Namutla ang lahat matapos makita na pinatay ni James ang matabang lalake.Natakot ang mga babae sa kulungan. Hindi nila alam kung anong nangyayari at hindi nila alam ang pagkakakilanlan ng lalake na ipinaglalaban sila.Samantala, ang guwardiya ay nanlaki ang mga mata.“Mamamatay kang p*ta ka.”Kahit na ganito ang nakita niya, nanatili siyang kalmado.Nasa Hazten City siya kung saan si Tristen ang namumuno.Nagpakita mula sa wala ang siyudad na ito isang taon na ang nakararaan.Ang mga Outsider at naglaban ng matindi para sa pamumuno dito. Si Tristen ang nanalo at nasakop niya ang lungsod kung saan pinangalanan niya itong Hazted City.Hindi binigyan pansin ni James ang kapitan.Lumapit siya sa kulungan at binuksan ito.Kahit na magulo ang itsura ng mga babae sa kulungan, malinaw ang ganda nila. Siguradong magiging isa sa pinakamagandang babae ang mga ito kahit saang unibersidad sila pumasok.Matapos buksan ni James ang kulungan, sinibukan niya ipakita na wala siyang masamang intensyon.
Hindi ganoon kalaki ang sama ng loob sa pagitan ni James at ng Son of Heaven. Minanipula lamang ni James ang Son of Heaven para siya ang sumalo ng atake at magtamo ng pinsala.Matagal ng gusto ng Son of Heaven na pilipitin ang leeg ni James.Sa kasamaang palad, naglaho si James matapos lisanin ang Celestial Abode.Ngayon at nagpakita na si James at malakas ang loob na labagin ang batas sa Hazted City, kailangan niyang umakasyon bilang Deputy City Lord.Nag-utos siya, at ang alalay niyang si Leandro ay humakbang palapit.Batid ang takot sa mukha ng tatlong kolehiyala sa likod ni James.Tinitigan ni James si Leandro na palapit sa kanya. Dalawang taon na ang nakararaan, matindi nag iniwan na pinsala sa kanya ni Leandro sa Mount Bane. Ito ang dahilan kung bakit masama ang tingin niya sa mga Outsider.“Ano? Lalabanan mo ako?”Tinitigan niya si Leandro ng kalmado at hindi nagpakita ng takot.Lumapit si Leandro at tumayo sa harap ni James. Habang masama ang tingin niya, nagsalita siya, “Talen
Para sa mga tagalabas, makasalanan ang mga tagalupa at dapat mamatay. Kahit na mabababang uri ang tingin ng mga Outsider sa mga tagalupa, hindi nila naisip ang ubusin ang lahi nila.Sapagkat may mga pumoprotekta sa mga tagalupa—Ang Omniscient Deity.Kahit na mas mahina siya kumpara kay Tristen at sa iba pa, hindi siya madaling talunin.Bumukol ang mga ugat sa noo ni James matapos marinig ang pagkabura ng mga lungsod. Tinignan niya ang Son of Heaven, na naglalakad na palayo, at isinara ang mga kamao niya. “Sige, gawin mo kung malakas ang loob mo, Son of Heaven. Ililigpit kita bago ka may mapatay na isang tao.”Kalmadong nagsalita si James, pero walang bahid ng biro sa boses niya. Handa siyang patayin ang Son of Heaven kung balak niya ituloy ang pagbura sa mga lungsod.“Tara na.”Hindi na nanatili pa si James sa Hazted City at umalis kasama ang tatlong kolehiyala. Sinamahan niya silang tatlo palabas ng Mount Bane at inihatid sila sa isang lungsod.Sa labas ng lungsod, tinignan ni James a
Nagpakita si James sa tuktok ng bundok at tinignan ang lungsod na pinalilibutan ng celestial aura sa malayo. Lalong tumibay ang kagustuhan niyang mapasakanya ang Celestial Abode.Maraming tao sa tuktok ng bundok.Hindi niya binigyan pansin ang mga ito at bumaba sa paanan ng bundok.Hindi nagtagal, nakarating siya sa unang barrier. Ang akala ni James ay kailangan niyang harapin ang hamon ng bawat barrier simula sa umpisa kung gusto niyang marating ang ika-siyam na barrier. Sa kabutihang palad, ang golem sa unang barrier ay hindi siya inatake.Natuwa si James. Malaking oras ang natipid niya dahil hindi na niya kailangan tumawid muli sa mga barrier.Patuloy siya sa paglalakbay niya at nakita na walang hamon sa daan niya. Hindi nagtagal, nakarating siya sa paanan ng bundok at nasa labas ng lagusan papasok sa lungsod.Noong nagpakita siya sa lagusan papasok ng lungsod, lumutang ang katawan niya at agad na napunta sa gitna ng lungsod. Pagkatapos, nakatapak na siya sa sahig.Tinignan niya ang
Ang babae na nakaputi ay nasasabik. Matapos ang napakaraming taon, nakahanap na siya ng nararapat na kalaban. Tumigil na siya sa pagpipigil at ginamit ang buong lakas ng nasa rurok ng Eight Inner Gate.Lumutang ang damit niya habang lumalabas ang matinding puwersa mula sa kanya.Sa isang iglap, sinugod niya si James at ginamit ang palad niya. Matinding Palm Energy ang rumagasa paharap, kung saan nabaluktot ang espasyo.Ang atake niya ay sapat para mapinsalaan ang isang pangkaraniwan na Herculean martial artist.Ngunit, hindi takot si James sa palm attack niya. Hindi siya umatras. Sa halip, sumugod pa siya at sinalubong ang atake niya.Rumble!!!Habang magkadikit ang True Energy nila, nagsimulang bumaluktot ang paligid.Rumagasa sa arena ang epekto nito.Naglaban ang dalawa sa isang maluwag na paligid. Nagpamalas ng matinding bilis ang babae, at hindi mahulaan ang kilos niya at misteryoso.Kahit na malakas ang True Energy ni James, madaling nasangga ang mga atake niya. Sa loob lang ng m
Unang palitan pa lang nila ng atake gamit ang espada, pero tumalsik na agad ang espada ni James.Matapos maalis ang espada ni James, sinugod siya ng babae ng sobrang bilis. Ang espada niya ay nakatutok sa dibdib ni James, pero hindi niya itinuloy ang pagsaksak. Pagkatapos, tinignan niya si James at ngumiti.“Talo ka na.”“Natalo… ako?” natulala si James.Hindi niya inaasahan na matatalo siya agad.Matapos ang dalawang taon ng pag-eensayo ng husto, paano siyang matatalo ng ganoon na lang?“Hindi pa.”Sa oras na iyon, ginamit ni James ang pagkakataon para itaas ang kamay niya. Bigla, may dalawang magkaibang True Energy ang nabuo sa palad niya.Ang dalawang True Energy ay nagsanib at gumawa ng bagong enerhiya, na biglang sumabog.Ang buong proses ay natapos ng wala pang isang segundo.Ang babaeng nakaputi ay hindi inaasahan na magpapatuloy pa ang laban. Sa totoo lang, kaya niyang iwasan ang atake, pero nakatanggap siya ng mensahe mula sa Spirit Tool sa kritikal na oras.Ito ang naging dah
Habang nag-eecho ang pagtawa niya, unti-unting naglaho ang malabong imahe at naglaho na ito ng tuluyan.Tahimik na pinanood ng Spirit Tool at ng babae na nakaputi na dress ang eksena mula sa malayo.Alam nila na nilisan na ng master nila ang mundong ito ng tuluyan.Samantala, tuwang tuwa si James sapagkat mabilis siyang lumapit sa Celestial Spirit at kinuha ito.Sa oras na ito, lumapit ang Spirit Tool at nagpakita sa harapan ni James. Yumuko siya ng kaunti at sinabi ng magalang, “Master, ang pagrefine sa Celestial Spirit ay napakasimple. Ang kailangan mo lamang ay ipasok ang True Energy mo dito.”“Sige, salamat at ipinaalam mo ito sa akin.” Nagpapasalamat si James.Ginamit niya ang True Energy niya at pinadaloy sa Celestial Spirit sa kamay niya.Sa oras na ito, kuminang ang kristal at unti-unti ito naging simbolo sa ere. Bumaba ito sa noo ni James at lumubog dito.Agad nakaramdam ng koneksyon si James sa Celestial Abode.Nararamdaman niya ang lahat ng nasa Celestial Abode at nalaman na
Napatingin si Sophie kay James. Biglang lumitaw ang katawan niya at nawala.Si James ay naging may-ari ng Celestial Abode ngunit hindi niya maramdaman si Sophie.Nagulat siya.Pambihirang babae.Tumingin si James sa Spirit Tool at sinabing, "Sir, aalis na po ako."“Master, hindi mo kailangang maging pormal sa akin. Tawagin mo na lang akong Nova."Bilang may-ari ng Celestial Abode, nangangahulugan ito na siya rin ang bagong master ni Nova.Hindi siya pumayag na kausapin siya ni James nang pormal.Nanatiling tikom ang bibig ni James pagkatapos noon.Pagkatapos mag-isip, agad siyang nagpakita sa labas ng Celestial Abode.Sa sandaling iyon, hindi mabilang na mga martial artist ang nagtipon sa labas ng Celestial Abode. Lahat ng mga taong ito ay mga tagalabas.Si James ay lumitaw sa isang desyerto na lugar sa labas ng Celestial Abode at tumingin sa mga taong nagkukumpulan sa ‘di kalayuan. Ang kanyang mga labi ay nabuo sa isang malabong ngiti.“Magpaliit.”Pagkatapos niyang ibiga