Kabanata 1824
Tunay na makapangyarihan na puwersa ang Void Sect. Kahit ang pangkaraniwang disipulo ay nagpamalas ng malakas na puwersa.

Habang naguguluhan, bumulong si James. “Sino ba talaga sila?”

Umiling-iling si Callan, “Hindi ko rin alam. Puwede mo tanungin ang Omniscient Deity kung gusto mo na mas marami pang malaman. Sapagkat mas matagal na siyang nabubuhay, at kabilang siya sa mga malalaking mga kaganapan na naitala sa kasaysayan, siguradong may alam siya tungkol sa Void Sect.”

“Mhm.” Tumango si James. Pareho sila ng opinyon. Pero, sapagkat hindi pa sumosobra ang Void Sect, maisasantabi niya ito.

Bumalik ang dalawa sa village.

Matapos bumalik, tumungo si James sa plantasyon niya. Isang araw pa lang siyang nawala, ganoon pa din ang laki ng prutas. Pero, mas mapula na ito at kaakit akit. Pinigilan ni James ang kagustuhan niyang lunukin ito ng buo.

“James, binantayan ko ng mabuti ang herb mo sa nakalipas na dalawang araw. Walang lumapit para nakawin ito.” Ngumiti si Callan.

“Maraming salamat.”

N
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP