Maraming tao ang nagtipon sa pangunahing gusali ng Celestial Abode, kabilang dito si Sophie, si Thea, si Henry, ang Blithe King, si Delainey, at ang Spirit Tool. Isinalaysay ni James ang mga nangyari.“Isang bigatin mula sa Ancient Realm ang dumating, inakusahan niya ako na nagcultivate ako ng Demonic Arts, at hinatulan niya ako. Gusto niya akong patayin.”“Huh?” Noong narinig niya ito, agad na tumayo si Thea at nag-aalalang nagtanong, “Kung ganun, anong dapat nating gawin?”Umiling si James at sinabing, “Hindi ko rin alam. Ang Ancient Realm ang pinakamalakas na mundo sa tatlong libong mga Sealed Realm. Ngayon, nagbabanta ang Sect Elder ng Divinity Sect mula sa Ancient Realm na buburahin niya ang lahat ng tao sa Earth simula sa Wyrmstead kapag hindi ako nagpakamatay.”Hindi alam ni James ang gagawin niya.“Dahil may lakas siya ng loob na sabihin ang mga bagay na ‘yun, malamang sapat ang lakas niya upang tuparin ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin natin ngay
Dahil ayaw ni Sophie na tulungan si James, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tumakas. Subalit, saan naman siya pwedeng pumunta? Alam niya na ang Ancient Realm ang pinakamalakas na mundo sa tatlong libong mga Sealed Realm. Dahil isang napakalakas na sect ang Divinity Sect, malamang ay may taglay na pambihirang lakas ang Sect Elder nito. Madali siyang mahahanap ng taong iyon. Pagkatapos niyang umalis sa Wyrmstead, gumawa si James ng isang maskara at binago niya ang kanyang itsura. Samantala, sa Mount Bane… Maraming tao ang nagtipon sa main hall ng Divinity Sect, na nasa isang bundok na nagmula sa mga Sealed Realm. Ang bundok na ito ay sakop ng Divinity Sect ng Ancient Realm. Pinangungunahan ito ni Yuvaan Zymir, ang Sect Elder ng Divinity Sect, at nasa harap niya ang ilang mga kalalakihan. "Anong klaseng providence ang nakuha ni James? Paano niya nagawang i-cultivate ang nakakatakot na cultivation method na 'yun?" Nagtatakang nagtanong ang isang lalaki. Ngumit
Hindi nangahas si James na isipin ang tungkol dito. Pagkatapos, pumasok siya sa isang bar.Dahil gabi na, maririnig ang nakakabinging tugtog mula sa loob ng bar.Kahit na dumating na ang First Calamity, naging maayos na ang sitwasyon sa Earth. Pumanaw ang mga tinamaan ng virus, at nagkaroon naman ng immunity ang mga nakaligtas.Ganun din ang kaugalian ng mga tao. Magpapakasaya sila ng husto para sa wala.Dahil maraming taong hindi nagpunta si James sa isang bar at wala siyang ibang pupuntahan sa ngayon, pumasok siya sa bar at umorder ng dalawang bote ng wine.Habang umiinom siya, nakapako ang tingin niya sa mga babaeng sumasayaw.Noong sandaling iyon, pinanghinaan siya ng loob.Malaki ang sinakripisyo niya upang protektahan ang mga tao sa Earth. Subalit, walang ibang ginawa ang mga tao kundi ang magpakasaya. Sabi nga nila, hindi mauunawaan ng mga tao ang kahulugan ng isang nasirang imperyo. Habang umiinom siya, ito ang unang pagkakataon na hindi niya alam ang gagawin niya.
