Lumingon sina James at ang lalaking naka-asul na balabal sa pinagmulan ng tawa. Mula sa malayo, dalawang tao ang lumapit sa kanila . Sila ay isang lalaki at isang babae. “Marcello… Jace…” Nang nakita sila ni James ay nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit sila nandito? Pagkatapos mag-isip, naniniwala siyang natural lang ito. Lalo na't nagmula sila sa Demon Realm at mga miyembro sila ng Demon Race. Samantala, ang Demon Race ay isang nakakatakot na pwersa sa Primordial Age. Nagawa nilang magdala ng katapusan sa isang panahon nang mag-isa. Dahil dito, mayroon sigurong mga sobrang malalakas na karakter sa Demon Race. Kung alam ni Sophie ang presensya ng Elemental Inversion, imposibleng hindi ito malalaman ng Demon Race. Naglakad si Marcello kay James, tumingin sa kanya, at nakangiting nagsabi, "Sabi na nga ba hindi ka pangkaraniwang tao. Mayroon sigurong sumusuporta sa'yo. Gayunpaman, hindi ko inaasahang malalaman niyo ang lugar na'to." Bahagyang ngumiti si James at nagsab
Lumingon sila. Isang magandang babae ang naglakad papunta sa kanila mula sa malayo. Kahit na nagmula siya sa malayo, lumitaw siya sa harapan nilang lahat sa isang kurap. Nasa halos 180 sentimetro ang taas ng babae at nakasuot siya ng pulang bistida. Mahaba ang itim niyang buhok, may magandang mukha, at makinis na balat na kasing puti ng niyebe. Nang nakangiti, pinakilala niya ang sarili niya, "Kumusta, Nyasia Ximena ang pangalan ko. Nagmula ako sa Jodon." Nang marinig ito, napaatras sina Jace, Lucifer, at ang lalaking naka-asul na balabal. Nagtatakang nagtanong si James, "Ano ang Jodon?" "Isa tong misteryoso at nakakatakot na lugar. Hindi mo to kailangang malaman sa ngayon. Ngayon, ang dapat mo lang malaman ay maikukumpara ang lakas ng Jodon sa Demon Race." “Oh.” Nagtatakang tinignan ni James ang babaeng nagngangalang Nyasia. Samantala, ngumiti si Nyasia, "Matagal ko nang gustong pumunta sa Earth. Sa wakas nandito na rin ako. Ikinagagalak ko kayong makilala." N
Hindi alam ni Nyasia kung paano mabubuksan ang Five-Elements Painting. Gayunpaman, alam niyang tiyak na alam ito ni Willibald dahil may sumusuporta sa kanyang napakalakas na nilalang—ang master niya, na nakakatakot din. Gayon na nga, alam ni Willibald kung paano buksan ang Five-Elements Painting. Pero alam niya ring para makuha ang Elemental Inversion, kailangan niya ng matinding swerte at hindi ang paraan para maunawaan ang painting. Bahagya siyang tumango at nagsabing, "Oo, alam ko." Nang marinig ito, lumingon ang lahat sa kanya. Sabi niya, "Sinabi sa'kin ng master ko na ang Five-Elements Painting ay isang napakahalagang kayamanan sa Primeval Age at pinasa ito sa napakaraming henerasyon. Para maunawaan ang Five-Elements Painting, kailangan natin ng limang magkakaibang kapangyarihan." Nang marinig ito, nagtanong si Nyasia, "Ang ibig mo bang sabihin ay True Elemental Energy?" "Mhm," sabi ni Willibald. Nagsalubong ang kilay ni James, "Nagiging kumplikado na'to. Ang ting
Ilang matatandang lalaki ang nag-uusap-usap. Samantala, naghintay sina James at ang iba pa sa labas ng gazebo. Gayunpaman, para bang hindi sila napansin ng matatandang lalaki. Nagsalubong ang mga kilay ni James at nagsabing, "Anong nangyayari? Mukhang hindi nila tayo nakikita." Gayunpaman, sa sandaling iyon, isang matandang lalaking nakasuot ng gintong balabal ang biglang lumingon sa kanya, sabay nakangiting nagsabi, "May kasama tayo." Lumingon din ang iba at tumingin kina James at sa iba pa. Sabi ni Marcello, "Ako si Marcello Mariano. Karangalan kong makita kayo." “Haha…” Hinimas ng isa sa matatandang lalaki ang baba niya at ngumiti kina James, sabay nagsabing, "Hindi ko inasahang masisinagan pa ng araw balang araw ang Five-Elements Painting na iniwan natin. Nagdala pa sa'tin to ng ilang kabataan." Sa sandaling iyon, narinig ang boses ni Sophie, "James, isa itong eksena mula sa Primeval Age. Ang mga tao sa harapan mo ay ang Five Ancestral Gods. Hindi sila nabubuh
Napakataas ng katayuan ni Marcello sa Demon Race, pero siya ang unang natanggal. Tumayo siya sa labas habang pinapanood ang mga tao sa Five-Elements Painting. Ilang tao ang nakatayo sa labas ng gazebo sa paanan ng bundok at napapalibutan sila ng mahiwagang inscriptions. Lumangoy ang mga inscriptions sa paligid ng katawan nila na parang mga butete habang naglalabas ng makukulay na sinag ng liwanag. Nang nabalot siya ng mga mahiwagang inscription, hindi nakaramdam ng kahit na anong sakit si James. Sa halip, nakaramdam siya ng init sa buo niyang katawan. Napakamportable nito. Tumagal ng higit isang minuto ang kaginhawaang ito bago siya nakaramdam ng sakit. Para bang pinupunit ang mga kalamnan niya ng napakaraming insekto. Pagkatapos, may matining na sakit sa ulo niya na parang may mga uod na gumagapang sa loob ng bungo niya. Pumintig ang mga ugat sa mukha niya sa matinding sakit. Nakakatakot ang itsura niya. Ganoon rin ang nararanasan ng iba. Sobrang sakit ng nararamdaman nilang
Ito ang pinasimpleng Elysian Inscription. Masyado pang mababa ang rank niya para maunawaan niya ito. Sa Five-Elements Painting, kasunod ng maliwanag na ilaw na lumitaw sa tuktok ng ulo ni James at humarang sa matalim na espada, nakaramdam ang tatlo ng napakalakas na pwersang papunta sa kanila. Sapilitan silang pinalabas ng pwersang ito mula sa Five-Elements Painting. Ngayon, isang tao lang ang nanatili sa Five-Elements Painting. Iyon ay si James. Sa labas ng painting, nagsalita si Nyasia habang iniunat niya ang mga kamay niya, "Nagpunta ako rito para sa wala. Malakas talaga ang batang to. Kaya niyang tiisin ang mga pagsubok ng Heavenly Path. Nasalag niya pa ang atake ng Heavenly Path sa huli. Mukhang lumalabas na pagkatapos ng napakaraming panahon, aangat siya sa lebel na lagpas sa mauunawaan natin." Seryoso ang ekspresyon ni Willibald. Nagpunta siya rito para sa Elemental Inversion, pero wala siyang nakuhang kahit na ano. Nakangiti nang malaki si Marcello. Sabi niya, "Sige,
Nakakuha ng ilang impormasyon si James nang nasa loob siya ng Five-Elements Painting. Nalaman niya na sa Primeval Age, alam na ng Five Ancestral Gods kung sino ang makakakuha ng Elemental Inversion. Higit pa roon, narinig niyang sinabi ng Five Ancestral Gods na ang siya sa hinaharap ay nakalampas sa River of Time at nagpunta sa Primeval Age. 'Bakit ako pupunta sa Primeval Age? 'Bakit ako nagtanong tungkol kay Thea sa sandaling lumitaw ako?'Anong nangyari sa kanya?' Sa kabila ng matinding pag-iisip, nanatiling naguguluhan si James. Gayunpaman, masyado pang malayo para sa kanya ang mga bagay na ito, kaya isinantabi niya ang mga ito pansamantala. Ang tanging alam niya lang ay magiging napakalakas niya sa hinaharap. Magiging gaano kaya siya kalakas? Sa sobrang laman niya ay kaya niyang maglakbay pabalik sa oras at daanan ang pagdaloy ng kasaysayan. "Hindi ko inasahang napakalakas ko sa hinaharap." Hinawakan ni James ang ilong niya. Pagkatapos nito, tumingin siya sa pali
Pagkatapos sabihin iyon, bumalik si Sophie sa Celestial Abode. Sa kabilang banda, mukhang nagtataka si James. Narinig mula sa Celestial Abode ang boses ni Sophie. "James, magcultivate ka nang maigi. Naniniwala ako na kahit sa malupit na kondisyon, maipagpapatuloy mong malampasan ang Elysian Seal, aangat ka bilang pinakamalakas na tao sa panahong ito, at mapoprotektahan mo ang sangkatauhan sa mga dadaang panahon." "Oo." May determinadong ekspresyon si James sa mukha niya. Sabi niya, "Isang beses na akong namatay. Nangako ako sa custodian na hangga't sa buhay ako, papanatilihin kong ligtas ang sangkatauhan. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit, gagawin ko to nang walang pag-aalinlangan.""Sige. Lumabas ka muna." "Sige." Tumango si James. "Pero paano ako lalabas?" nagtataka niyang bulong. Habang nagtataka siya, isang napakalakas na pwersa ang nagmula sa loob ng Five-Elements Painting at bayolente siyang pinalabas. Nang lumitaw siya ulit, nasa labas na siya. Nang paalis na siy