Anim na taong nasa Demon Realm si James.Pinanood niya ang matinding labanan sa pagitan ng tatlong powerhouse para sa nakatagong Sword Energy sa unang tatlong taon.Sa sumunod na tatlong taon, naglakad siya sa labi ng labanan at nagcultivate. Matapos ang tatlong taon, ang cultivation rank niya ay umabot na sa Immortal Ascension’s Seventh Stair, at ang pisikal na lakas niya ay nasa kalagitnaang ng Mage Rank’s First Stage.Ang pisikal na lakas niya ay makapaminsala.“Gaano katagal pa bago ako makalampas sa lugar na ito, Ms. Sophie?”Narinig niya ang boses ni Sophie mula sa Celestial Abode, “Nasa gitna ka ng kawalan ng Demon Realm’s Mortal Dimension. Napakalawak ng lugar na iyan. Base sa kasalukuyan na lakas mo, matagal pa bago ka makaalis. Ngunit, hindi mo kailangan magmadali, hindi naman mahalaga kung saan ka magcultivate.”Sumagot si James, “… Pero ang tagal ko na dito sa Demon Realm, nag-aalala ako na baka maganap na ang Third Calamity sa Earth.”“Hindi mo kailangan mag-alala. Hindi p
“Siyempre.”Narinig ni James ang boses ni Sophie mula sa Celestial Abode, “Huwag mo kalimutan kung sino ang gumawa ng Supernatural Power na ito. Siya nga naman ang isa sa Ancestral Gods. Bukod pa doon, ang Elemental Inversion ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Ang natutunan mo pa lang ay mga basic na bagay.”“Kapag naging Grand Emperor ka na at naintindihan ang kapangyarihan ng Five Elements of Genesis, makakapaglabas ka ng kapangyarihan na kayang sumira ng mundo gamit ang Elemental Inversion.”Kahit na hindi maintindihan ni James ang kapangyarihan ng Five Elements of Genesis, nacultivate niya ang True Elemental Essence ay kayang gawin ang Elemental Inversion. Ito ay para mapalakas ng husto ang kapangyarihan niya.Ang kasalukuyan na cultivation rank niya ay nasa Immortal Ascension’s Seventh Stage, pero ang lakas na kaya niyang abutin ay higit sa Tribulation Rank at kayang pukawin ang atensyon ng Tribulation Clouds sa tulong ng Elemental Inversion.Magagawa niyang makapagpalabas ng m
Milagrosong gamit ang Crucifier.Sa tulong ng Crucifier at ng True Essence niya, magagawa iligtas ni James kahit ang nasa bingit na ng kamatayan. Kumpiyansa siyang kaya niya gamutin ang kahit na sino basta humihinga pa sila.Matapos makumpirma ni James ng destinasyon niya, mabilis niyang nilisan ang labi ng pinaglabanan at tumungo sa lungsod na sinabi ni Sophie.Sa pagkakataong ito, lumipad siya sa ere gamit ang buong lakas niya.Matapos ang isang buwan, nakaalis na siya.Base sa sinabi ni Sophie, malapit lang ang Grandwych. Ilang araw lamang at makakarating siya doon kung lilipad siya sa todong bilis.Nagmadali si James patungo sa destinasyon niya. Matapos ang limang araw, isang engrandeng lungsod ang nakita niya.Kakaiba ang lungsod na ito. Wala itong mga pader, at ang mga gusali ay hindi katulad ng mga pamilyar sa Earth. Mga bundok sila na tila mga gusali na may mga kuweba sa gilid.“I-Ito ang Grandwych?”Tinignan ni James ang mala-bundok na gusali sa harapan niya. Iisipin niyang na
Naging dominante si James sapagkat nakatira siya ngayon sa Demon Realm.Kahit na mababa ang rank niya, makukunsidera siyang kahanga-hanga sa Demon Realm’s Mortal Dimension.Hindi niya kailangan magpakababa.“Ha.”Nainis bigla ang babae at sinabi, “Tignan mo itong nagmamataas na ito. Irerehistro ko lang ang pangalan mo bilang formality. Kung hindi, sa tingin mo ba magkakaroon ka ng pagkakataon na gamutin ang master ko? Ang lahat ng mga magagaling na doktor ay nagtipon dito. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kahit na pumila ka pa dito. Gayunpaman, paano naisip ng mahinang katulad mo na nararapat ka gamutin ang master ko?”Malakas ang babae. Hindi itinago ni James ang enerhiya niya o itinago ang cultivation rank niya.Sa isang sulyap lang, alam agad ng babae na nasa Immortal Ascension’s Seventh Stair pa lang siya.Hindi gusto pag-aksayahan ng oras ng babaeng ito ang isang mahinang nilalang.Simula ng ianunsiyo ng master niya ang kundisyon niya, maraming tao ang naparito para gamitin ang
