Tumingin si James sa itim na Infinity Stele sa harap niya, at nagtaka. "Anong nangyayari? Bakit bigla akong pinabalik dito? "Anong ibig sabihin ni Tatum? Kailangan kong pasanin ang mga pasakit at Karna kung gusto kong makuha ang Infinity Stele? "Anong Karma ang kailangan kong pasanin? Naguluhan si James. "Ms. Sophie, nandyan ka ba?" Hindi ito naintindihan ni James, kaya nagtanong siya kay Sophie. "Nandito ako."Nagmula ang boses ni Sophie sa loob ng Celestial Abode. "Isang napakalakas na pwersa ang pumutol sa koneksyon mo sa Celestial Abode kanina. Hindi kita makausap. Kamusta? Anong nangyari?" Binanggit ni James ang mga sinabi ni Tatum. Pagkatapos ay nagtanong siya, "Ms. Sophie, ano sa tingin mo ang ibig niyang sabihin?" Nag-isip ng ilang oras si Sophie at sinaning, "Malamang nangangahulugan ito na kailangan mong maabot ang isang kwalipikasyon upang makuha mo ang Infinity Stele. Malamang ay magagawa mo itong kunin at itabi.""Ganun ba." Tumango si James. Nagl
Kahit na hindi siya sigurado sa mga katangian ng Infinity Stele, alam niya na hindi ito magagawang kontrolin ng mga ordinaryong cultivator.Masaya niyang itinabi ang Infinity Stele.Nagging itim na usok ang Infinity Stele at pumasok ito sa katawan niya, lumubog ito sa isang lugar sa loob ng kanyang Elixir Field.Ang sabi ni James, “Ms. Sophie, nakuha ko na ang unang Infinity Stele. Ibig sabihin ba nito madali ko ding makukuha ang ibang mga Infinity Stele? Talaga bang mayroong isang daan at walong mga Infinity Stele?”Ang paliwanag ni Sophie, “Oo, dapat. Kung totoo man ito o hindi, kakailanganin mong maglakbay patungo sa susunod na Infinity City upang malaman ito.”“Kailangan ko bang tapusin ang isang pagsubok upang makausad ako?” Ang tanong ni James.Noong sandaling iyon, binunyag ng Infinity Stele sa loob ng katawan ni James ang ilang impormasyon at ipinasa nito ang mga impormasyon sa kanya.Pagkatapos niyang matulala ng ilang segundo, ang masayang sinabi ni James, “Mukhang may
Hindi maaninag ni James ang itsura ng misteryosong lalaki na nagpakita sa kanya sa ika-108 na Infinity City. Naguluhan si James sa mga sinabi ng lalaki.“Anong ibig niyang sabihin dun?’“Sino ba talaga siya?”Napaisip ng malalim si James habang nakatayo siya sa tapat ng pader ng Infinity City at pinagmasdan niya na maglaho ng parang bula ang lalaki.Pagkalipas ng ilang oras, isinantabi niya ang mga nasa isip niya. “Sinabi sa’kin ng lalaking iyon na hindi ko na kailangang umalis sa siyudad dahil nakuha ko na ang pinakamahalagang bagay sa Space-Time Portal. Sa kasalukuyan kong lakas at rank, hindi ako makakapaglakbay patungo sa simula ng panahon noong nilikha ang buong kalawakan.” Nagsalita si James.Pagkatapos, nagtanong siya, “Sophie, dapat na ba akong umalis?” Nagmula ang boses ni Sophie sa loob ng Celestial Abode, “Sa tingin ko, oo. Kahit na hindi pa ako nakarating sa mga Infinity City at sa Provenance, kahit ako alam ko na hindi ka makakapaglakbay pabalik sa nakaraan sa k
“James.” Sa loob ng palasyo, naglakad si Quincy palapit kay James, na nakaupo sa main seat, ng may naguguluhang ekspresyon sa kanyang mukha. Suot ang pulang damit, lalo lamang pinalabas ng magandang hubog ng kanyang katawan ang walang kapantay niyang kagandahan.Ang sabi niya, “Akala ko nagpunta ka sa Mount Bane at pumasok sa Space-Time Portal. Bakit ang bilis mo atang bumalik?” Dahil walang konsepto ng oras sa mga Infinity City sa loob ng Provenance, hindi alam ni James kung gaano katagal siyang nawala.“Ilang araw na ba ang lumipas mula noong nagbukas ang Space-Time Portal?”Sumagot si Quincy, “Tatlong araw.”“Tatlong araw pa lang?!”Ang sabi ni James.Inakala niya na matagal na panahon siyang nasa loob ng Provenance. Lumalabas na tatlong araw pa lang ang lumipas.“Tama ‘yun, tatlong araw pa lang ang lumipas.” Tumango si Quincy.Huminga ng malalim si James.Bakit pakiramdam niya na mahabang panahon na ang lumipas?"Anong problema? May nangyari bang masama?" Ang tanong n
Naglakad si James palabas ng palasyo, habang sumunod naman sa kanya ang iba. Tumingin si James sa mga paparating na airship. Kasing laki ng mga bundok ang mga ito, at napatingin ang lahat sa laki ng hukbong ito. "Anong…" Kumunot ang mga kilay ni James. Subalit, hindi siya nagulat noong nakita niya ang mga airship, lalo na't malaki ang pinagbago ng kapaligiran sa Earth. Base sa itsura at istruktura ng mga airship, marahil ay nagmula ang mga ito sa mga Sealed Realm. Nagtaka siya kung bakit may magtatangkang sumugod sa bansa niya. "Anong nangyayari?" "Marahil ay mula sa mga Sealed Realm ang mga airship na 'yun." "Masasabi ko na ang mga 'yan ay mga mahiwagang kayamanan sa halip na mga airship. Narinig ko mula sa mga cultivator na mula sa ibang mga Sealed Realm na ang mga airship na gaya nito ay may kakayahang lumiit sa tuwing gugustuhin ng gumagamit nito." Marami ang nagbulungan. "Nandito ba si James Caden?" Isang napakalakas na boses ang narinig kasabay ng pag
Maraming tao ang nagtipon sa pangunahing gusali ng Celestial Abode, kabilang dito si Sophie, si Thea, si Henry, ang Blithe King, si Delainey, at ang Spirit Tool. Isinalaysay ni James ang mga nangyari.“Isang bigatin mula sa Ancient Realm ang dumating, inakusahan niya ako na nagcultivate ako ng Demonic Arts, at hinatulan niya ako. Gusto niya akong patayin.”“Huh?” Noong narinig niya ito, agad na tumayo si Thea at nag-aalalang nagtanong, “Kung ganun, anong dapat nating gawin?”Umiling si James at sinabing, “Hindi ko rin alam. Ang Ancient Realm ang pinakamalakas na mundo sa tatlong libong mga Sealed Realm. Ngayon, nagbabanta ang Sect Elder ng Divinity Sect mula sa Ancient Realm na buburahin niya ang lahat ng tao sa Earth simula sa Wyrmstead kapag hindi ako nagpakamatay.”Hindi alam ni James ang gagawin niya.“Dahil may lakas siya ng loob na sabihin ang mga bagay na ‘yun, malamang sapat ang lakas niya upang tuparin ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin natin ngay
Dahil ayaw ni Sophie na tulungan si James, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tumakas. Subalit, saan naman siya pwedeng pumunta? Alam niya na ang Ancient Realm ang pinakamalakas na mundo sa tatlong libong mga Sealed Realm. Dahil isang napakalakas na sect ang Divinity Sect, malamang ay may taglay na pambihirang lakas ang Sect Elder nito. Madali siyang mahahanap ng taong iyon. Pagkatapos niyang umalis sa Wyrmstead, gumawa si James ng isang maskara at binago niya ang kanyang itsura. Samantala, sa Mount Bane… Maraming tao ang nagtipon sa main hall ng Divinity Sect, na nasa isang bundok na nagmula sa mga Sealed Realm. Ang bundok na ito ay sakop ng Divinity Sect ng Ancient Realm. Pinangungunahan ito ni Yuvaan Zymir, ang Sect Elder ng Divinity Sect, at nasa harap niya ang ilang mga kalalakihan. "Anong klaseng providence ang nakuha ni James? Paano niya nagawang i-cultivate ang nakakatakot na cultivation method na 'yun?" Nagtatakang nagtanong ang isang lalaki. Ngumit
Hindi nangahas si James na isipin ang tungkol dito. Pagkatapos, pumasok siya sa isang bar.Dahil gabi na, maririnig ang nakakabinging tugtog mula sa loob ng bar.Kahit na dumating na ang First Calamity, naging maayos na ang sitwasyon sa Earth. Pumanaw ang mga tinamaan ng virus, at nagkaroon naman ng immunity ang mga nakaligtas.Ganun din ang kaugalian ng mga tao. Magpapakasaya sila ng husto para sa wala.Dahil maraming taong hindi nagpunta si James sa isang bar at wala siyang ibang pupuntahan sa ngayon, pumasok siya sa bar at umorder ng dalawang bote ng wine.Habang umiinom siya, nakapako ang tingin niya sa mga babaeng sumasayaw.Noong sandaling iyon, pinanghinaan siya ng loob.Malaki ang sinakripisyo niya upang protektahan ang mga tao sa Earth. Subalit, walang ibang ginawa ang mga tao kundi ang magpakasaya. Sabi nga nila, hindi mauunawaan ng mga tao ang kahulugan ng isang nasirang imperyo. Habang umiinom siya, ito ang unang pagkakataon na hindi niya alam ang gagawin niya.