Ang nakangiting sinabi ni James, "Napakasimple lang ng huling checkpoint. Talunin mo siya, at makukuha mo ang Celestial Abode."Noong narinig niya iyon, bumuntong-hininga si Marcello. Nakatingin ang babae kay Marcello. May lumabas na puting liwanag mula sa mga mata ng babae at tumutok ito kay Marcello. "Oh. Kahanga-hanga ka. Naabot mo na ang fourth layer ng Herculean rank sa napakabatang edad."May bakas ng pagkagulat sa mukha ng babae. Gawa lamang siya ng tao, at pambihira ang kanyang mga kakayahan. May kakayahan siyang alamin ang edad at cultivation base ni Marcello. Sa taglay niyang lakas sa napakabatang edad, walang duda na talentado siya. "Dahil nasa fourth layer ka na ng Herculean rank, lilimitahan ko ang rank ko sa fourth layer ng Herculean rank. Umatake ka. Talunin mo ako, at makukuha mo ang Celestial Spirit."Narinig sa buong lugar ang boses ng babae. "Sige." Nasasabik nang magsimula si Marcello. Mabilis siyang kumilos. Sa isang iglap, sumulpot siya sa harap n
Mahirap malampasan ang huling pagsubok.Maging si Marcello ay walang pag-asang manalo.Kaya naman, pinili niyang umalis.Hindi siya nag-aalala na yung ibang tao na kasunod niya ay magagawang talunin ang babaeng nakaputi.Bumalik ang dalawa sa parehong daan.Di-nagtagal, umalis sila sa siyudad.Nagkikipaglaban pa ang iba sa labas ng siyudad.Noong nakita nila si Marcello at si James na lumabas mula sa siyudad, nagtaka sila.Subalit, nagpatuloy lamang ang dalawa sa paglalakad ng hindi nagsasalita.Maraming mga Magic Circle at mga harang sa daan nila, ngunit walang naging balaklid sa daan nila pabalik. Hindi sila nahirapan na makabalik sa tuktok ng bundok sa labas ng siyudad.Mayroong lagusan sa tuktok ng bundok na binubuo ng kulay gintong liwanag.Pumasok ang dalawa sa lagusan ng walang pag-aalinlangan, at dinala sila nito palabas ng Celestial Abode papunta sa isang bundok sa loob ng Mount Bane.Ilang buwan na ang lumipas mula noong pumasok sila sa siyudad.Nagtipon ang mga
”Mauuna na ako, James. Kailangan kong humanap ng lugar kung saan ako pwedeng magmeditate ng mag-isa. Kung aayon ang lahat sa plano, babalik ako dito pagkaraan ng tatlong taon upang hamunin ang custodian ng ninth barrier. Umaasa ako na magsasanay ka ding maigi. Magkita ulit tayo sa Mount Bane pagkaraan ng tatlong taon.”“Mhm.” Tumango si James.Alam ni James na kailangan niyang magcultivate ng maigi.Hanggang walang nagmamay-ari sa Celestial Abode, hindi siya susuko.Pagkatapos magpaalam ni Marcello, tumalikod siya at umalis.Nagpaiwan si James at kinamusta niya ang ilan sa mga kaibigan niya.“Nakita mo ba si Maxine, James?”Dalawang payat at magandang babae ang lumapit sa kanya.Ito ay si Tiara at si Cynthia.Nang makita nila si James, nahihiyang niyuko ni Tiara ang kanyang ulo at hindi siya nagsalita.Si Cynthia ang unang nagsalita.“Si Maxine?”Nagulat si James sa tanong niya at sinabing, “Hindi ko siya nakita.”Pagkatapos niyang marinig ang sagot ni James, kumunot ang m
Pagkatapos umalis ni James sa Mount Bane, nagmadali siyang pumunta sa Lothian.Pumunta siya sa military region ng pinakamalapit na siyudad sa Mount Bane at sumakay siya sa isang private plane papunta sa Lothian.Pagkalipas ng kalahating araw, nakarating si James sa Lothian.Nakipagkita siya kay Langston, Tyrus, at Xandra sa palasyo.Alam ni Xandra na karamihan sa mga Overworld Outsider ay nagtungo sa Celestial Abode sa Mount Bane. Dahil alam na nila ang tungkol dito, hindi na nag-abala pang mag-imbestiga ang mga martial artist ng Lothian.“Kamusta, James? Ayos ka lang ba?”Hinila ni Xandra si James at tiningnan niya kung nasaktan ba si James.Ngumiti si James at sinabing, “Walang nangyaring masama sa’kin.”“Oo nga pala, ano ba talaga ang Celestial Abode?” Ang tanong ni Tyrus.Pinaliwanag ni James ang mga nangyari pagkatapos niyang pumasok sa Celestial Abode.Sa kabila ng mahinahong paglalarawan ni James, namutla at nabigla ang lahat sa mga pangyayaring sinalaysay ni James.“
Isang babae ang nakaupo sa isang lotus position sa tabi ng maliit na puno. Ito ay si Delainey na nakaupo doon habang nagkucultivate. Marahil ito ay dahil sa pagkain niya sa kulay pilak na prutas, pero umiilaw ng kulay pilak si Delainey na para bang naliliwanagan siya ng buwan. Lalo siyang nagmukhang maganda at mahiwaga dahil dito. Nang maramdaman niya na may palapit tumigil sa pagkucultivate si Delainey. Inangat niya ang kanyang ulo at masaya siyang tumayo. "Nakabalik ka na, James!" Tumango si James at sinabing, "Salamat, Delainey.""S-Sino 'yang kasama mo?" Tumingin si Delainey sa babae sa likod ni James.Ngumiti si James at nagpaliwanag, “Siya ang nanay ko.”Agad siyang binati ni Delainey ng nakangiti, “Madam.”“Hello, kinagagalak kitang makilala.” Nakangiting sumagot si Xandra.Iniba ni Delainey ang usapan at sinabing, “James, namunga na ang Sacred Tree. Pambihira ang mga ito. Nagkucultivate ako malapit sa puno nitong mga nakaraan, at nagawa nitong palakasin ng husto an
Napakalakas ng enerhiyang nagmumula sa katawan ni Thea. Nagawa ni James na malaman ang kasalukuyang cultivation rank ni Thea gamit lamang ang enerhiyang ito. Malamang umabot na sa Supernatural Consummation ang kanyang cultivation base at kaunti na lang ay malapit na siyang maging isang Herculean. Humarap ang custodian kay Xandra at sinabing, "Simula ngayon, mananatili ka dito upang linisin ang Demonic Energy sa loob ng katawan mo.""Naiintindihan ko." Tumango si Xandra. Ilang libong taon siyang pinahirapan ng Demonic Energy sa loob niya. Masaya siya na sa wakas ay magagawa na niya itong alisin. “Ms. Custodian…”Nagsalita si James ng may pag-aalinlangan. Tumingin sa kanya ang custodian at nagtanong, "Ano 'yun? May iba ka pa bang kailangan?" Nilakasan ni James ang kanyang loob at sinabi na, "Lumitaw ang isang Celestial Abode sa Mount Bane…"Detalyado niyang isinalaysay ang mga pangyayaring naganap sa Celestial Abode. "Gusto kong malampasan ang ninth barrier, pero hindi p
Marahan na tumango si James. Nagpatuloy sila sa paglalakad ng lima pang minuto hanggang sa may nakita silang spectral doorway sa kanilang harapan. Ang portal ay higit sa limang metro ang taas at binubuo ito ng itim na enerhiya. May patuloy na daloy ng itim na enerhiya sa loob ng pasilyo. “Tara na.”Kaswal na kinaway ng tagapangalaga ang kamay nito, at isang malakas na enerhiya ang dumaloy mula sa kanyang kamay, na bumalot kay James. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni James at sinamahan ito sa writhing portal. Naramdaman ni James na may malakas na pwersa na pumipiga sa kanyang katawan nang dumaan siya sa portal. Kahit na protektado siya ng True Energy ng tagapangalaga, pakiramdam niya ay mababali na ang kanyang mga buto, at ang matinding pressure ang nagpahirap sa kanya na huminga. Mabuti na lang, ang pakiramdam na ito ay hindi rin naman nagtagal. Pagkatapos nilang makalampas sa portal, nakarating sila sa isang hindi pamilyar na lugar, at ang hindi maayos na pakiram
Kinain ni James ang isa sa mga pilak na prutas. Isang hindi mawaring amoy ang pumuno sa kanyang bibig hanggang sa kanyang lalamunan at buong katawan sa isang kagat lang. Pagkatapos nun, may malakas na enerhiya ang dumaloy sa kanyang katawan. Bumukas ang mga butas ng kanyang bakat, at may lumabas na kulay pilak na liwanag mula sa kanyang katawan, na nagpalutang sa kanyang katawan mula sa lupa. Pakiramdam niya ay aakyat na siya sa langit. “Pambihira naman ang enerhiya na ito.” Napanganga si James. Para maiwasan na mawala ang sobrang enerhiya sa kanyang katawan, sinara niya ang mga butas ng kanyang balat at mabilis na ginamit ang Lunar at Terra Art. Hinigop niya ang enerhiya sa loob ng kanyang katawan at nilinang ito gamit ng kanyang True Energy. Mabilis na nadagdagan ang kanyang True Energy dahil dito. Ilang panahon na rin simula nung naging Supernatural siya. Noon, nagcultivate siya sa Celestial Abode. Ngayong nakain niya ang misteryosong pilak na prutas, nararamdaman na ni