Bahagyang tumango ang custodian at sinabing, "Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga demonyo. Noong sinaunang panahon, sinakop nila ang Earth upang pagbuklurin ang universe. Ginawa nila iyon ayon sa Heavenly Path. Nalaman ng Ten Emperors ang tungkol sa mga batas ng Heavenly Path at kumampi sila sa mga demonyo."Naging interesado si James sa paglalarawan ng custodian sa mga kaganapan noong sinaunang panahon. "Ms. Custodian, bakit inatake ng mga demonyo ang Earth at bakit kumampi ang Ten Emperors sa mga demonyo?" Umiling ang custodian at sinabing, "Hindi ako sigurado sa mga dahilan sa likod ng mga pangyayaring ito. Ang tanging alam ko lang ay may kinalaman ito sa pinakatatagong sikreto ng Earth at may kinalaman ito sa pinagmulan ng Earth at ng universe. Kumikilos lamang ang mga demonyo ayon sa kagustuhan ng Heavenly Path. Kahit na hindi kumilos ang mga demonyo, mamamatay pa rin ang mga powerhouse ng universe, at maisi-seal pa rin ang Earth.""Ang lahat nang ito ay ayon sa kagustuh
Naasikaso na ni James ang lahat ng kailangan niyang asikasuhin sa Earth.Nangako si Lucifer na hindi aatakihin ng mga halimaw ang mga tao sa susunod na 10,000 taon.Sa kasamaang-palad, nakuha niya ang atensyon ng maraming mga powerhouse noong nakuha niya ang Four Elements of Genesis. Kaya naman, pinapasok niya ang lahat ng may koneksyon sa kanya sa Celestial Abode.Ngayon, wala na siyang kailangang alalahanin sa Earth.Tungkol naman kay Thea, sinabi sa kanya ng custodian na nagmemeditate siya sa isang tagong lugar. Kahit na hindi sigurado si James kung nasaan ba talaga si Thea, panatag ang loob niya dahil alam niya na binabantayan ng custodian si Thea. Tumingin si James sa magandang custodian at sinabing, "Handa na ako, Ms. Custodian. Pakiusap dalhin mo ako sa Demon Realm.""Sige." Tumango ang custodian. Dinala niya si James palabas ng Chamber of Scriptures. Tumayo sa tuktok ng bundok ang custodian. Sumasayaw sa hangin ang mahaba't kulay itim niyang buhok habang dumadaloy pa
Siniguro sa kanya ni Sophie at ng custodian ng Chamber of Scriptures na matagal pa bago maganap ang Third Calamity sa Earth. Kaya naman, marami siyang oras para magcultivate. Kailangan niyang maging mas malakas upang mapigilan ang parating na Third Calamity. Muling tumingin si James sa kanyang paligid.Ito ang unang pagkakataon na nakarating si James sa Demon Realm, at kaunti lang ang alam niya tungkol dito. Wala siyang ideya tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa Demon Realm, at hindi rin niya alam kung nasaan siya.Pagkatapos niyang magmasid sa paligid, nagdesisyon siyang maglakbay sa isang direksyon.Hindi nagtagal bago siya nakarinig ng ingay.Boom!Biglang nagkaroon ng malaking pagsabog sa harap niya. Yumanig ang lupa, at gumuho ang bundok sa isang iglap.Kasunod ng pagsabog, isang nakakatakot na pwersa ang bumugso papunta sa kanya ng gaya ng isang tsunami.“Anong nangyayari?”Naramdaman ni James ang napakalakas na pwersa at napaatras siya sa takot.Kahit na mabilis siyan
Tumayo sa tuktok ng Seven Realms at maging pinakamalakas sa kalawakan?Nabuhay ang dugo ni James sa mga sinabi ni Sophie. Inaabangan din niya ang araw na iyon. Kapag nangyari talaga iyon, malaya niyang malalakbay ang pinakatatagong sikreto ng kalawakan habang nabubuhay siya. "Oo nga pala, gaano kalaki ang Demon Realm, Ms. Sophie?" Ang tanong ni James. Sumagot si Sophie gamit ng isa pang tanong, "Sa tingin mo gaano kalaki ang kabuuan ng Earth?" Nag-isip sandali si James. Hindi gaanong kalaki ang Earth. Subalit, nakaseal ang malaking bahagi ng Earth. Mayroong 3000 mga seal, at maraming mga Sealed Realm ang nasa kabila ng mga seal na ito. Ang bawat Sealed Realm ay mas malaki ng ilang beses kaysa sa Earth. Ang ilan sa mga ito ay 10,000 beses na mas malaki kaysa sa Earth. Sa oras na mabuksan ang mga seal, lalaki nang husto ang lupain ng Earth. Hindi maisip ni James kung gaano ba talaga kalaki ang Earth. Umiling siya at sumagot, "Hindi ko alam."Ang sabi ni Sophie, “A
Kahit na mapanganib para sa mga tao ang paligid sa kasalukuyan, determinado si James na mapagtagumpayan ito.“Oo nga pala…” Biglang may naisip si James at nagtanong siya, “Ano ang rank ng mga powerhouse na naglalaban kanina? Nakakatakot ang kinalabasan ng laban nila! Winasak nila ang lahat ng nahagip ng mga pwersa nila.”Ang sagot ni Sophie, “Isa itong labanan sa pagitan ng mga powerhouse na nasa Third Stage ng Divine Rank. Malapit nang maging mga Grand Emperor ang mga indibidwal na ‘yun. Mukhang may ilan sa kanila ang naggagala sa lugar ngayon. Posibleng mayroong kayamanan na sumulpot sa lugar, dahilan upang magsulputan ang mga powerhouse na ito dito at maglaban para dito.”“Nasa Third Stage na sila ng Divine Rank at malapit na silang maging mga Grand Emperor?”Huminga ng malalim si James.“Hindi ba nasa Mortal Dimension tayo? Bakit may mga powerhouse mula sa Divine Dimension dito?”“Hindi ako sigurado, pero mag-iingat ka. Puno ng panganib ang lugar na ‘to, at maaari kang mamata
Isang tao at dalawang halimaw ang naglalaban. Ang tao ay isang lalaking nakasuot ng kulay abong balabal at may hawak na isang espada. Nagmumula sa kanyang espada ang napakalakas na enerhiya. Samantala, ang dalawang halimaw, ay mga nilalang na ngayon pa lamang nakita ni James. Ang isa sa mga halimaw ay kahawig ng isang butiki. Nasa halos isang kilometro ang haba ng katawan nito. Balot ng mga itim na kaliskis ang katawan nito at may isang pares ng mga itim na pakpak ang tumutubo sa likod nito. Yung isang halimaw naman ay mistulang isang dambuhalang orangutan. Ilang libong metro ang taas nito at puno ito ng pulang balahibo. Mabangis at nakakatakot ang itsura nito. Napakatindi ng naging laban ng tatlo sa lugar. Napakabigat ng paligid, at nawasak ng mga atake nila ang buong paligid. Kahit na nanonood mula sa malayo si James at pinoprotektahan siya ng enerhiya ni Sophie, nayanig pa rin siya ng labanan nila. Kung wala ang proteksyon ni Sophie, hindi siya makakatayo ng tuwid. "
Binabantayan din ng mga cultivator mula sa Sage at Divine Dimension ang laban na nagaganap sa Mortal Dimension.Tumagal ng tatlong taon ang matinding laban sa pagitan ng tatlong powerhouse na nasa Third Stage ng Divine Rank.Pagkaraan ng tatlong taon ng sagupaan, halos wala nang lakas ang tatlong powerhouse. Matagal itong hinintay ni James. Prinotektahan siya ni Sophie habang nagtatago siya. Kung hindi, hindi niya magagawang magpagala-gala sa paligid ng ganun katagal dahil sa napakatinding labanan ng tatlo. Maging ang isang cultivator na nasa Divine Rank ay mamamatay agad kapag nahagip sila ng laban nila, lalo na ang isang taong kasing hina niya. "Malapit na ang oras, James. Humanda ka. Gagamitin ko ang katawan mo at sabay-sabay ko silang tatalunin."Nagmula sa loob ng Celestial Abode ang boses ni Sophie. Hindi napigilan ni James ang panginginig ng kanyang katawan noong narinig niya ang sinabi ni Sophie. "S-Sigurado ka ba dito, Ms. Sophie?" "Syempre naman. Sino ba ako
Narinig ni James na sinabi ng matanda ang Three-Thousand Cutlivation Arts pero hindi niya alam kung anong tinutukoy nito.Sumagot si Sophie habang nakangiti, “Ang Three-Thousand Cultivation Arts ay ang pinakamalakas na secret Supernatural Art noong Ancient Heavenly Court Age. Isa itong lihim na technique ng Lord of Ancient Heavenly Court.”Sumagot si James habang humahanga, “Hindi ko inaasahan na namaster mo ang isang napakalakas na Supernatural Art.”“Tama na. Huwag mo na akong bolahin,” sagot ni Sophie.Pagkatapos, pinitik niya ng mahina ang braso ni James, at isang puti na Sword Energy ang nagmula sa sahig sa malayo.Bago pa matignan ni James ng mabuti ang Sword Energy, nateleport ito papasok sa Celestial Abode.Narinig na niya ngayon ang boses ni Sophie mula sa Celestial Abode. “Ang Sword Energy sa kasalukuyan ay masyadong malakas para sa iyo.” Kung hindi mo isasakripisyo ang pagsasanay, imposible na marefine mo ito. Sa akin na muna ito para marefine mo ito mamaya.”Matapos magpali