Tunay na makapangyarihan na puwersa ang Void Sect. Kahit ang pangkaraniwang disipulo ay nagpamalas ng malakas na puwersa.Habang naguguluhan, bumulong si James. “Sino ba talaga sila?”Umiling-iling si Callan, “Hindi ko rin alam. Puwede mo tanungin ang Omniscient Deity kung gusto mo na mas marami pang malaman. Sapagkat mas matagal na siyang nabubuhay, at kabilang siya sa mga malalaking mga kaganapan na naitala sa kasaysayan, siguradong may alam siya tungkol sa Void Sect.”“Mhm.” Tumango si James. Pareho sila ng opinyon. Pero, sapagkat hindi pa sumosobra ang Void Sect, maisasantabi niya ito.Bumalik ang dalawa sa village.Matapos bumalik, tumungo si James sa plantasyon niya. Isang araw pa lang siyang nawala, ganoon pa din ang laki ng prutas. Pero, mas mapula na ito at kaakit akit. Pinigilan ni James ang kagustuhan niyang lunukin ito ng buo.“James, binantayan ko ng mabuti ang herb mo sa nakalipas na dalawang araw. Walang lumapit para nakawin ito.” Ngumiti si Callan.“Maraming salamat.”N
Matapos marinig ang ingay sa labas, agad na nagmadali si Callan papunta kay James. Sa oras na dumating siya sa hardin, nakita niya si James na lumulutang sa ere, at nagmumula ang pulang liwanag sa katawan niya.“Anong…”Natulala si Callan.Nakapikit si James at ginamit niya ang Lunar and Terra Art para mabilis na iabsorb ang enerhiya sa katawan niya.Ang Empyrean Spiritual Energy ng misteryosong prutas ay sobrang concentraed at marilag kung saan natanga si James. Kung ang Empyrean Spiritual Energy na inabsorb ni James kada umaga ay isang patak lang, ang Empyrean Spiritual Energy na laman ng prutas ay tila karagatan sa dami. Matapos kainin ang misteryosong prutas, sinumulan niyang irefine ang Empyrean Spiritual Energy para mapakalakas ang True Energy niya.Kasabay nito, sa Tacriyrus…Suot ni Sky ang ginintuang robe niya habang nakaupo sa main hall ng palasyo niya Sa ilalim niya ay glamorosong babae na malakas ang karisma.Tinignan ni Sky si Maxine habang hindi natutuwa. Nagsalita siya,
Samantala, sa grand villa ng mga Callahan sa probinsya… Isa itong grand villa na espesyal na itinayo ng mga Callahan kung saan nakatira ang mga pinakaimportanteng miyembro ng pamilya. Sa sandaling iyon, nakaupo si Thea sa isang armchair sa courtyard ng villa. Habang hawak ang isang libro tungkol sa prenatal education, binasa niya nang malakas ang libro. Boom! Bigla na lang, sinipa pabukas ang pinto. Kaagad na tumayo si Thea nang sumugod ang isang grupo ng hindi kilalang kalalakihan papasok ng compound. Isang lalaki ang nakitang paika-ikang pumasok. Ang lalaking iyon ay si David na puno ng pasa ang mukha. Pagkatapos tumakbo papasok ng courtyard, nagmadali siyang sumugod papunta kay Thea at nagtago sa likuran niya. "T-Tulungan mo ko, Thea!" Sinenyasan siya ni Thea na kumalma. Pagkatapos, nanatili siya sa kinatatayuan niya at tinitigan ang mga hindi imbitadong bisita. Ilang kalalakihan ang lumapit kay Thea nang may malolokong ngiti sa mga mukha nila. "Sino kayo?" Du
Gayunpaman, sa sandaling humakbang siya paharap, kaagad siyang napaatras at bumagsak nang malakas sa lapag habang sumusuka ng dugo. Sa sandaling iyon, nakaalis na si Thea kasama ni Sky. Samantala, mabilis na kinuha ni Lex ang phone niya at tinawagan si James. Kahit na natawagan niya siya, walang sumasagot sa phone. Paulit-ulit siyang tumawag, ngunit sa kabila ng maraming pagtawag niya, walang sumagot sa phone. Kung kaya't nagpasya siyang padalhan ng message si James, [May masamang nangyari, James. Dinukot si Thea. Bumalik ka na sa Cansington ngayon din.] Nagtipon-tipon ang mga importanteng miyembro ng mga Callahan para sa isang meeting. "Lolo, sinong dumukot kay Thea?" Tanong ni Tommy. Naging seryoso ang ekspresyon ni Lex. Ngayong naging isang ancient martial family ang mga Callahan, maging malapit siya sa mas malawak na ancient martial world kaya may nalalaman siyang ilang bagay. Narinig niya ang malaking presensya ni Thea sa ancient martial world. Dahil kusang um
"Sino yan?" Nakatawag ng pansin ng mga palace guards ang paglitaw nina Thomas. Dose-dosenang armadong palace guards ang kaagad na pumalibot sa kanilang tatlo. Swish! Swoosh! Sa isang iglap, nakahiga na sa sarili nilang dugo ang palace guards. Dahil masyadong maliksi ang kilos niya, hindi kaagad nakakibo ang palace guards. Sa sandaling napansin nila kung anong nangyayari, nagilitan na sila ng leeg at bumagsak sila sa lapag. Sa sandaling iyon, tumunog ang alarm. Bumukas ang palace gate at napakaraming sundalo ang sumugod palabas. Nang may hawak na espada, humiwa si Thomas gamit ng espada niya. Sa isang iglap, namatay ang mga sundalo. Kasabay nito, nakikipaghalikan si Sky sa isang magandang babae sa kwarto niya sa courtyard ng palasyo. Tok! Tok! Tok! Isang katok ang narinig sa pintuan. Habang nagmumura, tinulak ni Sky ang babaeng nakakandong sa kanya at nagbihis. Pagbukas niya ng pinto, tinitigan niya nang masama ang lalaking nakaluhod sa labas ng courtyard at p
Hindi ito ginusto ni Sky na mangyari. Kahit na ang Tacriyrus ay isa lamang maliit at hindi mahalagang bansa sa mundo, balak niyang gamitin ang Tacriyrus bilang pundasyon sa pananakop ng mga teritoryo at palawakin ang bansa para maging pinakamalaki sa planeta, o kaya ang nag-iisang bansa sa mundo. "Thomas, kumilos ka pa at mamamatay si Thea at ang anak niya!" Tinignan ni Sky si Thomas nang nakangisi. Nandito kaagad si Thomas pagkatapos niyang dukutin si Thea. Ibig sabihin lang nito ay pinahahalagahan nang sobra ni Thomas si Thea at ang bata sa sinapupunan niya. Sa kasalukuyan, hindi niya gustong labanan si Thomas sa sarili niyang teritoryo sa takot na masira ito. Nasa milyon lang ang populasyon ng Tacriyrus. Kapag namatay sila, mahihirapan siyang bumuo ng isang bansa. "Ikaw…!" Nagalit si Thomas. Wala siyang magawa. “Hahaha!” Sa sandaling iyon, isang tawa ang narinig. Lumingon ang lahat. “Ang Prince of Orchid Mountain?” Namutla ang mukha nina Thomas, Sky, T
Nang nakita niyang ligtas si Thea, nakahinga nang maluwag si Thomas. Pagkatapos, lumapit siya sa kanya at nagtanong, "Ayos ka lang ba, Thea?" Bahagyang umiling si Thea at nagsabing, "Ayos lang ako." "Ang Prince of Orchid Mountain ba ang nagligtas sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Thomas. Bahagyang tumango si Thea at nagsabing, "Oo, nahanap niya ako." Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya kay Sky na mukhang dismayado. Nasaksihan niya ang laban mula sa malayo. Hindi inasahan ni Thea na sa sobrang lakas ni Langston na maski si Sky, na isang ninth-rank grandmaster, ay walang laban sa kanya. Tinignan ni Sky si Thea nang may madilim na ekspresyon. Sa umpisa, binalak niyang dukutin si Thea para pilitin si James na sumunod sa kanya. Gayunpaman, hindi niya inasahang lilitaw sina Thomas at Langston. Hindi siya nagtangkang pigilan si Thea sa pag-alis. "Layas." Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya para umalis. Sabi ni Thomas, "Dahil maayos na ang lahat ngayon, dapa
Binunot kaagad ni Thomas ang espada niya. Humakbang paharap si Thea para pigilan siya at nagsabing, "Sir Caden, sasama ako sa kanila. Ang sabi nila ay di nila ako papahirapan. Naniniwala ako na ang mga miyembro ng Void Sect ay hindi mga klase ng taong hindi tumutupad sa mga sinabi nila."Alam ni Thea kung gaano kalakas ang Void Sect. Kahit sina Tobias at Lucjan ay natalo nila sa isang atake. Higit pa roon, ang tumalo sa dalawa ay mga tauhan lang ni Kaj.Tiyak na si Kaj ay isang taong mahirap labanan. Walang dudang isa siyang ninth-rank grandmaster. Kapag naglaban sila, baka walang laban si Thomas sa kanya. "Pero, Thea…" may pag-aalinlangan sa ekspresyon ni Thomas. Sabi niya, "Malapit ka nang manganak. Sa mga panahong ito, dapat magpahinga ka." Simpleng nagsabi si Kaj, "Hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan. May mga midwife din ang Void Sect. Walang masamang mangyayari kay Thea sa Void Sect." Pagkatapos sabihin iyon, iniunat niya ang kamay niya para salubungin siya. Lu