Milagrosong gamit ang Crucifier.Sa tulong ng Crucifier at ng True Essence niya, magagawa iligtas ni James kahit ang nasa bingit na ng kamatayan. Kumpiyansa siyang kaya niya gamutin ang kahit na sino basta humihinga pa sila.Matapos makumpirma ni James ng destinasyon niya, mabilis niyang nilisan ang labi ng pinaglabanan at tumungo sa lungsod na sinabi ni Sophie.Sa pagkakataong ito, lumipad siya sa ere gamit ang buong lakas niya.Matapos ang isang buwan, nakaalis na siya.Base sa sinabi ni Sophie, malapit lang ang Grandwych. Ilang araw lamang at makakarating siya doon kung lilipad siya sa todong bilis.Nagmadali si James patungo sa destinasyon niya. Matapos ang limang araw, isang engrandeng lungsod ang nakita niya.Kakaiba ang lungsod na ito. Wala itong mga pader, at ang mga gusali ay hindi katulad ng mga pamilyar sa Earth. Mga bundok sila na tila mga gusali na may mga kuweba sa gilid.“I-Ito ang Grandwych?”Tinignan ni James ang mala-bundok na gusali sa harapan niya. Iisipin niyang na
Naging dominante si James sapagkat nakatira siya ngayon sa Demon Realm.Kahit na mababa ang rank niya, makukunsidera siyang kahanga-hanga sa Demon Realm’s Mortal Dimension.Hindi niya kailangan magpakababa.“Ha.”Nainis bigla ang babae at sinabi, “Tignan mo itong nagmamataas na ito. Irerehistro ko lang ang pangalan mo bilang formality. Kung hindi, sa tingin mo ba magkakaroon ka ng pagkakataon na gamutin ang master ko? Ang lahat ng mga magagaling na doktor ay nagtipon dito. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kahit na pumila ka pa dito. Gayunpaman, paano naisip ng mahinang katulad mo na nararapat ka gamutin ang master ko?”Malakas ang babae. Hindi itinago ni James ang enerhiya niya o itinago ang cultivation rank niya.Sa isang sulyap lang, alam agad ng babae na nasa Immortal Ascension’s Seventh Stair pa lang siya.Hindi gusto pag-aksayahan ng oras ng babaeng ito ang isang mahinang nilalang.Simula ng ianunsiyo ng master niya ang kundisyon niya, maraming tao ang naparito para gamitin ang
Sinuri ng mabuti ni James ang mukhani Henrik.Kahit na hindi nakikilala ni James si Henrik, kilala siya nito.Sinabi ni Henrik na may nagpaalam sa kanya sa kung sino si James.Sino ba talaga ang informant niya?Ito ang unang beses niyang bumisita sa Demon Realm. Isang tao lang sa Earth ang nakakaalam na nagpunta siya sa Demon Realm, at ito ang custodian ng chamber of Scriptures.Hindi pinaghihinalaan ni James na nagmula ang impormasyon niya sa custodian ng Chamber of Scriptures kung saan umabot ang impormasyon niya dito.Wala siyang contact sa Demon Realm.Kung iisipin, kilala niya si Marcello at Jace, pero nasa Earth pa sila. Kaya, hindi nila malalaman na nagpunta siya sa Demon Realm.Maingat si James kay Henrik.Samantalang si Henrik, lumapit kay James at umakbay sa kanya. Habang palakaibigan ang ngiti niya, nagsalita siya, “Hindi mo kailangan maging maingat, Mr. Caden. Hindi ako naparito para saktan ka at gusto ko lang na maging magkaibigan tayo.”Ang ugali niya ay tila matagal na k
Noong naabot nila ang tuktok ng bundok, isang grupo ng mga guwardiya ang nagmadaling lumapit sa kanila.Ang nauunang lalake ay nasa 40 taong gulang. Malaking tao siya na medyo maiitim at nakasuot ng bughaw na robe.“Anong dahilan at naparito ka, Sir Henrik?”Habang galit ang eksrepsyon, sumagot si Henrik, “Anong problema? Mali ba na nandito ako?”“H-Hindi sa ganoon, hindi ganoon ang ibig ko sabihin. Ang ibig ko sabihin bakit hindi mo ako sinabihan agad para nakapaghanda ako sa pagdating mo.”Kumaway lan si Henrik at sinabi, “Hindi na kailangan. Naparito ako kasama ang kaibigan ko. Naparito siya ng personal para gamutin ka, Yalerad. Dapat kang matuwa. Ano pa ang ginagawa mo? Bilisan mo at batiin si Mr. Caden.”Ang lalakeng lumapit sa kanila ay ang may-ari ng Triple Star Cave Mansion, si Yalerad.Sinulyapan ni Yalerad si James at hindi kinalimutan ang presensiya niya. Yumuko siya ng kaunti at binati siya, “M-Mr. Caden, dito po tayo.”Nabigla si James.Napalaki ng awtoridad ni Henrik. Kah
“Oo, siyempre! Agad agad!”Hindi sinuway ni Yalerad ang utos ni Henrik.Agad, may kuminang sa palad niya, at isang bote ang nagpakita. Isa itong transparent na bote na may ginintuang pill sa loob.Maliit ito at kasinglaki ng hinlalaki.Dahan-dahan na inilabas ni Yalerad ang pill at magalang itong iniabot kay James. “Ito ang divine pill na iniwan ng ninuno ko. Ang isang tao na mas mababa sa Sage Rank ay kayang pataasin ang cultivation ng isang rank kapag ininom ito.”Kuntentong kinuha ni James ang divine pill. May kaunting init ito at may mabangong halimuyak. Nakramdam siya ng kakaibang lakas mula dito.Hindi niya ito agad na ininom, itinago niya muna ito.Matapos ibigay ang divine pill kay James, nasasabik na tinignan ni Yalerad si James.Alam ni James ang gusto niya kaya agad niyang sinabi, “Susuriin ko muna ang mga pinsala mo.”“Sige!” natuwa si Yalerad.Nagsimula si James sa pagsuri sa pinsala ni Yalerad.Mabilis natapos ang pagsusuri.Kahit na mukhang malusog si Yalerad, puno ng pi
Ipinasok ni James ang ikalawa at ikatlong karayom.…Patuloy siya sa pagpasok ng mga karayom hanggang sa 81 na karayom ang nakatusok sa katawan niya.Ngunit, hindi sapat na ang Crucifier lang para gamutin ang mga pinsala ni Yalerad. Kahit na kahanga-hanga ang Crucifier, napinsalaan si Yalerad ng Heavenly Tribulation. Ang paggamot sa mga pinsala niya ay nangangailangan ng isa pang hakbang, ang salinan siya ng True Essence.Ginamit ni James ang True Essence niya at pinadaloy ito sa 81 na karayom. Nabuhay ang milagrosong abilidad ng Crucifier at dumaloy ito sa katawan ni Yalerad at ginamot ang mga matitindi niyang pinsala.Inabot ng kalahating oras ang buong proseso.Matapos ito, inilabas ni James ang mga karayom. Nabigla si Yalerad sa epekto ng pang gagamot at sinabi, “Kahanga-hanga! Hindi ko inaasahan na may ganito pang klase ng kayamanan sa mundo. Matapos ang pang gagamot, naghilom na ng husto ang mga pinsala ko.”Nag thumbs up si Henrik kay James at pinuri siya, “Maabilidad ka, Mr. C
Kakaiba ang ugali ni Henrik.Hindi pa nakikilala ni James ang isang tulad niya noon at lalo lang siyang nalilito sa kanya. 'Ano ba talaga ang gusto niya?'Gayunpaman, nagpigil siya sa pagtatanong, nang makitang ayaw ni Henrik na magpaliwanag pa.Kaya, iniba ni James ang paksa at nagtanong, "Kung gayon, sabihin mo sa akin, saan tayo susunod?"Agad na lumiwanag ang chubby na mukha ni Henrik habang excited na sinabi, “Malinaw, bibisita tayo sa Labhrann Clan!"“Huh?” Sinulyapan siya ni James at nagtanong, “Ano ang Labhrann Clan? Bakit tayo pupunta doon?"Ngumiti si Henrik at sinabing, “Sa palagay ko marahil ay hindi mo alam, Mr. Caden. Kaya, ang Labhrann Clan ay kabilang sa mga pinakasikat na clans sa Demon Realm. Hindi lang sila may mga miyembro sa Mortal na Dimensyon. Ang kanilang mga tao ay nakakalat din sa paligid ng Sage at Divine Dimensions. Sa madaling salita, ang Labhrann Clan ay nalampasan lamang ng Azurean Clan at Hadean Clan.“Isang Labhrann Clan girl na nagngangalang Bri
Humingi ng kumpirmasyon si James kay Sophie na nakikinig mula sa Celestial Abode.""Totoo ba ito, Ms. Sophie?”Kanina pa pinagmamasdan ni Sophie si James at alam niya kung sino ang nakasalubong niya sa daan. Sumagot siya sa kanya, "Dapat totoo.""Anong ibig mong sabihin?"Sumagot si Sophie, “Mula sa aking pagkaunawa, mayroong isang Sagradong Puno na tulad niyan sa sansinukob na ito. Ang isa sa mga bunga nito ay may kakayahang pasukin ang isa sa Divine Rank. Gayunpaman, maraming mga powerhouse ang nagmadali upang makuha ito dahil sa mga kamangha-manghang katangian nito. Sa huli, ang mga pagbanggit nito ay nawala sa kasaysayan.""Ang sketchy cultivator na ito ay may hindi pangkaraniwang background. Malamang totoo ang sinasabi niya. Ang puno ng bodhi ay posibleng bahagi ng Sagradong Puno.""Ganoon ba?"Napahawak si James sa baba at napaisip.Isinasantabi ang katotohanan na ang pinagsama-samang kayamanan ay maaaring magpataas ng isa sa Divine Rank, ang kakayahan ng prutas na payaga