Kabanata 2198
Alam niya na matutulungan siya ng mga cultivator mula sa Mount Springcastle na tapusin ang problemang ito. Subalit, nanatilio sila sa mga tirahan nila at nanood lamang sila/

“Huminahon ka, James. Mag-isip tayo ng ibang paraan.”

“Paano ako hihinahon kung nasa panganib ang pamilya ko?!”

Sumigaw sa galit si James.

Pagkatapos, naglakad siya papunta sa Mount Bane ng may mabigat na mga yabag.

Kapag may nangyaring masama sa pamilya niya, pagbabayarin niya ang Divinity Sect.

“James, huwag kang magpadalos-dalos sa kilos mo!”

Sumigaw ang Omniscient Deity.

Subalit, hindi siya pinansin ni James at nagtungo si James sa direksyon ng Divinity Sect.

Di nagtagal, nakarating siya sa destinasyon niya.

Sa paanan ng bundok, maraming mga disipulo ng Divinity Sect ang nakaabang. Lahat sila ay nakasuot ng mga sinaunang balabal at may hawak na mga espada.

“Sinong nadyan?”

Noong dumating siya, hinarangan nila ang daan ni James.

Tumingin ng masama si James sa kanila. Subalit, kahit na galit na gali
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP