Bahagyang ngumiti ang Son of Heaven. "Inasahan kong napakalakas ng signature martial skill mo, tapos ganito?" Pagkatapos gamitin ang espada niya, tinulak niya ang palad niya nang may matinding pwersa. Tumilapon ulit si James at bumagsak nang malakas sa lapag sa malayo. Nang wala nang lakas para makatayo, nakahiga si James sa mga bato. Naniwala siyang pagkatapos niyang gamitin ang Invincible Body Siddhi, kahit na wala siyang laban sa Son of Heaven, tatagal siya kahit papaano. Gayunpaman, hindi niya alam na ganito palang nakakatakot ang isang Herculean. Hindi niya inasahang sa sobrang lakas ng Son of Heaven ay kaya niyang sirain ang Invincible Body Siddhi nang ganun kadali. Binasag ng mga atake mula sa Son of Heaven ang laman-loob niya at meridians sa buo niyang katawan Nagtamo siya ng mga sugat na hindi pa niya naranasan. Humiga siya sa lapag at hindi makatayo. Sa kasalukuyan, inaayos ng katawan niya ang sarili nito. Hindi kaagad kumilos ang Son of Heaven para durugin s
Nang naisip ito ng Son of Heaven, bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Alam niyang ang isang napakamakapangyarihang taong naghahanap ng tagapagmana ay may napakataas na ekspektasyon para sa taong iyon. Kailangan nilang panatilihing maging makatao. Nagiging mapagbigay siya ngayon kaya tiyak na tatandaan ito ng dating may-ari ng Celestial Abode. "James, kumilos ka na. Hindi ako iilag. Gagamitin ko ang sarili kong kapangyarihan para pigilan ang kahit na anong atakeng ibibigay mo. Kung hindi ko kayang salagin ang atake mo, hindi rin ako nararapat para sa Celestial Abode na ito." Umalingawngaw ang boses ng Son of Heaven. Sa labas ng arena, nanginig ang gilid ng bibig ni Xain. Alam na alam niya ang lakas ni James. Isa talagang halimaw si James. Hindi siya nag-ingat tatlong taon ang nakaraan at nabiktima siya ng plano ni James. Ang resulta nito, nagtamo siya nang matinding mga sugat at nawalan ng kakayahang lumaban. Tatlong taon ang nakaraan, wala lang si James sa mga mata ni
Nagsanib ang dalawang magkaibang True Energy. Naging isa itong bagong kapangyarihan at bumugso mula dito ang isang nakakatakot na pwersa.Sa labas ng arena, nanlaki ang mga mata ng marami.“Cosmic Destruction.”Kinumpas ni James ang kanyang kamay at bumugso paharap ang pinagsanib na True Energy sa kanyang palad, bumugso ito papunta sa Son of Heaven ng napakabilis.Isa itong bola ng True Energy. Hindi ito gaanong malaki, halos kasing laki lamang ito ng isang basketball. Subalit, nakakasilaw ito, at nagmumula dito ang isang kakaibang liwanag. Nasira ang espasyo kung saan dumaan ang bola ng True Energy at gumawa ito ng kumakaluskos na ingay. Naalerto ang Son of Heaven. Sa sandaling ito, inipon niya ang lahat ng kanyang True Energy sa kanyang palad at tinulak niya ang kanyang mga palad paharap ng buong lakas. Nagsalpukan ang dalawang malakas na enerhiya sa arena. Boom!Nagkaroon ng isang pagsabog sa kalangitan. Gumawa ng nakakatakot na mga energy wave ang pagsabog na dumaan
Noong narinig ni James ang mga salitang iyon, nakahinga siya ng maluwag. Sa wakas, nalampasan na niya ang checkpoint na ito. Sa wakas, maaari na siyang makausad sa ninth checkpoint. Siya ang unang nakaabot sa ninth checkpoint, kaya siya ang may pinakamalaking tyansa na makakuha sa Celestial Abode. Itinabi ni James ang Primordial Dragon Blade. Tumingin ang anino sa Son of Heaven, na nakahiga sa lupa at nasa bingit ng kamatayan, pagkatapos ay kinumpas nito ang kamay nito. Isang pill ang sumulpot sa kamay nito. Binigay nito ang pill sa Son of Heaven at sinabing, "Hindi ka makakalaban sa kalagayan mo ngayon. Upang maging patas ang lahat, inumin mo muna ang pill na ito."Tinanggap ng Son of Heaven ang pill at nilunok niya ito. Pambihira ang pill na ito at napakabisa. Di-nagtagal pagkatapos itong lunukin ng Son of Heaven, nagawa na niyang tumayo. Inalis ng anino ang Magic Circle na nakapalibot sa arena. Naglakad si James palayo sa arena. Agad na lumapit sa kanya si Marcello,