Matagal nang narinig ni James ang tungkol sa Telepathic Master ng Mount Springcastle. Noong dinala siya ng Omniscient Deity sa Chamber of Scriptures, naaalala niya ang pag-uusap nila ng custodian. Tumingin sa kanya si James at nagtanong, “Nasaan ang Mount Springcastle? Kaya bang labanan ng master mo ang Divinity Sect ng Ancient Realm?”Umiling ang Omniscient Deity at sinabing, “Noong simula, wala akong ideya kung saan matatagpuan ang Mount Springcastle o kung sino ang master ko. Kamakailan lang noong nalaman ko na ang Mount Springcastle ay matatagpuan sa isang Sealed Realm, at ang mga cultivator ng Mount Springcastle ay ang mga ninuno ng mga tao sa Earth. Tsaka, may ilang mga envoy mula sa Mount Springcastle ang dumating at kumausap sa’kin, at sinabi nila na maaari akong humingi ng tulong kapag nagkaroon ako ng problema.”Noong narinig niya ito, agad na sinabi ni James na, “Sige, kung ganun. Hihintayin kita dito. Dalian mo at umalis ka na.”Tumango ang Omniscient Deity. “Binigyan
Alam niya na matutulungan siya ng mga cultivator mula sa Mount Springcastle na tapusin ang problemang ito. Subalit, nanatilio sila sa mga tirahan nila at nanood lamang sila/ “Huminahon ka, James. Mag-isip tayo ng ibang paraan.”“Paano ako hihinahon kung nasa panganib ang pamilya ko?!”Sumigaw sa galit si James.Pagkatapos, naglakad siya papunta sa Mount Bane ng may mabigat na mga yabag.Kapag may nangyaring masama sa pamilya niya, pagbabayarin niya ang Divinity Sect.“James, huwag kang magpadalos-dalos sa kilos mo!”Sumigaw ang Omniscient Deity.Subalit, hindi siya pinansin ni James at nagtungo si James sa direksyon ng Divinity Sect.Di nagtagal, nakarating siya sa destinasyon niya.Sa paanan ng bundok, maraming mga disipulo ng Divinity Sect ang nakaabang. Lahat sila ay nakasuot ng mga sinaunang balabal at may hawak na mga espada.“Sinong nadyan?”Noong dumating siya, hinarangan nila ang daan ni James.Tumingin ng masama si James sa kanila. Subalit, kahit na galit na gali
Huminga ng malalim si James at tumingin siya kay Thea at kay Winnie ng nakangiti, at sinabing, “Umalis na kayo. Magiging ayos lang ako.” Hindi na si Thea ang inosenteng dalaga na gaya ng dati. Kaya naman, hindi na siya nanatili ng matagal sa lugar. Hinawakan niya ang kamay ni Winnie at umalis. “Daddy… Daddy!” Subalit, tinawag ni Winnie si James, at ayaw niyang umalis.Niyakap ni Thea si Winnie at tumingin siya sa mga Callahan, at sinabing, “Lolo, umalis na tayo.”Pinagmasdan ni James ang pag-alis nila.Pagkaalis nila, bumuntong-hininga si James at tumingin siya kay Yuvaan, at sinabing, “Sayong-sayo na ako. Umaasa ako na tutuparin mo ang pangako mo at hindi mo na guguluhin ang pamilya ko. Kung hindi, hinding-hindi kita mapapatawad.”“Ikulong niyo siya!”Ang utos ni Yuvaan.Pagkatapos, binitbit ng mga gwardiya si James at kinulong nila siya sa isang madilim at malamig na piitan.Samantala, sa Bane City…Nasa courtyard ng bahay na tinutuluyan nila si Marcello at si Jace.“J
Binigay ni Yuvaan ang kanyang utos, agad na lumapit kay James ang ilang mga disipulo, pinakawalan nila siya, at binuksan ang kanyang mga acupuncture point. Iyon ay dahil hindi natatakot si Yuvaan kay James. Kahit na si James ang pinakamalakas na mandirigma ng Earth, isa lamang siyang langgam sa mga mata ni Yuvaan. Di nagtagal, nakahanda na ang mga gamit.Sinulat ni James ang cultivation method ng Sacrilegious Ascension at inabot niya ito kay Yuvaan, Subalit, habang sinusuri niya ito, dumilim ang kanyang mukha.“Ano ‘to?” Nagulat siya at nagtanong, “Ito ba ang paraan upang i-cultivate ang Sacrilegious Ascension?”Tumango si James at sinabing, “Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ko sa’yo na hindi mo ito makucultivate kahit na ibigay ko ‘to sa’yo.” “Niloloko mo ba ako?!”Dumilim ang ekspresyon ni Yuvaan, at naipon ang napakalakas na True Energy sa kanyang palad. Pagkatapos, pinatamaan niya si James sa dibdib, tumalsik si James at sumalpok sa pader. Bumagsak si James sa lupa at s
Madaling makakatakas si James. Kahit na selyado ang cultivation base niya, matindi pa din ang pisikal na lakas niya. Bukod pa doon, nasa kanya rin ang Celestial Abode at ang presensiya ni Sophie. Pinilit niya na hindi niya masosolusyunan ang problema pero makakatulong siya sa pagtakas.Ang iniisip lang niya ay baka puntiryahin ng Divinity Sect ang pamilya niya kapag tumakas siya.Naipit si James.“James, inaamin mo ba ang mga kasalanan mo?” dumagungdong ang isang boses.Inayos ni James ang sarili niya at tinignan si Yuuvaan, at ngumisis. “Anong mga kasalanan?”Pinagalitan siya ni Yuvaan, “Bilang anak ng mga makasalanan, dapat nagsisisi ka sa mga kasalanan mo. Pero nakipagtulungan ka sa Demon Race at nagcultivate ng Demonic Arts.”Nagtanong si James, “Nasaan ang ebidensiya?”“Itigil mo na ang pagsubok makawala sa sitwasyong ito!” malamig na nagsalita si Yuvaan, “Sapagkat gusto mo ng ebidensiya, ipapakita ko sa iyo!”Pagkatapos, nagplay siya ng mga video na kinunan noong kinalaban ni Jam