Noong narinig ni James ang mga salitang iyon, nakahinga siya ng maluwag. Sa wakas, nalampasan na niya ang checkpoint na ito. Sa wakas, maaari na siyang makausad sa ninth checkpoint. Siya ang unang nakaabot sa ninth checkpoint, kaya siya ang may pinakamalaking tyansa na makakuha sa Celestial Abode. Itinabi ni James ang Primordial Dragon Blade. Tumingin ang anino sa Son of Heaven, na nakahiga sa lupa at nasa bingit ng kamatayan, pagkatapos ay kinumpas nito ang kamay nito. Isang pill ang sumulpot sa kamay nito. Binigay nito ang pill sa Son of Heaven at sinabing, "Hindi ka makakalaban sa kalagayan mo ngayon. Upang maging patas ang lahat, inumin mo muna ang pill na ito."Tinanggap ng Son of Heaven ang pill at nilunok niya ito. Pambihira ang pill na ito at napakabisa. Di-nagtagal pagkatapos itong lunukin ng Son of Heaven, nagawa na niyang tumayo. Inalis ng anino ang Magic Circle na nakapalibot sa arena. Naglakad si James palayo sa arena. Agad na lumapit sa kanya si Marcello,
Malamig ang tono ng kanyang boses. Wala itong emosyon, gaya ng isang robot. Pagkatapos niyang matulala sandali, nagtanong si James, "Ilabas ang espada ko? Bakit?" Wala pa ring kahit kaunting emosyon sa mukha ng babae, at sinabi ng babae na, "Kung nakaabot ka dito, malamang napakahusay, talentado, at bihasa ka sa lahat ng aspeto. Kapag natalo mo ako ngayon, mapupunta sa'yo ang Celestial Spirit. Kapag nalinang mo ang Celestial Spirit, magagawa mong kontrolin ang Celestial Abode na 'to."Nagmumula ang puting liwanag sa mga mata ng babae habang nagsasalita siya. Tumutok ang liwanag na ito kay James. "Hindi mataas ang rank mo, ngunit malakas ang pisikal na pangangatawan mo. Medyo magiging mahirap ito."Kumunot ang mga kilay ng babae. Siya ang bantay ng huling checkpoint. Hindi siya isang tao o isang buhay na nilalang kundi isa siyang bagay na gawa ng mga tao, gaya ng anino ng Spirit Tool. Sa madaling salita, isa siyang artificial intelligence. Sa mas simpleng depinisyon, isa siy
Medyo nagduda si James. Ganito ba kalakas ang cultivation base ng peak Supernatural Eighth Inner Gate? May nakalaban na siyang malakas na tao na nasa Supernatural Ninth Inner Gate. Kahit siya kasing lakas nila, nagawa niya silang talunin o patayin dahil sa malakas niyang pangangatawan. "Oo," Ang sabi ng babae. "Dahil 'yun ang sinabi ko.""Sige. Kung ganun, saluhin mo ulit ang isa pang atake ko." Duda pa rin si James. Ganito ba kalakas ang peak ng Supernatural Eighth Inner Gate? Wala siyang magawa laban dito. Tinaas niya ang dalawang kamay niya. Sa mga palad niya, nagkaroon ng dalawang magkaibang True Energy. Unti-unting nagsama ang dalawang bola ng True Energy. Gagamitin niya ang Cosmic Destruction. Kung hindi niya kayang talunin ang babaeng ito gamit nun, wala na siyang pag-asa na makuha ang Celestial Abode. Tahimik siyang pinagmasdan ng babae. Pagkatapos, isang bola ng enerhiya ang sumugod papunta sa kanya ng may nakakatakot na pwersa. Naging seryoso ang mukha niyang
Ang nakangiting sinabi ni James, "Napakasimple lang ng huling checkpoint. Talunin mo siya, at makukuha mo ang Celestial Abode."Noong narinig niya iyon, bumuntong-hininga si Marcello. Nakatingin ang babae kay Marcello. May lumabas na puting liwanag mula sa mga mata ng babae at tumutok ito kay Marcello. "Oh. Kahanga-hanga ka. Naabot mo na ang fourth layer ng Herculean rank sa napakabatang edad."May bakas ng pagkagulat sa mukha ng babae. Gawa lamang siya ng tao, at pambihira ang kanyang mga kakayahan. May kakayahan siyang alamin ang edad at cultivation base ni Marcello. Sa taglay niyang lakas sa napakabatang edad, walang duda na talentado siya. "Dahil nasa fourth layer ka na ng Herculean rank, lilimitahan ko ang rank ko sa fourth layer ng Herculean rank. Umatake ka. Talunin mo ako, at makukuha mo ang Celestial Spirit."Narinig sa buong lugar ang boses ng babae. "Sige." Nasasabik nang magsimula si Marcello. Mabilis siyang kumilos. Sa isang iglap, sumulpot siya sa harap n
Mahirap malampasan ang huling pagsubok.Maging si Marcello ay walang pag-asang manalo.Kaya naman, pinili niyang umalis.Hindi siya nag-aalala na yung ibang tao na kasunod niya ay magagawang talunin ang babaeng nakaputi.Bumalik ang dalawa sa parehong daan.Di-nagtagal, umalis sila sa siyudad.Nagkikipaglaban pa ang iba sa labas ng siyudad.Noong nakita nila si Marcello at si James na lumabas mula sa siyudad, nagtaka sila.Subalit, nagpatuloy lamang ang dalawa sa paglalakad ng hindi nagsasalita.Maraming mga Magic Circle at mga harang sa daan nila, ngunit walang naging balaklid sa daan nila pabalik. Hindi sila nahirapan na makabalik sa tuktok ng bundok sa labas ng siyudad.Mayroong lagusan sa tuktok ng bundok na binubuo ng kulay gintong liwanag.Pumasok ang dalawa sa lagusan ng walang pag-aalinlangan, at dinala sila nito palabas ng Celestial Abode papunta sa isang bundok sa loob ng Mount Bane.Ilang buwan na ang lumipas mula noong pumasok sila sa siyudad.Nagtipon ang mga
”Mauuna na ako, James. Kailangan kong humanap ng lugar kung saan ako pwedeng magmeditate ng mag-isa. Kung aayon ang lahat sa plano, babalik ako dito pagkaraan ng tatlong taon upang hamunin ang custodian ng ninth barrier. Umaasa ako na magsasanay ka ding maigi. Magkita ulit tayo sa Mount Bane pagkaraan ng tatlong taon.”“Mhm.” Tumango si James.Alam ni James na kailangan niyang magcultivate ng maigi.Hanggang walang nagmamay-ari sa Celestial Abode, hindi siya susuko.Pagkatapos magpaalam ni Marcello, tumalikod siya at umalis.Nagpaiwan si James at kinamusta niya ang ilan sa mga kaibigan niya.“Nakita mo ba si Maxine, James?”Dalawang payat at magandang babae ang lumapit sa kanya.Ito ay si Tiara at si Cynthia.Nang makita nila si James, nahihiyang niyuko ni Tiara ang kanyang ulo at hindi siya nagsalita.Si Cynthia ang unang nagsalita.“Si Maxine?”Nagulat si James sa tanong niya at sinabing, “Hindi ko siya nakita.”Pagkatapos niyang marinig ang sagot ni James, kumunot ang m
Pagkatapos umalis ni James sa Mount Bane, nagmadali siyang pumunta sa Lothian.Pumunta siya sa military region ng pinakamalapit na siyudad sa Mount Bane at sumakay siya sa isang private plane papunta sa Lothian.Pagkalipas ng kalahating araw, nakarating si James sa Lothian.Nakipagkita siya kay Langston, Tyrus, at Xandra sa palasyo.Alam ni Xandra na karamihan sa mga Overworld Outsider ay nagtungo sa Celestial Abode sa Mount Bane. Dahil alam na nila ang tungkol dito, hindi na nag-abala pang mag-imbestiga ang mga martial artist ng Lothian.“Kamusta, James? Ayos ka lang ba?”Hinila ni Xandra si James at tiningnan niya kung nasaktan ba si James.Ngumiti si James at sinabing, “Walang nangyaring masama sa’kin.”“Oo nga pala, ano ba talaga ang Celestial Abode?” Ang tanong ni Tyrus.Pinaliwanag ni James ang mga nangyari pagkatapos niyang pumasok sa Celestial Abode.Sa kabila ng mahinahong paglalarawan ni James, namutla at nabigla ang lahat sa mga pangyayaring sinalaysay ni James.“
Isang babae ang nakaupo sa isang lotus position sa tabi ng maliit na puno. Ito ay si Delainey na nakaupo doon habang nagkucultivate. Marahil ito ay dahil sa pagkain niya sa kulay pilak na prutas, pero umiilaw ng kulay pilak si Delainey na para bang naliliwanagan siya ng buwan. Lalo siyang nagmukhang maganda at mahiwaga dahil dito. Nang maramdaman niya na may palapit tumigil sa pagkucultivate si Delainey. Inangat niya ang kanyang ulo at masaya siyang tumayo. "Nakabalik ka na, James!" Tumango si James at sinabing, "Salamat, Delainey.""S-Sino 'yang kasama mo?" Tumingin si Delainey sa babae sa likod ni James.Ngumiti si James at nagpaliwanag, “Siya ang nanay ko.”Agad siyang binati ni Delainey ng nakangiti, “Madam.”“Hello, kinagagalak kitang makilala.” Nakangiting sumagot si Xandra.Iniba ni Delainey ang usapan at sinabing, “James, namunga na ang Sacred Tree. Pambihira ang mga ito. Nagkucultivate ako malapit sa puno nitong mga nakaraan, at nagawa nitong palakasin ng husto an