Kabanata 1782
Kinain ng lahat ng mga Callahan ang masarap na karne ng dragon.

Pagkatapos itong kainin, pakiramdam nila ay may apoy na nagliliyab sa loob ng katawan nila.

Gayunpaman, hindi sila napaso ng apoy. Pakiramdam lang nila ay mayroong mainit na alon na bumubugso sa katawan nila. Napakakomportable nito.

Pakiramdam nila ay para ba silang umaakyat sa langit.

Hindi nagtagal, tapos na ang hapunan.

Bumalik sina James at Thea sa kwarto nila sa third floor.

Naligo si Thea at lumabas ng banyo nang nakatapis ng manipis na tuwalya. Nababalot ng sugat ang katawan niya mula sa kuko ng dragon. Mabuti na lang at nagsara na ang mga sugat niya.

Pinunasan niya ang buhok niya gamit ng isa pang towel habang lumapit siya. Nang nakita niyang nakaupo si James sa kama nang nakatulala, hindi niya napigilang magtanong, "Anong problema, Honey? Anong iniisip mo?"

Nahimasmasan si James.

"Wala lang. Iniisip ko lang kung bakit ka binigyan ng Prince of Orchid Mountain at ng Omniscient Deity ng dugo ng qili
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP