Halos hindi ma-detect ang bango ilang araw na ang nakalipas. Ngayon, gayunpaman, ang halimuyak ay mas matindi. Napatingin si Callan kay James.Nakangiting sabi ni James, “Magiging totoo lang ako sa’yo, may nakita akong munting herb na naglalaman ng bakas ng Empyrean Spiritual Energy sa kabundukan ilang araw na ang nakalipas. Kaya, ibinalik ko ang damo at itinanim sa aking taniman. Ngayon, lahat ng iba ko pang halamang gamot ay nalanta, at tanging ang halamang iyon na lang ang natitira. Pagkatapos mamulaklak, ang bunga nito ay nagsimulang magbuga ng samyo.” “Talaga?”Tuwang-tuwa, sinabi ni Callan, "Gusto kong tingnan."“Sundan mo ako.”Dinala ni James si Callan sa taniman sa likod ng kahoy na bahay.Ang lahat ng mga halamang gamot sa taniman ay nalanta, at isang halaman na lamang ang natitira. May magandang pulang prutas na kasinglaki ng hinlalaki sa damo.Habang papalapit sila sa taniman, mas matindi ang bango. Napayuko si Callan at tiningnan ang damo, “Sinasabi mo bang may
Bumalik si James sa looban.Bumalik si James sa looban."Darling, medyo hindi ako komportable." Masakit na ekspresyon ang suot ni Thea.“Manganganak ka na ba?” Natuwa si James.Ipinikit ni Thea ang kanyang mga mata at sinabing, “Isa pang buwan bago lumabas ang sanggol. Hindi ako komportable dahil hindi mapakali ang bata sa loob ko."Marahang ipinatong ni James ang kanyang kamay sa kanyang tiyan at nakangiting sinabing, “Medyo malikot ka, ‘no? Mag-behave ka muna."Ngunit, ang sanggol ay lalong hindi mapakali nang marinig ang mga salita ni James.“Sige, tigilan mo na ang paglalaro sa bata. Kailangan ko nang magpahinga,” reklamo ni Thea.Dali-dali siyang dinala ni James sa isang upuan."Darling, dahil malapit na lumabas ang baby, gusto kong bumalik sa Cansington. At least may nag-aalaga sa akin sa Callahans. Hindi kami makakarating sa oras para sa ospital sa village na ito, "sabi ni Thea."Ano? Bumalik sa Callahans?"Natigilan si James."Bakit?" Napatingin sa kanya si Thea na
Ang paglalakbay pabalik sa Cansington ay walang nangyari.Hindi nagtagal, nakarating sila sa Callahan sa Cansington.Ang mga Callahan ay mabilis na umunlad sa nakalipas na ilang taon. Iyon ay dahil ang pamilya ay sumailalim sa isang malaking restructuring, na hinati ang pamilya sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay mananatili sa lungsod at namamahala sa mga negosyo sa labas ng mundo, samantalang ang isa pang grupo ay magsasanay ng martial arts sa mga suburb.Samantala, bumalik si Thea sa tirahan ng mga Callahan sa mga suburb.Matapos ihatid si Thea sa kanyang destinasyon, umalis si James at bumalik sa nayon. Bago siya umalis, pinaalalahanan siya ni Thea na huwag gumala sa labas at inutusan siyang bumalik kaagad pagkatapos mamitas ng prutas.Nangako si James sa kanya.Makalipas ang isang araw, si James ay nasa isang lugar malapit sa nayon.Nag-drive siya habang naghu-hum ng kanta. Screech!Biglang may sumulpot sa gitna ng kalsada. Agad na pinara ni James ang preno, at ang alit
“Hindi na kailangan.”Pagkatapos, sinipa ng lalake ng malakas si James.Tumalsik si James ng dalawampung metro sa isang iglap. Ang akala niya nakaiwas siya sa atake ng lalake. Pero, nagpakita bigla ito sa harapan niya at sinipa siya. Nagdilim ang mukha ni James, at agad niyang itinaas ang braso niya para harangin ito.Sa oras na tumama ang paa sa braso ni James, nakaramdam ng matinding puwersa si James. Sa isang iglap, tumalsik siya ng ilang metro ang layo. Kumulo ang Blood Energy niya, at naramdaman niyang umaangat ito sa lalamunan niya. Sapilitan niyang nilunok ang dugo, at ginamit ang True Energy para pigilan ang nagwawalang Blood Energy.“Hindi na masama…” Tinignan ng lalake si James habang galita ng itsura habang nakatayo. “Mukhang totoo ang tsismis. Ikaw ang pinaka kilalang martial artist sa henerasyon na ito. Labanan mo ako gamit ang buong lakas mo, bata kung hindi, ito na ang huling hantungan mo.”Kahit na pinupuri ng lalake si James, nararamdaman niya ang malamig na kagustuhan
Hindi gusto makipaglaban ni James sa estranghero. Pero, sumosobra na ang lalake.Agad niyang ginamit ang True Energy at sinalubong ang atake nito. Sa buong panahon na nakalipas, abala siyang inaaral ang iba’t ibang martial arts. Pero, hidni siya nagkaroon ng pagkakataon na subukan ito sa laban. Ngayon, may pagkakataon na siya.Hindi ganoon kalayo ang labanan mula sa tinutuluyan na village ni James. Sa kabutihang palad, walang nakatira sa parte na ito.Sa lugar na ito, patuloy na naganap ang labanan.Boom!Nagkasalubong muli ang mga kamao nila, at agad na tumalsik ang lalake. Nalumpo ang braso niya at hindi na niya ito maitaas.Bago pa niya maayos ang sarili niya, nasa itaas na niya si James. Sa isang kisap mata, tinamaan ang dibdib niya at bumagsak siya sa sahig.“T*ng ina!” sigaw ng lalake.Tumalon siya mula sa sahig at naglabas ng nakakatakot na aura. Naapektuhan ng aura ang paligid at umikot ang alikabok. Pagkatapos, sinugod niya si James.Naglaban ang dalawa.Sa nakalipas na mga ta
Napaatras ang lalake. Hindi nagtagal, umabot siya sa puno. Sumandal siya sa puno at tinitigan ng masama si James.Tinignan siya ni James at nagsalita, “Bibigyan kita ng pagkakataon. Sino ka?”Huminga ng malalim ang lalake at pinilit na pakalmahin ang sarili niya. Pagkatapos, habang nakatingin kay James, na kalmado ang itsura, “Hindi ka maglalakas loob na patayin ako, James.”“Bakit sa tingin mo tama ka?”Nagdilim ang mukha ni James. Hindi dahil sa hindi na siya nakikialam sa mga bagay bagay ay ibig sabihin takot na siya.Nanlamig ang lalake matapos maramdaman ang kagustuhan pumatay ni James. “Ang pangalan ko ay Daman Lamar. Isa akong disipulo mula sa Void Sect,” pakilala ng lalake.“Ang Void Sect?”Nanigas si James.Narinig na niya ang tungkol sa Void Sect mula kay Callan. Isa itong sect na bigla na lang sumulpot ilang araw na ang nakararaan. Kahit na bagong sect ito, maraming mga ancient martial artist ang hinamon at tinalo nito. Noon, hindi niya ito masyadong binigyan ng pansin. Hind
Tunay na makapangyarihan na puwersa ang Void Sect. Kahit ang pangkaraniwang disipulo ay nagpamalas ng malakas na puwersa.Habang naguguluhan, bumulong si James. “Sino ba talaga sila?”Umiling-iling si Callan, “Hindi ko rin alam. Puwede mo tanungin ang Omniscient Deity kung gusto mo na mas marami pang malaman. Sapagkat mas matagal na siyang nabubuhay, at kabilang siya sa mga malalaking mga kaganapan na naitala sa kasaysayan, siguradong may alam siya tungkol sa Void Sect.”“Mhm.” Tumango si James. Pareho sila ng opinyon. Pero, sapagkat hindi pa sumosobra ang Void Sect, maisasantabi niya ito.Bumalik ang dalawa sa village.Matapos bumalik, tumungo si James sa plantasyon niya. Isang araw pa lang siyang nawala, ganoon pa din ang laki ng prutas. Pero, mas mapula na ito at kaakit akit. Pinigilan ni James ang kagustuhan niyang lunukin ito ng buo.“James, binantayan ko ng mabuti ang herb mo sa nakalipas na dalawang araw. Walang lumapit para nakawin ito.” Ngumiti si Callan.“Maraming salamat.”N
Matapos marinig ang ingay sa labas, agad na nagmadali si Callan papunta kay James. Sa oras na dumating siya sa hardin, nakita niya si James na lumulutang sa ere, at nagmumula ang pulang liwanag sa katawan niya.“Anong…”Natulala si Callan.Nakapikit si James at ginamit niya ang Lunar and Terra Art para mabilis na iabsorb ang enerhiya sa katawan niya.Ang Empyrean Spiritual Energy ng misteryosong prutas ay sobrang concentraed at marilag kung saan natanga si James. Kung ang Empyrean Spiritual Energy na inabsorb ni James kada umaga ay isang patak lang, ang Empyrean Spiritual Energy na laman ng prutas ay tila karagatan sa dami. Matapos kainin ang misteryosong prutas, sinumulan niyang irefine ang Empyrean Spiritual Energy para mapakalakas ang True Energy niya.Kasabay nito, sa Tacriyrus…Suot ni Sky ang ginintuang robe niya habang nakaupo sa main hall ng palasyo niya Sa ilalim niya ay glamorosong babae na malakas ang karisma.Tinignan ni Sky si Maxine habang hindi natutuwa. Nagsalita siya,