“Oh.” Nakinig ng mabuti si James.Pinutol ni Sophie ang paghabol at sinabing, “Ang Limang Ancestral Gods ay kinokontrol ang kapangyarihan ng Genesis ng Metal, Kahoy, Tubig, Apoy, at Lupa. Maraming mga Ancestral Gods sa Primeval Age. Gayunpaman, walang nakakaalam kung ano ang nangyari noon. Sila ay ganap na naglaho nang walang bakas, kaya natapos ang Primeval Age."“Habang malapit nang matapos ang Unang Panahon, pinasimulan nito ang Sinaunang Panahon ng Hukuman sa Langit. Nakuha ng ilang cultivator ng Heavenly Court ang Limang Elemento ng Genesis at tumawid sa Emperor Rank.“Nagmula ako sa panahong iyon. Samantala, ang aking ama ay isang diyos ng digmaan ng Ancient Heavenly Court."Maraming hindi kapani-paniwalang mga bagay ang nangyari sa Ancient Heavenly Court Age. Noon, dahil bata pa ako at mahina ang cultivation base ko, hindi ko masyadong naintindihan ang nangyari."Malabo ko lang naalala ang sinabi ng tatay ko sa akin bago niya ako tinatakan."Nang marinig ito, hindi napig
Matapos magscroll down sa Martial Arts Forum, naglogout si James at naupo sa sofa at napaisip.Sa pagkakataong ito, maraming ikinuwento sa kanya si Sophie.Bukod pa doon, nalaman niya ang nakaraan ni Sophie. Ipinanganak siya sa Ancient Heavenly Court Age, at ang ama niya ang war god sa court. Sapagkat kinikilala siya bilang war god, maaaring naabot niya nag rurok ng lakas.Ngunit, hindi niya alam kung paano nakilala ni Sophie si Emperor Jabari o kung bakit siya nasa Celestial Abode.Sa ngayon, nanatili si James sa Wyrmstead at sinamahan si Winnie habang hinihintay magpakita ang iba pang mga providence.Hindi niya gusto makuha ang lahat ng Five Elements of Genesis. Basta makuha niya ang isa sa kanila, masasabi niyang napakasuwerte na niya.Tulad ng ganito, lumipas ang pitong araw.Sa umaga ng ikapitong araw, noong sumikat na ang araw…Boom!Isang pagsabog ang naganap sa isang lugar sa Earth. Sa sobrang lakas ng pagsabog, nayanig ang buong mundo.“Anong nangyayari?”“Napakalakas ng pagsa
Sa oras na pumasok si James sa Space-Time Portal, lumabo ang paningin niya. Noong nagpakita na siyang muli, dumating siya sa isang hindi kilalang lokasyon.Isa itong kabundukan na napalilibutan ng mga batong tinunaw at puno ng primordial atmosphere.“Napakaconcentrated na elemental power!” sagot ni Sophie.Nagtanong si James, “Anong naramdaman mo, Sophie?”Narininig niya ang boses ni Sophie, “Naramdaman ko ang elemento ng apoy. Ang bawat isang Space-Time Portal ay nakakonekta sa limang magkakaiba na mundo, at ang bawat mundo ay mayroong Genesis. Sapagkat napakalakas ng apoy dito, ito ang origin ng Fire Genesis.”“Kailangan mo akong gabayan, Sophie.”Nagmakaawa si James, “Makukuha ko lang ang Fire Genesis sa tulong mo. Matapos ko makuha ang Fire Genesis, maaari ko siguro kunin ang ibang Genesis.”Magkakaroon ng matinding kapangyarihan ang kahit na sinong makakuha ng isa sa Five Elements of Genesis. Ngunit, sapagkat nasa kamay ni James ang Celestial Abode at tulong ni Sophie, mataas ang
Dahil sa mga pagbabago sa Laws of Heaven, sinubukan intindihin ni Sophie ang paraan para makuha ang Five Elements of Genesis. Ngunit, nagbackfire ang lahat.Dahan-dahan siyang tumayo. Namumutla siya habang bumubulong, “Sa pagtulong ko kay James, nilabag ko ang Law of Heaven at ngayon ay nakontamina ng mabigat na Karma.”“Sophie, tapos ka na ba?”Naghintay ng dalawampung minuto si James. Noong hindi sumasagot si Sophie, nagtanong siya.Sumagot si Sophie, “Oo, tapos na ako.”Noong narinig niya ito, natuwa ng husto si James. Nagtanong siya, “Totoo?”“Oo, pero… James….” Binuka ni Sophie ang bibig niya at isinara ito.“Anong problema?”Pinagisipan niya ito at napagdesisyunan na sabihin kay James.“Sa pagtulong ko sa iyo, nakontamina ako ng mabigat na Karma. Totoo na nadiskubre ko ang paraan kung paano makuha ang Five Elements of Genesis. Pero, may matinding kabayaran.”“Huh? Anong kabayaran?”Nagsalita si Sophie, “Sa Primeval Age, huhusgahan ako ng Heaven’s Adjudicators. Hindi ko alam kung