Sinuri ng mabuti ni James ang mukhani Henrik.Kahit na hindi nakikilala ni James si Henrik, kilala siya nito.Sinabi ni Henrik na may nagpaalam sa kanya sa kung sino si James.Sino ba talaga ang informant niya?Ito ang unang beses niyang bumisita sa Demon Realm. Isang tao lang sa Earth ang nakakaalam na nagpunta siya sa Demon Realm, at ito ang custodian ng chamber of Scriptures.Hindi pinaghihinalaan ni James na nagmula ang impormasyon niya sa custodian ng Chamber of Scriptures kung saan umabot ang impormasyon niya dito.Wala siyang contact sa Demon Realm.Kung iisipin, kilala niya si Marcello at Jace, pero nasa Earth pa sila. Kaya, hindi nila malalaman na nagpunta siya sa Demon Realm.Maingat si James kay Henrik.Samantalang si Henrik, lumapit kay James at umakbay sa kanya. Habang palakaibigan ang ngiti niya, nagsalita siya, “Hindi mo kailangan maging maingat, Mr. Caden. Hindi ako naparito para saktan ka at gusto ko lang na maging magkaibigan tayo.”Ang ugali niya ay tila matagal na k
Noong naabot nila ang tuktok ng bundok, isang grupo ng mga guwardiya ang nagmadaling lumapit sa kanila.Ang nauunang lalake ay nasa 40 taong gulang. Malaking tao siya na medyo maiitim at nakasuot ng bughaw na robe.“Anong dahilan at naparito ka, Sir Henrik?”Habang galit ang eksrepsyon, sumagot si Henrik, “Anong problema? Mali ba na nandito ako?”“H-Hindi sa ganoon, hindi ganoon ang ibig ko sabihin. Ang ibig ko sabihin bakit hindi mo ako sinabihan agad para nakapaghanda ako sa pagdating mo.”Kumaway lan si Henrik at sinabi, “Hindi na kailangan. Naparito ako kasama ang kaibigan ko. Naparito siya ng personal para gamutin ka, Yalerad. Dapat kang matuwa. Ano pa ang ginagawa mo? Bilisan mo at batiin si Mr. Caden.”Ang lalakeng lumapit sa kanila ay ang may-ari ng Triple Star Cave Mansion, si Yalerad.Sinulyapan ni Yalerad si James at hindi kinalimutan ang presensiya niya. Yumuko siya ng kaunti at binati siya, “M-Mr. Caden, dito po tayo.”Nabigla si James.Napalaki ng awtoridad ni Henrik. Kah
“Oo, siyempre! Agad agad!”Hindi sinuway ni Yalerad ang utos ni Henrik.Agad, may kuminang sa palad niya, at isang bote ang nagpakita. Isa itong transparent na bote na may ginintuang pill sa loob.Maliit ito at kasinglaki ng hinlalaki.Dahan-dahan na inilabas ni Yalerad ang pill at magalang itong iniabot kay James. “Ito ang divine pill na iniwan ng ninuno ko. Ang isang tao na mas mababa sa Sage Rank ay kayang pataasin ang cultivation ng isang rank kapag ininom ito.”Kuntentong kinuha ni James ang divine pill. May kaunting init ito at may mabangong halimuyak. Nakramdam siya ng kakaibang lakas mula dito.Hindi niya ito agad na ininom, itinago niya muna ito.Matapos ibigay ang divine pill kay James, nasasabik na tinignan ni Yalerad si James.Alam ni James ang gusto niya kaya agad niyang sinabi, “Susuriin ko muna ang mga pinsala mo.”“Sige!” natuwa si Yalerad.Nagsimula si James sa pagsuri sa pinsala ni Yalerad.Mabilis natapos ang pagsusuri.Kahit na mukhang malusog si Yalerad, puno ng pi
Ipinasok ni James ang ikalawa at ikatlong karayom.…Patuloy siya sa pagpasok ng mga karayom hanggang sa 81 na karayom ang nakatusok sa katawan niya.Ngunit, hindi sapat na ang Crucifier lang para gamutin ang mga pinsala ni Yalerad. Kahit na kahanga-hanga ang Crucifier, napinsalaan si Yalerad ng Heavenly Tribulation. Ang paggamot sa mga pinsala niya ay nangangailangan ng isa pang hakbang, ang salinan siya ng True Essence.Ginamit ni James ang True Essence niya at pinadaloy ito sa 81 na karayom. Nabuhay ang milagrosong abilidad ng Crucifier at dumaloy ito sa katawan ni Yalerad at ginamot ang mga matitindi niyang pinsala.Inabot ng kalahating oras ang buong proseso.Matapos ito, inilabas ni James ang mga karayom. Nabigla si Yalerad sa epekto ng pang gagamot at sinabi, “Kahanga-hanga! Hindi ko inaasahan na may ganito pang klase ng kayamanan sa mundo. Matapos ang pang gagamot, naghilom na ng husto ang mga pinsala ko.”Nag thumbs up si Henrik kay James at pinuri siya, “Maabilidad ka, Mr. C