Kabanata 2190
Kahit na hindi siya sigurado sa mga katangian ng Infinity Stele, alam niya na hindi ito magagawang kontrolin ng mga ordinaryong cultivator.

Masaya niyang itinabi ang Infinity Stele.

Nagging itim na usok ang Infinity Stele at pumasok ito sa katawan niya, lumubog ito sa isang lugar sa loob ng kanyang Elixir Field.

Ang sabi ni James, “Ms. Sophie, nakuha ko na ang unang Infinity Stele. Ibig sabihin ba nito madali ko ding makukuha ang ibang mga Infinity Stele? Talaga bang mayroong isang daan at walong mga Infinity Stele?”

Ang paliwanag ni Sophie, “Oo, dapat. Kung totoo man ito o hindi, kakailanganin mong maglakbay patungo sa susunod na Infinity City upang malaman ito.”

“Kailangan ko bang tapusin ang isang pagsubok upang makausad ako?” Ang tanong ni James.

Noong sandaling iyon, binunyag ng Infinity Stele sa loob ng katawan ni James ang ilang impormasyon at ipinasa nito ang mga impormasyon sa kanya.

Pagkatapos niyang matulala ng ilang segundo, ang masayang sinabi ni James, “Mukhang may
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP