Kabanata 2032
Tahimik na bumulong si James sa sarili niya.

Nang kumalat ang pisikal na lakas niya sa buo niyang katawan, nagsimula siyang maging mas kampante.

"Mga ginoo, magsimula na tayo." Mula sa labas ng arena, narinig ang boses ng anino. "Maglaban kayong maigi. Ngayong nasa Celestial Abode pa rin ang espiritu ng Master, siguro ay nanunuod ang Master ngayon. Kung sapat at magugustuhan ng Master ang performance niyo, baka hindi niyo pa kailangang dumaan sa checkpoint at maging bagong owner kaagad ng Celestial Abode."

Sumigla ang ekspresyon ng Son of Heaven nang narinig niya ito. Lumalabas na narito pa rin ang espiritu ng dating may-ari ng Celestial Abode sa loob ng Celestial Abode.

Sa sandaling iyon, nagpasya siyang pabagsakin nang napakabilis ang kalaban niya. Balak niyang talunin si James sa isang atake.

Pagkatapos itong maisip, binuhos niya ang buo niyang lakas. Dumaloy ang True Energy sa katawan niya. Kaagad na lumaki sa kasukdulan ang aura sa katawan niya.

Nang bumagsak ang aura
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP