Pagkatapos patayin ni Quade si James, isa pang tao ang sumulpot bago siya makapagpahinga. Isa itong napakalakas na tao na mayroong mas malakas na enerhiya kaysa sa kanya. Pagkatapos niyang salagin ang atake ng lalaki, tumalsik siya. Isa nanamang matinding labanan ang naganap sa lugar. Noong sandaling iyon, nakahiga si James sa mga gumuhong lupa sa ibaba nila habang nanghihina. Nadagdagan ng husto ang lakas niya pagkatapos niyang gamitin ang Sacrilegious Ascension. Subalit, maihahambing lamang ang kanyang lakas sa lakas ng isang tao na nasa Sixth Stair ng Immortal Ascension. Samantala, naabot na ni Quade ang peak ng Sixth Stair ng Immortal Ascension at malapit na niyang maabot ang Seventh Stair. Kahit na parehong nasa Sixth Stair ng Immortal Ascension ang lakas nila, napakalaki ng pagitan nila.Malubhang nasugatan si James ngunit buhay pa siya. Inayos ng Demonic Lotus ang kanyang katawan, kaya hindi pa sapat ang lakas ni Quade upang mamatay siya.Noong maramdaman niya
Matindi ang naging laban ng dalawa at pareho silang sugatan. Pareho na silang pagod. Ngunit sa kabila nito, malakas pa rin sila.“Bw*sit. Nagkamali ako. Masyado akong maagang nagpakita. Dapat naghintay ako hanggang sa hindi na nila kayang lumaban.”Pinalo ni James ang kanyang noo.Nagsisi siya na kumilos siya at masyado siyang maagang nagpakita.Tumingin ang dalawa kay James ng may takot sa kanilang mga mata, lalo na ang lalaking nakaitim na balabal. Noong sandaling iyon, pinagpawisan siya ng malamig.Samantala, nag-iisip ng malalim si James.Wala siyang sama ng loob sa lalaking nakaitim na balabal. Malamang ay iiwas sa gulo ang lalaking nakaitim na balabal kung hindi siya umatake. Subalit, mayroong hidwaan sa pagitan nila ni Quade na kailangan niyang tapusin.Nagdesisyon si James na unahing patayin si Quade.Pagkatapos niyang makapagdesisyon, sinabi ni James na, “Katapusan mo na, Quade.”Umalingawngaw ang malamig na boses ni James, at lumabas mula sa katawan niya ang Demonic
”Ang Infinity Stele?” Nagtanong si James.Nakasulat sa Infinity Stele ang impormasyon tungkol sa panahon kung saan siya napadpad. Dahil napadpad siya sa Infinity City, wala na siya sa orihinal niyang panahon at naglakbay siya sa nakaraan.Tumingin si James sa kanyang paligid.Maraming mga cultivator sa siyudad.Ang mga taong ito ay ang mga taong nakapasa sa kanilang mga pagsubok at nakapasok sa Infinity City.Ang Infinity City ang unang destinasyon nila sa kanilang paglalakbay sa nakaraan.Naglakad-lakad si James sa siyudad at di nagtagal ay nahanap niya ang isang misteryosong bato na may mga nakaukit na mga salita. Isa itong itim na bato na may taas na 100 metro at may lapad na higit sa 20 metro. Maraming kakaibang salita ang nakaukit dito.Maraming tao ang nagtipon sa tapat ng bato.Sa isang tingin lang, nakita ni James ang isang napakalaking grupo ng mga tao. Hindi bababa sa 100,000 katao ang naroroon.“Anong ibig sabihin ng mga salitang nakaukit dito?”“Talagang kamangha-
Nagtanong si James, “Paano ko ito kukunin?”Sumagot si Sophie, “Anong malay ko? Hindi pa ako nakarating sa Infinity City o sa Provenance noon.”“Sige.” Marahang tumango si James.Pagkatapos niyang makipag-usap kay Sophie, nalaman niya na ang itim na Infinity Stele sa harap niya ay posibleng isang pambihirang kayamanan at nilikha ito mula pa noong simula ng mundo. Malaki ang maitutulong nito sa kanya kung magagawa niya itong kunin at matututunan niya itong kontrolin.Ang Infinity Stele ay hindi isang simpleng kagamitan upang malaman ang sikreto ng mundo.Subalit, hindi alam ni James kung paano niya ito kukunin.Nag-isip ng malalim si James.Pagkatapos, lumapit siya sa itim na Infinity Stele at sinubukan niya itong buhatin.Subalit, hindi niya man lang maiangat ang Infinity Stele.Masyado itong mabigat na para bang nakabaon ito sa mundo, hindi man lang ito umurong ng kahit kaunti.‘Paano ko ba ‘to gagawin?’Tiningnan ni James ang Infinity Stele at muli siyang nag-isip.Mas du
Hindi sigurado si James kung gaano kalakas si Sophie. Subalit, nagawa niyang pagalawin ng kaunti ang Infinity Stele.Kahit na nasaktan siya, nagawa pa rin niya itong iusog ng kaunti.Lumapit si James kay Sophie at tinulungan niya siyang bumangon mula sa lupa. Nag-aalala siyang nagtanong, “Ayos ka lang ba?”Marahang kinumpas ni Sophie ang kanyang kamay at pinunasan niya ang dugong tumutulo mula sa kanyang mga labi. Pagkatapos, sumagot siya, “Ayos lang ako. Epekto ito ng kapangyarihan ng Infinity Stele. May taglay itong pambihirang lakas. Gaya ng inaasahan sa isang pambihirang kayamanan na hindi kayang hawakan maging ng mga Emperor-ranked na cultivator.”Nagtanong si James, “Kung ganun, anong dapat nating gawin ngayon?”Napaisip ng malalim si Sophie.Pagkatapos niyang mag-isip ng ilang oras, sumagot siya, “Kahit ako hindi ko ito kayang buhatin dahil sa mga nakaukit na salita dito. Nakaukit din dito ang mga pangalan ng ilang mga Emperor-ranked na cultivator, na nagtataglay ng napa
Kumurap at naglaho ang katawan ni Sophie. Bumalik siya sa loob ng Celestial Abode. Pagkatapos niyang bumalik sa loob ng Celestial Abode, namutla ang kanyang mukha, at mukhang nagtamo siya ng malubhang pinsala. Ang sabi niya, "James, tinataboy ako ng mundo sa labas. Aatakihin ako ng mga nakaukit na salita sa Infinity Stele, kaya hindi na ako maaaring manatili sa labas."Nagmula ang boses ni Sophie sa loob ng Celestial Abode. Nagtaka si James sa mga sinabi niya at nagtanong siya, "Bakit ayos lang ako?" "Ito ay dahil sa mas mahina ang cultivation base mo. Malayo ka pa sa punto kung saan maiintindihan mo ang mga sinaunang salita. Kaya naman, hindi ka nila aatakihin."Muling nagtanong si James, "Kung ganun, ano na ang susunod kong gagawin?" Ang sabi ni Sophie, "Hindi mo kailangang magmadali. Marahil ay iniwan ng isang napakalakas na cultivator ang lugar na ito. At posibleng naiwan sa lugar na ito ang mga piraso ng kaluluwa niya."Pagkatapos magsalita ni Sophie, may ilang puting
Tumingin si James sa itim na Infinity Stele sa harap niya, at nagtaka. "Anong nangyayari? Bakit bigla akong pinabalik dito? "Anong ibig sabihin ni Tatum? Kailangan kong pasanin ang mga pasakit at Karna kung gusto kong makuha ang Infinity Stele? "Anong Karma ang kailangan kong pasanin? Naguluhan si James. "Ms. Sophie, nandyan ka ba?" Hindi ito naintindihan ni James, kaya nagtanong siya kay Sophie. "Nandito ako."Nagmula ang boses ni Sophie sa loob ng Celestial Abode. "Isang napakalakas na pwersa ang pumutol sa koneksyon mo sa Celestial Abode kanina. Hindi kita makausap. Kamusta? Anong nangyari?" Binanggit ni James ang mga sinabi ni Tatum. Pagkatapos ay nagtanong siya, "Ms. Sophie, ano sa tingin mo ang ibig niyang sabihin?" Nag-isip ng ilang oras si Sophie at sinaning, "Malamang nangangahulugan ito na kailangan mong maabot ang isang kwalipikasyon upang makuha mo ang Infinity Stele. Malamang ay magagawa mo itong kunin at itabi.""Ganun ba." Tumango si James. Nagl
Kahit na hindi siya sigurado sa mga katangian ng Infinity Stele, alam niya na hindi ito magagawang kontrolin ng mga ordinaryong cultivator.Masaya niyang itinabi ang Infinity Stele.Nagging itim na usok ang Infinity Stele at pumasok ito sa katawan niya, lumubog ito sa isang lugar sa loob ng kanyang Elixir Field.Ang sabi ni James, “Ms. Sophie, nakuha ko na ang unang Infinity Stele. Ibig sabihin ba nito madali ko ding makukuha ang ibang mga Infinity Stele? Talaga bang mayroong isang daan at walong mga Infinity Stele?”Ang paliwanag ni Sophie, “Oo, dapat. Kung totoo man ito o hindi, kakailanganin mong maglakbay patungo sa susunod na Infinity City upang malaman ito.”“Kailangan ko bang tapusin ang isang pagsubok upang makausad ako?” Ang tanong ni James.Noong sandaling iyon, binunyag ng Infinity Stele sa loob ng katawan ni James ang ilang impormasyon at ipinasa nito ang mga impormasyon sa kanya.Pagkatapos niyang matulala ng ilang segundo, ang masayang sinabi ni James, “Mukhang may