Binigay ni Yuvaan ang kanyang utos, agad na lumapit kay James ang ilang mga disipulo, pinakawalan nila siya, at binuksan ang kanyang mga acupuncture point. Iyon ay dahil hindi natatakot si Yuvaan kay James. Kahit na si James ang pinakamalakas na mandirigma ng Earth, isa lamang siyang langgam sa mga mata ni Yuvaan. Di nagtagal, nakahanda na ang mga gamit.Sinulat ni James ang cultivation method ng Sacrilegious Ascension at inabot niya ito kay Yuvaan, Subalit, habang sinusuri niya ito, dumilim ang kanyang mukha.“Ano ‘to?” Nagulat siya at nagtanong, “Ito ba ang paraan upang i-cultivate ang Sacrilegious Ascension?”Tumango si James at sinabing, “Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ko sa’yo na hindi mo ito makucultivate kahit na ibigay ko ‘to sa’yo.” “Niloloko mo ba ako?!”Dumilim ang ekspresyon ni Yuvaan, at naipon ang napakalakas na True Energy sa kanyang palad. Pagkatapos, pinatamaan niya si James sa dibdib, tumalsik si James at sumalpok sa pader. Bumagsak si James sa lupa at s
Madaling makakatakas si James. Kahit na selyado ang cultivation base niya, matindi pa din ang pisikal na lakas niya. Bukod pa doon, nasa kanya rin ang Celestial Abode at ang presensiya ni Sophie. Pinilit niya na hindi niya masosolusyunan ang problema pero makakatulong siya sa pagtakas.Ang iniisip lang niya ay baka puntiryahin ng Divinity Sect ang pamilya niya kapag tumakas siya.Naipit si James.“James, inaamin mo ba ang mga kasalanan mo?” dumagungdong ang isang boses.Inayos ni James ang sarili niya at tinignan si Yuuvaan, at ngumisis. “Anong mga kasalanan?”Pinagalitan siya ni Yuvaan, “Bilang anak ng mga makasalanan, dapat nagsisisi ka sa mga kasalanan mo. Pero nakipagtulungan ka sa Demon Race at nagcultivate ng Demonic Arts.”Nagtanong si James, “Nasaan ang ebidensiya?”“Itigil mo na ang pagsubok makawala sa sitwasyong ito!” malamig na nagsalita si Yuvaan, “Sapagkat gusto mo ng ebidensiya, ipapakita ko sa iyo!”Pagkatapos, nagplay siya ng mga video na kinunan noong kinalaban ni Jam
Boom!Isang kidlat ang tumama sa batong haligi at pagkatapos, kay James.Noong tinamaan ng kidlat si James, nakaramdam siya ng matinding sakit na kahit ang kaluluwa niya naramdaman ito. Pagkatapos, sumigaw siya ng malakas.Walang humakbang para depensahan si James, o kahit sino na nakaramdam ng simpatya para sa kanya. Tagalupa nga naman si James, at anak ng mga makasalanan. Ang mga ninuno nila ay namatay dahil sa pagtatraydor ng mga ninuno ng mga tagalupa.Matapos ang unang kidlat na tumama kay James, nagtamo na siya ng matinding mga pinsala. Ngunit, dumaloy agad ang Demonic Energy sa katawan niya at naghilom ang mga pinsala niya.Bago pa siya makareact, tinamaan siya ng ikalawang kidlat.“Argh!” hiyaw ni James sa sakit. Sumailalim sa matinding torture ang katawan at kaluluwa ni James.Sa malayo, kumunot ang mata ni Marcello at sinabi, “Jace, manonood lang ba tayo dito?”Habang kalmado ang ekspresyon, malamig na nagsalita si James, “Kailangan ko lang siya ng buhay. Bukod pa doon, nanin
Nagdusa si James matapos indahin ang dalawang linggo ng tinatamaan ng kidlat, ngayon ubos na ang Demonic Energy niya. Sapagkat kakaiba ang tatag ng pisikal na katawan niya, hindi pa siya nagiging abo. Paulit-ulit itong nasusunog. Samantala, matindi na ang pinsala sa kaluluwa niya. Sapagkat malakas ang pisikal na katawan niya, nanatiling buo ang kaluluwa niya. Kung ibang cultivator ito, malamang matagal na silang namatay.Pinanood ng mabuti ni Yuvaan ang kundisyon ni James. Para sa kanya, wala siyang pakielam. Kung mamamatay siya, ikukulong niya ang kaluluwa ni James at kukunin ang pisikal na katawan.“Haha… kahanga-hanga talaga ang pisikal na katawan niya. Kung iba ito, matagal na silang namatay.”Nabigla si Yuvaan sa pisikal na katawan ni James. Lalo niya itong gusto makuha.Malabo na ang paningin ni James, at nararamdaman niyang nasa bingit na siya ng kamatayan.“Mamamatay na ba ako?”Sumagis sa isip niya ang bagay na ito.Hindi niya gustong mamatay. Pero, hindi siya makatakas dahil
Dumagungdong ang boses ni James. Pagkatapos, pumasok siya sa seal at naglaho mula sa Mount Bane.“T*ng ina!” nagdilim ang mukha ni Yuvaan habang nagmumura siya, “Sinong tumulong sa kanya?”Nakabroadcast sa buong mundo ang eksena. Matapos makita na nakatakas si James, nakahinga ng maluwag si Thea.Bago umalis si James, ginamit niya ang natitira niyang lakas para sumigaw. Pagkatapos nito, nawalan siya ng malay.Pagpasok niya sa seal, hindi niya alam kung saan siya mapupunta.Matapos ang ilang sandali, nagkaroon na ng malay si James.Nanghihina siya. Noong sinubukan niyang bumangon, matinding sakita ang dumaloy sa buong katawan niya. Pagkatapos, napagtanto niya na may puti na kurtina sa harapan niya, bumulong siya, “Patay na ba ako? Nasaan ako?”“Gising ka na.”Habang naguguluhan siya, may narinig siyang boses.Sinubukan ni James lumingon sa pinanggalingan ng boses. Pero, sapagkat matindi ang pinsala niya, matinding sakit ang naramdaman niya sa oras na kumilos siya.“Matindi ang mga pinsa
Matapos tamaan ng kidlat ng paulit-ulit ng dalawang linggo, matinding pinsala ang tinamo ng pisikal niyang katawan at pati ang kaluluwa niya ay nagtamo ng pinsala. Kahit na nakapagpahinga siya ng isang buwan, hindi pa gumagaling ang mga pinsala niya. Ngayon, nagkamalay na siya.Ngunit, kahit na nakikita pa din ang mga pinsala niya, unti-unti ng bumabalik ang Demonic Energy niya. Bibilis ng unti-unti ang paghilom ng katawan niya.Nanatiling nakahiga si James sa kama at nagpahinga.Kasabay nito, sa labas ng kuwarto…“Anong problema? Anong nangyari?”Isang glamorosong babae na nakasuot ng puti ang tumingin sa kasambahay na nagmamadali at pinagalitan siya, “Ano ba ang nangyayari? Kumalma ka, isa kang katulong sa bahay ng mga Yanis!”“Binibini, ang mga Zaydon ay naparito para makipagdiskusyon sa engagement ninyo.”Matapos ito marinig, napasimangot ang babae.Ito ang Ancient Realm, ang pinakamalakas na mundo sa lahat ng three thousand sealed realms.Ang gpangalan ng babae ay Melany Yanis, mi
Sa oras na ito, humakbang palapit si Zaid at ngumti, “Sect Elder Zaydon, hindi pa gusto ng anak ko na magpakasal sa ngayon. Bakti hindi natin ipostpone muna ang bagay na ito sa ngayon? Baka sa hinaharap gusto na ng anak ko.”Sapagkat ang mga Zaydon ang namumuno sa tatlong pinunong pamilya ng Kineallen City, hindi gusto ng mga Yanis na maargabyado ang pamilya nila ng sinasadya.“Melany, nakatadhana ka na mapasaakin.” Tinignan ni Justin si Melany at habang natatakam ang itsura niya, nagsalita siya, “Hindi magtatagal at pupunta ka sa mga Zayden para magmakaawa na ikasal sa akin.”Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.Tinitigan ng Sect Elder ng mga Zaydon si Zaid at ngumisi. “Walang utang na loob!”Matapos magsalita, tumalikod siya at umalis.Sa oras na umalis siya, bumuntong hininga si Zaid at sinabi, “Melany, hindi mo dapat tinaggihan ang offer nila. Naiintindihan mo kung anong sitwasyon natin sa ngayon. Matapos sumipsip sa Divinity Sect, lalong naging arogante at mayabang ang mga Zaydon
Kinikilala si Melany Yanis bilang pinakamagandang babae sa buong Kineallen City, pati na rin ang kabutihan ng loob niya. Hindi siya nagwawala, at palagi siyang mabait kahit kanino ano pa man ang estado nila sa buhay. Iniligtas niya si James sapagkat ayaw niyang mamatay siya sa gubat.“Hindi ko alam kung sino ka o kung saan ka nagmula. Gayunpaman, hindi na kita maaalagaan. Bago ako umalis, may mga aayusin ako para sa iyo.”Nagpagawa ng shelter si Melany sa Kineallen City kung saan niya dinadala ang mga inililigtas niya matapos gumaling ang mga pinsala nila.Habang bumubulong si Melany sa sarili niya, bigla nagtanong si James, “Ikaw ba ang nagligtas sa akin?”“…”Natulala siya.“N-Nakakapagsalita ka?”“Siyempre.” Sagot ni James, “Hindi lang ako makapagsalita noon sa tindi ng mga pinsala ko. Oo nga pala, saan ang lugar na ito?”Sa nakalipas na buwan, pawala wala ang malay ni James. Hindi niya alam kung saan siya napunta matapos lisanin ang Earth.“Ito ang tirahan ng pamilya Yanis sa Kinea