Kabanata 2449
Isang tao at dalawang halimaw ang naglalaban.

Ang tao ay isang lalaking nakasuot ng kulay abong balabal at may hawak na isang espada. Nagmumula sa kanyang espada ang napakalakas na enerhiya.

Samantala, ang dalawang halimaw, ay mga nilalang na ngayon pa lamang nakita ni James.

Ang isa sa mga halimaw ay kahawig ng isang butiki. Nasa halos isang kilometro ang haba ng katawan nito. Balot ng mga itim na kaliskis ang katawan nito at may isang pares ng mga itim na pakpak ang tumutubo sa likod nito.

Yung isang halimaw naman ay mistulang isang dambuhalang orangutan. Ilang libong metro ang taas nito at puno ito ng pulang balahibo. Mabangis at nakakatakot ang itsura nito.

Napakatindi ng naging laban ng tatlo sa lugar. Napakabigat ng paligid, at nawasak ng mga atake nila ang buong paligid.

Kahit na nanonood mula sa malayo si James at pinoprotektahan siya ng enerhiya ni Sophie, nayanig pa rin siya ng labanan nila.

Kung wala ang proteksyon ni Sophie, hindi siya makakatayo ng tuwid.

"
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP