Hindi si Dhiteus ang pinakamalakas na tao sa mga nandito. Subalit, siya ang pinuno na nagtipon sa lahat dito.Narinig sa buong paligid ang kanyang boses. Pagkatapos, binunyag niya ang mga ginawa ni James sa kanila. Sinabi niya sa kanila na nakipagsabwatan si James sa Demon race upang sirain ang Divinity Sect at pinatay pa niya ang isa sa mga sect elder nila. Noong sandaling iyon, may isang tumayo at nagtanong. "Paano mo nalaman ang mga nangyari, Dhiteus? Sa pagkakaalam ko, walang ginawang hindi makatwiran si James sa kabila ng pagkakaroon niya ng isang Demonic Body. Nais lamang niyang protektahan ang mga tao.""Sang-ayon ako. Kahit na puno ng mga makasalanan ang Earth, ang tunay na may kasalanan ay ang mga ninuno nila. Hindi dapat mamatay ang mga taong 'yun. Gusto lang pigilan ni James ang Second Calamity ng mga tao at napilitan siyang labanan si Lucifer na mula sa Demon Race."Marami pa rin sa mga powerhouse ang nag-iisip ng tama at kumampi kay James. "Kalokohan! Isa siya
Sa tulong ng pananggalang na ginawa ng mga powerhouse, madaling nakarating sa Earth ang Divine Holy Emperor. Pagkatapos matagumpay na makadaan sa seal ang Divine Holy Emperor, nagpalutang-lutang siya sa ere sa kung saang lugar sa Earth. Tumingin siya pababa sa mga bundok at mga ilog ng Earth at naramdaman niya ang napakalakas na Empyrean Spiritual Energy. Inunat niya ang kanyang mga braso at sinabing, "Makinig ka, Earth. Nandito na ako."Kasunod nito, agad na nagdilim ang kanyang ekspresyon. "James, hayop ka. Dumating na ang araw mo."Ang plano ng Divine Holy Emperor na patayin si James ay ideya ng Hadean Clan. Humingi siya ng tulong sa Hadean Clan at marami siyang natutunang Demonic Arts, kabilang na ang napakalakas na Curse Magic ng Demon Race. Kahit na pinapaboran ni Lucifer si James, hindi sang-ayon sa desisyon niya ang ibang mga powerhouse sa Hadean Clan. Ayaw nila kay James at gusto nila siyang idispatya. Dagdag pa dito, si Lucifer ay isa lamang anak ng isang Demon Empe
Ayos na ang lahat, at pumasok sa Celestial Abode ang lahat ng taong kakampi ni James. Isang tao lang ang piniling magpaiwan—si Quincy. Magkasamang naglakad sila Quincy at James sa bakuran ng Imperial Palace. Bumuntong-hininga si James at sinabing, "Salamat, Quincy. Napakarami mong ginawa para sa Wyrmstead."Ngumiti si Quincy at sinabing, "Hindi maikukumpara sa'yo ang mga ginawa ko. Wala akong talento sa cultivation at baka hindi nga ako maging isang powerhouse. Ginagawa ko lang ang lahat ng makakaya ko upang suportahan ka sa pagtulong sa sangkatauhan na malampasan ang mapanganib na panahong ito."Napanatag ang kalooban ni James nang marinig niya ang mga sinabi ni Quincy. "Pakiusap mag-iingat ka habang pinamamahalaan mo ang Wyrmstead. Anuman ang mangyari, ang kaligtasan mo ang pinakamahalaga. Naririnig mo ba ako?" "Oo, naiintindihan ko." Tumango si Quincy. Nag-usap ang dalawa. Pagkatapos niyang paalalahanan si Quincy, umalis si James sa Wyrmstead. Nagtungo siya sa Moun
Bahagyang tumango ang custodian at sinabing, "Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga demonyo. Noong sinaunang panahon, sinakop nila ang Earth upang pagbuklurin ang universe. Ginawa nila iyon ayon sa Heavenly Path. Nalaman ng Ten Emperors ang tungkol sa mga batas ng Heavenly Path at kumampi sila sa mga demonyo."Naging interesado si James sa paglalarawan ng custodian sa mga kaganapan noong sinaunang panahon. "Ms. Custodian, bakit inatake ng mga demonyo ang Earth at bakit kumampi ang Ten Emperors sa mga demonyo?" Umiling ang custodian at sinabing, "Hindi ako sigurado sa mga dahilan sa likod ng mga pangyayaring ito. Ang tanging alam ko lang ay may kinalaman ito sa pinakatatagong sikreto ng Earth at may kinalaman ito sa pinagmulan ng Earth at ng universe. Kumikilos lamang ang mga demonyo ayon sa kagustuhan ng Heavenly Path. Kahit na hindi kumilos ang mga demonyo, mamamatay pa rin ang mga powerhouse ng universe, at maisi-seal pa rin ang Earth.""Ang lahat nang ito ay ayon sa kagustuh
Naasikaso na ni James ang lahat ng kailangan niyang asikasuhin sa Earth.Nangako si Lucifer na hindi aatakihin ng mga halimaw ang mga tao sa susunod na 10,000 taon.Sa kasamaang-palad, nakuha niya ang atensyon ng maraming mga powerhouse noong nakuha niya ang Four Elements of Genesis. Kaya naman, pinapasok niya ang lahat ng may koneksyon sa kanya sa Celestial Abode.Ngayon, wala na siyang kailangang alalahanin sa Earth.Tungkol naman kay Thea, sinabi sa kanya ng custodian na nagmemeditate siya sa isang tagong lugar. Kahit na hindi sigurado si James kung nasaan ba talaga si Thea, panatag ang loob niya dahil alam niya na binabantayan ng custodian si Thea. Tumingin si James sa magandang custodian at sinabing, "Handa na ako, Ms. Custodian. Pakiusap dalhin mo ako sa Demon Realm.""Sige." Tumango ang custodian. Dinala niya si James palabas ng Chamber of Scriptures. Tumayo sa tuktok ng bundok ang custodian. Sumasayaw sa hangin ang mahaba't kulay itim niyang buhok habang dumadaloy pa
Siniguro sa kanya ni Sophie at ng custodian ng Chamber of Scriptures na matagal pa bago maganap ang Third Calamity sa Earth. Kaya naman, marami siyang oras para magcultivate. Kailangan niyang maging mas malakas upang mapigilan ang parating na Third Calamity. Muling tumingin si James sa kanyang paligid.Ito ang unang pagkakataon na nakarating si James sa Demon Realm, at kaunti lang ang alam niya tungkol dito. Wala siyang ideya tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa Demon Realm, at hindi rin niya alam kung nasaan siya.Pagkatapos niyang magmasid sa paligid, nagdesisyon siyang maglakbay sa isang direksyon.Hindi nagtagal bago siya nakarinig ng ingay.Boom!Biglang nagkaroon ng malaking pagsabog sa harap niya. Yumanig ang lupa, at gumuho ang bundok sa isang iglap.Kasunod ng pagsabog, isang nakakatakot na pwersa ang bumugso papunta sa kanya ng gaya ng isang tsunami.“Anong nangyayari?”Naramdaman ni James ang napakalakas na pwersa at napaatras siya sa takot.Kahit na mabilis siyan
Tumayo sa tuktok ng Seven Realms at maging pinakamalakas sa kalawakan?Nabuhay ang dugo ni James sa mga sinabi ni Sophie. Inaabangan din niya ang araw na iyon. Kapag nangyari talaga iyon, malaya niyang malalakbay ang pinakatatagong sikreto ng kalawakan habang nabubuhay siya. "Oo nga pala, gaano kalaki ang Demon Realm, Ms. Sophie?" Ang tanong ni James. Sumagot si Sophie gamit ng isa pang tanong, "Sa tingin mo gaano kalaki ang kabuuan ng Earth?" Nag-isip sandali si James. Hindi gaanong kalaki ang Earth. Subalit, nakaseal ang malaking bahagi ng Earth. Mayroong 3000 mga seal, at maraming mga Sealed Realm ang nasa kabila ng mga seal na ito. Ang bawat Sealed Realm ay mas malaki ng ilang beses kaysa sa Earth. Ang ilan sa mga ito ay 10,000 beses na mas malaki kaysa sa Earth. Sa oras na mabuksan ang mga seal, lalaki nang husto ang lupain ng Earth. Hindi maisip ni James kung gaano ba talaga kalaki ang Earth. Umiling siya at sumagot, "Hindi ko alam."Ang sabi ni Sophie, “A
Kahit na mapanganib para sa mga tao ang paligid sa kasalukuyan, determinado si James na mapagtagumpayan ito.“Oo nga pala…” Biglang may naisip si James at nagtanong siya, “Ano ang rank ng mga powerhouse na naglalaban kanina? Nakakatakot ang kinalabasan ng laban nila! Winasak nila ang lahat ng nahagip ng mga pwersa nila.”Ang sagot ni Sophie, “Isa itong labanan sa pagitan ng mga powerhouse na nasa Third Stage ng Divine Rank. Malapit nang maging mga Grand Emperor ang mga indibidwal na ‘yun. Mukhang may ilan sa kanila ang naggagala sa lugar ngayon. Posibleng mayroong kayamanan na sumulpot sa lugar, dahilan upang magsulputan ang mga powerhouse na ito dito at maglaban para dito.”“Nasa Third Stage na sila ng Divine Rank at malapit na silang maging mga Grand Emperor?”Huminga ng malalim si James.“Hindi ba nasa Mortal Dimension tayo? Bakit may mga powerhouse mula sa Divine Dimension dito?”“Hindi ako sigurado, pero mag-iingat ka. Puno ng panganib ang lugar na ‘to, at maaari kang mamata