Nagpatuloy siya.Hindi nagtagal, napasuka siya ng dugo.Ngunit, nakatanggap siya ng kapaki pakinabang na impormasyon sa pagkakataong ito base sa Law of Heaven sa pagkakataong ito.“J-James…” sagot ni Sophie, nanginginig ang boses niya.“Ano iyon, Sophie?”Nagsalita siya, “Nakakuha pa ako ng impormasyon.”“Sabihin mo ito sa akin!” nasabik si James.Nagsalita siya, “Sa Primeval Age, ang Five Ancestral Gods na kumokontrol sa Five Elements of Genesis ay nagtipon para pagusapan ang isang bagay ng matagal. Pagkatapos, lumikha sila ng walang kapantay na cultivation method.”“Anong cultivation method ito?” tanong ni James.“Elemental Inversion.” Nanginig ang boses ni Sophie habang sinasabi ito, “Ang E-Elemental Inversion ay isang cultivation method na ginawa base sa Five Elements of Genesis. James, ang providence ng Second Calamity ay hindi ang Five Elements of Genesis, kung hindi ang Elemental Inversion cultivation method.”Natulala si James.Nakakatakot na nga ang Five Elements of Genesis. M
Sinubukan ni Sophie na alamin ang paraan para makuha nag Fire Genesis.Sa nakalipas na mga taon, paganda ng paganda ang performance ni James. Habang tumutulong siya ng hindi direkta, naramdaman niya na patindi ng patindi ang koneksyon nila ni James at may mabigat na Karma sa pagitan nila. Para mabura ang Karma, kailangan ni James na patuloy na lumakas. Kung hindi, mapupunta ang Karma niya sa kanya. Sapagkat umabot na dito sa puntong ito, naisip niya na tulungan si James ng isang beses pa. Pero, hindi niya inaasahan na sasabihin niya ang Heaven’s secret at lalabagin ang Heavenly Path.Alam niya ang magyayari kapag isiniwalat niya ang Heaven’s secret. Ngunit, kanina lamang, matinding sakit ang ininda niya at sinabi kayJames ang impormasyon na nakalap niya. Sa kabutihang palad, nanatili pa ang kaluluwa ni Emperor Jabari sa Celestial Abode, kung hindi, katapusan na niya.Noong tuluyan na naglaho si Emperor Jabari, nakahinga ng maluwag si Sophie at naupo siya ng lotus position sa sahig. Nam
'Isang painting?" Sandaling nanigas si James. Sa sandaling nakita ng mga mata niya ang tanawin, akala niya ay totoo ito. Lumabas na isa lang pala itong painting. "Hindi kaya may koneksyon ang Elemental Inversion sa painting? Ang limang matatandang lalaki ba sa painting ang Five Ancestral God's na kumontrol sa Five Elements of Genesis at gumawa sa Elemental Inversion sa Primeval Age?" bulong ni James. "Sino ka?" Nang tumitig si James sa painting, narinig niya ang isang boses. "Huh?" Sa pagtataka, lumingon si James sa gilid at nakita niya ang isang lalaking nakatitig sa kanya sa malayo. Tumitig din pabalik si James. Nasa dalawampung taong gulang ang lalaki. Nakasuot siya ng asul na balabal, may mahabang buhok, at medyo may kagwapuhang mukha. "Sino ka?" Naalerto si James. Nahanap niya lang ang lugar na ito sa tulong ng gabay ni Sophie, at narito ang kinaroroonan ng Elemental Inversion. Ngayong may dayo rito, alam siguro ng lalaking nasa harapan niya ang tungkol s
Lumingon sina James at ang lalaking naka-asul na balabal sa pinagmulan ng tawa. Mula sa malayo, dalawang tao ang lumapit sa kanila . Sila ay isang lalaki at isang babae. “Marcello… Jace…” Nang nakita sila ni James ay nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit sila nandito? Pagkatapos mag-isip, naniniwala siyang natural lang ito. Lalo na't nagmula sila sa Demon Realm at mga miyembro sila ng Demon Race. Samantala, ang Demon Race ay isang nakakatakot na pwersa sa Primordial Age. Nagawa nilang magdala ng katapusan sa isang panahon nang mag-isa. Dahil dito, mayroon sigurong mga sobrang malalakas na karakter sa Demon Race. Kung alam ni Sophie ang presensya ng Elemental Inversion, imposibleng hindi ito malalaman ng Demon Race. Naglakad si Marcello kay James, tumingin sa kanya, at nakangiting nagsabi, "Sabi na nga ba hindi ka pangkaraniwang tao. Mayroon sigurong sumusuporta sa'yo. Gayunpaman, hindi ko inaasahang malalaman niyo ang lugar na'to." Bahagyang ngumiti si James at nagsab