Lord Goldenbane. Sa sandaling pumasok siya sa kwarto, sumugod siya kay Thea at tinulak siya sa kama. Sa sandaling hinawakan niya si Thea, napansin niyang basa ang buo niyang katawan. "Babe, ikaw… Anong nangyari sa'yo?" Medyo nabigla siya. Pagkatapos nito, para bang may naisip siya at bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. "S-Sinusubukan mong makawala sa seal?" sigaw niya, pagkatapos ay tumawa. "Babe, wala kang magagawa. Wag kang magsayang ng lakas mo. Ito ang natatanging sealing technique ng clan ko. Kahit ang mga cultivator na may mas mataas na rank ay hindi kayang makawala sa seal, paano pa kaya kung ikaw?" Tinanggal niya ang belo mula sa mukha ni Thea. Kasalukuyang basa ng pawis si Thea. Basang-basa ang mga damit niya at nagmukha siyang kaakit-akit. Tinignan ni Lord Goldenbane si Thea. Dumikit ang mga damit niya sa balat niya at pinakita nito ang magandang hubog ng katawan niya. Hindi niya napigilang mahumaling. "Talagang walang kapan