Malamig ang tono ng kanyang boses. Wala itong emosyon, gaya ng isang robot. Pagkatapos niyang matulala sandali, nagtanong si James, "Ilabas ang espada ko? Bakit?" Wala pa ring kahit kaunting emosyon sa mukha ng babae, at sinabi ng babae na, "Kung nakaabot ka dito, malamang napakahusay, talentado, at bihasa ka sa lahat ng aspeto. Kapag natalo mo ako ngayon, mapupunta sa'yo ang Celestial Spirit. Kapag nalinang mo ang Celestial Spirit, magagawa mong kontrolin ang Celestial Abode na 'to."Nagmumula ang puting liwanag sa mga mata ng babae habang nagsasalita siya. Tumutok ang liwanag na ito kay James. "Hindi mataas ang rank mo, ngunit malakas ang pisikal na pangangatawan mo. Medyo magiging mahirap ito."Kumunot ang mga kilay ng babae. Siya ang bantay ng huling checkpoint. Hindi siya isang tao o isang buhay na nilalang kundi isa siyang bagay na gawa ng mga tao, gaya ng anino ng Spirit Tool. Sa madaling salita, isa siyang artificial intelligence. Sa mas simpleng depinisyon, isa siy
Medyo nagduda si James. Ganito ba kalakas ang cultivation base ng peak Supernatural Eighth Inner Gate? May nakalaban na siyang malakas na tao na nasa Supernatural Ninth Inner Gate. Kahit siya kasing lakas nila, nagawa niya silang talunin o patayin dahil sa malakas niyang pangangatawan. "Oo," Ang sabi ng babae. "Dahil 'yun ang sinabi ko.""Sige. Kung ganun, saluhin mo ulit ang isa pang atake ko." Duda pa rin si James. Ganito ba kalakas ang peak ng Supernatural Eighth Inner Gate? Wala siyang magawa laban dito. Tinaas niya ang dalawang kamay niya. Sa mga palad niya, nagkaroon ng dalawang magkaibang True Energy. Unti-unting nagsama ang dalawang bola ng True Energy. Gagamitin niya ang Cosmic Destruction. Kung hindi niya kayang talunin ang babaeng ito gamit nun, wala na siyang pag-asa na makuha ang Celestial Abode. Tahimik siyang pinagmasdan ng babae. Pagkatapos, isang bola ng enerhiya ang sumugod papunta sa kanya ng may nakakatakot na pwersa. Naging seryoso ang mukha niyang
Ang nakangiting sinabi ni James, "Napakasimple lang ng huling checkpoint. Talunin mo siya, at makukuha mo ang Celestial Abode."Noong narinig niya iyon, bumuntong-hininga si Marcello. Nakatingin ang babae kay Marcello. May lumabas na puting liwanag mula sa mga mata ng babae at tumutok ito kay Marcello. "Oh. Kahanga-hanga ka. Naabot mo na ang fourth layer ng Herculean rank sa napakabatang edad."May bakas ng pagkagulat sa mukha ng babae. Gawa lamang siya ng tao, at pambihira ang kanyang mga kakayahan. May kakayahan siyang alamin ang edad at cultivation base ni Marcello. Sa taglay niyang lakas sa napakabatang edad, walang duda na talentado siya. "Dahil nasa fourth layer ka na ng Herculean rank, lilimitahan ko ang rank ko sa fourth layer ng Herculean rank. Umatake ka. Talunin mo ako, at makukuha mo ang Celestial Spirit."Narinig sa buong lugar ang boses ng babae. "Sige." Nasasabik nang magsimula si Marcello. Mabilis siyang kumilos. Sa isang iglap, sumulpot siya sa harap n
Mahirap malampasan ang huling pagsubok.Maging si Marcello ay walang pag-asang manalo.Kaya naman, pinili niyang umalis.Hindi siya nag-aalala na yung ibang tao na kasunod niya ay magagawang talunin ang babaeng nakaputi.Bumalik ang dalawa sa parehong daan.Di-nagtagal, umalis sila sa siyudad.Nagkikipaglaban pa ang iba sa labas ng siyudad.Noong nakita nila si Marcello at si James na lumabas mula sa siyudad, nagtaka sila.Subalit, nagpatuloy lamang ang dalawa sa paglalakad ng hindi nagsasalita.Maraming mga Magic Circle at mga harang sa daan nila, ngunit walang naging balaklid sa daan nila pabalik. Hindi sila nahirapan na makabalik sa tuktok ng bundok sa labas ng siyudad.Mayroong lagusan sa tuktok ng bundok na binubuo ng kulay gintong liwanag.Pumasok ang dalawa sa lagusan ng walang pag-aalinlangan, at dinala sila nito palabas ng Celestial Abode papunta sa isang bundok sa loob ng Mount Bane.Ilang buwan na ang lumipas mula noong pumasok sila sa siyudad.Nagtipon ang mga