Kabanata 2042
”Mauuna na ako, James. Kailangan kong humanap ng lugar kung saan ako pwedeng magmeditate ng mag-isa. Kung aayon ang lahat sa plano, babalik ako dito pagkaraan ng tatlong taon upang hamunin ang custodian ng ninth barrier. Umaasa ako na magsasanay ka ding maigi. Magkita ulit tayo sa Mount Bane pagkaraan ng tatlong taon.”

“Mhm.” Tumango si James.

Alam ni James na kailangan niyang magcultivate ng maigi.

Hanggang walang nagmamay-ari sa Celestial Abode, hindi siya susuko.

Pagkatapos magpaalam ni Marcello, tumalikod siya at umalis.

Nagpaiwan si James at kinamusta niya ang ilan sa mga kaibigan niya.

“Nakita mo ba si Maxine, James?”

Dalawang payat at magandang babae ang lumapit sa kanya.

Ito ay si Tiara at si Cynthia.

Nang makita nila si James, nahihiyang niyuko ni Tiara ang kanyang ulo at hindi siya nagsalita.

Si Cynthia ang unang nagsalita.

“Si Maxine?”

Nagulat si James sa tanong niya at sinabing, “Hindi ko siya nakita.”

Pagkatapos niyang marinig ang sagot ni James, kumunot ang m
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP