Hindi alam ni James kung anong binabalak gawin ng custodian. Kahit na ganun, tumayo siya at masunuring sumunod sa kanya. Umapak sa ere ang custodian. Naglakad siya nang mabagal dahil sa takot na baka hindi makahabol si James sa kanya. Matiyagang sumunod si James sa kanya. Pagkatapos lampasan ang maraming gumuhong bundok at tuyong ilog, nakita ni James ang isang liwanag sa harapan niya. Nang lumapit sila, mas lumakas ang ilaw, at naaninag ni James na apoy ang nakita niya. Napapalibutan ng apoy ang bulubundukin ngunit nakakatakot na puti ang apoy nito. Medyo nakakapangilabot ang eksenang ito. Huminto ang custodian sa labas ng bulubundukin na napapalibutan ng apoy. Huminto rin si James sa paglalakad. Kahit na nakatayo sila malayo sa apoy, nararamdaman ni James ang matinding init at patuloy na pinagpawisan ang noo niya. Nagulat siya dahil walang pangkaraniwang apoy ang may epekto sa kanya sa ranggo niya. "Ano ang lugar na'to?" tanong ni James. Sumagot ang custodian, "It
Tuwang-tuwa si James. Pagkatapos ibuhos ang lahat ng oras at pagsisikap niya, sa wakas ay nakalampas na siya sa Eighth Inner Gate. Ngayon, kailangan niya lang palakasin ang sarili niya hanggang sa peak ng Eighth Inner Gate. Pagkatapos, makakayanan na niyang hamunin ang defender ng ninth barrier sa Celestial Abode. Mabilis na tumayo si James at naglakad papunta sa custodian. Tumalikod ang custodian at lumitaw ang isang balabal sa mga kamay niya. Iniabot niya ito kay James. Napansin ni James na tuluyang sinunog ng mga apoy ang damit niya. Nang may nahihiyang ekspresyon, kinuha niya ang damit na iniabot sa kanya ng custodian at nagsabing, "Salamat." Mabilis siyang nagdamit.Bagay na bagay sa kanya ang tradisyonal na balabal. Lumingon ang custodian para humarap sa kanya at tumango. Kuntento ang maganda niyang mukha habang nagsabing, "Magaling. Mas mabilis ang cultivation mo kaysa sa inaasahan ko." Hindi napigilan ni James na magtanong, "Gaano na ba katagal simula noong nagpu
Ginugol ni James ang nakaraang dalawang taon sa lugar ng sinaunang digmaan.Dalawang taon ang lumipas, at hindi siya sigurado kung may nakalampas na sa ika-siyam na barrier at naging bagong may-ari ng Celestial Abode.Mabilis niyang nilisan ang Chamber of Scriptures at naglakbay. Hindi na siya dumaan sa Lothian sapagkat ang nasa isip lamang niya ay ang Celestial Abode. Gusto niyang angkinin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon. Nagpunta siya sa kalapit na military region at ginamit ang awtoridad niya para sumakay ng pribadong eroplano patungo sa Mount Bane.Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating na din siya sawakas sa Mount Bane.Lumawak ang lupain sa paligid ng Mount Bane sa nakalipas na dalawang taon. Maraming hindi kilalang lugar ang nagpakita sa nakalipas na dalawang taon. Sumailalim sa pagbabago ang paligid, at hindi na pamilyar si James sa kapaligiran.Sa kabutihang palad, nakakita siya ng ginintuang liwanag sa kalangitan sa malayo.Alam niya na nagmumula ang liwanag
Sa oras na ito, tinignan ng tatlong babae si James at natakot sila.“Haah.” Huminga ng malalim si James at piniling na mag-ingat sa mga susunod niyang kilos.Nawala siya ng dalawang taon kaya hindi siya sigurado sa mga powerhouse na nagpakita sa Earth kamakailan lang. Hindi siya sigurado kung lalabanan niya ang mga Outsiders gamit ang kasalukuyan niyang lakas.Ngunit, narinig niyang nabanggit ang Omniscient Deity.Pinilit ni James sa pakalmahin ang sarili niya at nagtanong, “Nabanggit mo ang Omniscient Deity mula sa Earth. Malakas ba siya?”“Bakit? Hindi mo pa ba naririnig ang tungkol sa kanya? Oh! Baka bago ka lang dito, tama?”Tumango si James at sinabi, “Mhm. Kakapasok ko lang sa Earth at walang masyadong alam dito.”“Sabi ko na.”Nag-effort na magkuwento ang matabang lalake habang umaasa na makakabenta pa siya. Nagkuwento siya kay James, “Ang Omniscient Deity ay ang pinakamalakas na martial artist ng Earth. Isa siyang Herculean pagdating sa rank, at may mga kumakalat na balita na n
“Bata, hindi ko alam kung sino ka, pero ito ang Hazted City. Ang kahit sinong pumasok sa lungsod na ito ay dapat sumunod sa batas namin. Ikulong siya. Ikukulong siya ng tatlompung taon.” Galit na sagot ng guwardiya.Agad na pinalibutan si James ng mga guwardiya at kikilos na sila laban sa kanya.Bigla, naglaho ang katawan ni James at nagpakita sampung metro ang layo mula sa kung saan siya nakatayo kanina.“Huh?” nagulat ang pinuno ng mga guwardiya.Masyadong mabilis para sa kanya ang kilos ni James. Bago pa niya makita ang kilos ni James, nakatakas na siya mula sa kanila.“Kailangan mamatay ng taong iyan dito.”Itinuro ni James ang matabang lalake sa likod ng kapitan.Sapagkat nagbalik na siya, gusto niya ipamalas ang lakas niya para balaan ang mga Outsider na ang mga nangaargabyado sa mga tagalupa ay kailangan magbayad ng matindi.Tinitigan ng kapitan si James.Malakas si James. Mas malakas kaysa sa inaasahan niya. Ngunit, nasa Hazted City sila. Bilang kapitan ng mga guwardiya, ang tu
Namutla ang lahat matapos makita na pinatay ni James ang matabang lalake.Natakot ang mga babae sa kulungan. Hindi nila alam kung anong nangyayari at hindi nila alam ang pagkakakilanlan ng lalake na ipinaglalaban sila.Samantala, ang guwardiya ay nanlaki ang mga mata.“Mamamatay kang p*ta ka.”Kahit na ganito ang nakita niya, nanatili siyang kalmado.Nasa Hazten City siya kung saan si Tristen ang namumuno.Nagpakita mula sa wala ang siyudad na ito isang taon na ang nakararaan.Ang mga Outsider at naglaban ng matindi para sa pamumuno dito. Si Tristen ang nanalo at nasakop niya ang lungsod kung saan pinangalanan niya itong Hazted City.Hindi binigyan pansin ni James ang kapitan.Lumapit siya sa kulungan at binuksan ito.Kahit na magulo ang itsura ng mga babae sa kulungan, malinaw ang ganda nila. Siguradong magiging isa sa pinakamagandang babae ang mga ito kahit saang unibersidad sila pumasok.Matapos buksan ni James ang kulungan, sinibukan niya ipakita na wala siyang masamang intensyon.
Hindi ganoon kalaki ang sama ng loob sa pagitan ni James at ng Son of Heaven. Minanipula lamang ni James ang Son of Heaven para siya ang sumalo ng atake at magtamo ng pinsala.Matagal ng gusto ng Son of Heaven na pilipitin ang leeg ni James.Sa kasamaang palad, naglaho si James matapos lisanin ang Celestial Abode.Ngayon at nagpakita na si James at malakas ang loob na labagin ang batas sa Hazted City, kailangan niyang umakasyon bilang Deputy City Lord.Nag-utos siya, at ang alalay niyang si Leandro ay humakbang palapit.Batid ang takot sa mukha ng tatlong kolehiyala sa likod ni James.Tinitigan ni James si Leandro na palapit sa kanya. Dalawang taon na ang nakararaan, matindi nag iniwan na pinsala sa kanya ni Leandro sa Mount Bane. Ito ang dahilan kung bakit masama ang tingin niya sa mga Outsider.“Ano? Lalabanan mo ako?”Tinitigan niya si Leandro ng kalmado at hindi nagpakita ng takot.Lumapit si Leandro at tumayo sa harap ni James. Habang masama ang tingin niya, nagsalita siya, “Talen
Para sa mga tagalabas, makasalanan ang mga tagalupa at dapat mamatay. Kahit na mabababang uri ang tingin ng mga Outsider sa mga tagalupa, hindi nila naisip ang ubusin ang lahi nila.Sapagkat may mga pumoprotekta sa mga tagalupa—Ang Omniscient Deity.Kahit na mas mahina siya kumpara kay Tristen at sa iba pa, hindi siya madaling talunin.Bumukol ang mga ugat sa noo ni James matapos marinig ang pagkabura ng mga lungsod. Tinignan niya ang Son of Heaven, na naglalakad na palayo, at isinara ang mga kamao niya. “Sige, gawin mo kung malakas ang loob mo, Son of Heaven. Ililigpit kita bago ka may mapatay na isang tao.”Kalmadong nagsalita si James, pero walang bahid ng biro sa boses niya. Handa siyang patayin ang Son of Heaven kung balak niya ituloy ang pagbura sa mga lungsod.“Tara na.”Hindi na nanatili pa si James sa Hazted City at umalis kasama ang tatlong kolehiyala. Sinamahan niya silang tatlo palabas ng Mount Bane at inihatid sila sa isang lungsod.Sa labas ng lungsod, tinignan ni James a