Kabanata 1822
Hindi gusto makipaglaban ni James sa estranghero. Pero, sumosobra na ang lalake.

Agad niyang ginamit ang True Energy at sinalubong ang atake nito. Sa buong panahon na nakalipas, abala siyang inaaral ang iba’t ibang martial arts. Pero, hidni siya nagkaroon ng pagkakataon na subukan ito sa laban. Ngayon, may pagkakataon na siya.

Hindi ganoon kalayo ang labanan mula sa tinutuluyan na village ni James. Sa kabutihang palad, walang nakatira sa parte na ito.

Sa lugar na ito, patuloy na naganap ang labanan.

Boom!

Nagkasalubong muli ang mga kamao nila, at agad na tumalsik ang lalake. Nalumpo ang braso niya at hindi na niya ito maitaas.

Bago pa niya maayos ang sarili niya, nasa itaas na niya si James. Sa isang kisap mata, tinamaan ang dibdib niya at bumagsak siya sa sahig.

“T*ng ina!” sigaw ng lalake.

Tumalon siya mula sa sahig at naglabas ng nakakatakot na aura. Naapektuhan ng aura ang paligid at umikot ang alikabok. Pagkatapos, sinugod niya si James.

Naglaban ang dalawa.

Sa nakalipas na mga ta
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP